Sumalampak si Apollo sa lounge ng restaurant na tila hingal na hingal. Isinampay nito ang puting coat ng suit nito sa lounge chair at pinaypayan ang sarili. Ang staff naman sa loob ng bar ay pinaglipat-lipat ang tingin dito at sa TV sa screen. Mukhang natameme ang mga tauhan niya sa nadatnang eksena.
The coveted groom was sitting a few feet away from her!
Itinaas ni Apollo ang kamay at sumenyas. Nagmamadali namang naglakad palapit dito si Isa habang siya ay nakamasid lang dito. And truth be told, she was nervous. Ngayon lang ulit pagkatapos ng napakahabang panahon sila nagharap ni Apollo kahit na nga ba hindi siya nawawalan ng balita dito.
"Sir, can I take your order?"
"Give me lots of water. Make it fast," utos ni Apollo. Isinandal nito ang ulo sa head rest at pumikit. Bumaba-taas ang dibdib nito.
"Pero ang gwapo talaga ni Sir Joaquin, ano?" bawi ni Isa nang makabalik sa pwesto nila. "Kung ganyan talaga ka-guwapo, mahirap talagang itali."
Oo nga, sang-ayon ni Andy sa isip.
She took a long look at Apollo who was sitting comfortably at the lounge as if he had always belonged there. His long legs were stretched in front of him a manner befitting of someone with his status. Kahit parang pagod na pagod ito ay ang kisig pa rin nito sa suot nito'ng white tuxedo. The groom's suit rightfully belonged to him.
Napa-diretso si Andy ng tayo. May kasal nga pala ito'ng tinakasan. Wala ito'ng karapatang basta-basta magpahinga sa bar niya samantalang nagkakagulo ang lahat ng iniwan nito.
"Ako na ang mag-se-serve," aniya kay Isa. Inagaw niya dito ang pitsel ng tubig na dala-dala nito.
She marched towards Apollo, aware that Apollo had once again managed to rock her quiet world. Pabagsak niyang inilapag sa harap nito ang pitsel ng tubig.
"Ayan na ang tubig mo."
Mabilis na nagmulat si Apollo nang marahil ay makilala ang tinig niya. Ang pagbalatay ng pagkagulat sa mata nito nang makita siya ay ganon-ganon lang. He blinked several times.
"A-andy? Is that really you?" tila na-e-engkantong tanong nito. He searched her face frantically. Tila sinisigurado na hindi ito nagkakamali. Na nakatayo nga siya sa harap nito pagkatapos nang maraming taon.
Tumaas ang kilay niya. "Sino pa ba? Ano bang ginagawa mo dito? You're supposed to get married today!"
Hindi ito sumagot ang nanatili lang na nakatanga sa kanya. Umupo ito nang tuwid at ilang beses na lumunok. Kahit si Andy ay nagtataka sa ginawi nito. Apollo looked helpless and lost. Kaibang-kaiba ito sa Apollo na laging pinaliligiran ng mga babae noon sa campus. Hindi nito inaalis ang paningin sa kanya at katulad ng dati, napagtanto niyang iba pa rin ang epekto niyon sa kanya.
Malakas niyang ipinukpok ang kamao sa mesa nito. Napaigtad si Apollo. Tila noon pa lang ito natanggal sa trance.
"Ilang kape ba ang ininom mo at mukha kang tanga diyan? At bakit ka nga nandito? Nagkakagulo ang lahat sa iniwan mo'ng kasal samantalang ikaw ay nakakapagpahinga pa dito. You're really hopeless," asar na sabi niya.
Doon tumigas ang anyo ni Apollo. His lips twisted mockingly. Ipinagkrus nito ang mga braso sa dibdib nito at tiningnan siya.
"So, you don't really care at all that I'm getting married to someone else, huh! Sino ba sa palagay mo ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang kasal ko ngayon?"
Lalo siyang nalito sa tanong nito. Ano na namang gustong palabasin nito?
"Eh, 'di ikaw! Haller? Sino ba namang matinong lalaki ang tatakbuhan ang bride nang walang dahilan. Tsk tsk. I pity your supposed-to-be bride. Hindi marunong pumili," umiling-iling pa siya.
BINABASA MO ANG
Seasons 2: A Second Chance in Spring
RomanceMamamatay na sa kaba si Apollo. Siguro ay normal lang iyon sa laliat ng mga taong ikakasal sa mismong oras na iyon. "Wedding blues," wika nga. Pero hindi yata normal na habang naglalakad sa aisle ang babaeng pakakasalan niya ay ibang mukha ng babae...