Years later...
Napaangat ang ulo ni Andy mula sa pag-i-sketch nang marinig ang tinig ng reporter sa TV na nasa counter ng Seasons Bar and Restaurant. Kakaunti pa lang ang tao dahil palapit pa lang ang hapon. Ang staff ng restaurant ay nagsisiksikan sa counter.
"A shocking news has just arrived!" excited na wika ng reporter. "Famous Businessman and General Manager of JAC, Apolinario Joaquin III, has just run away and forfeited his wedding to society princess Gail Mercedez. Later this afternoon..."
Dali-dali siyang tumayo. Nakisiksik din sa mga tauhan niya na pawang mga nakanganga habang nakatitig sa screen ng TV.
"Ay! Ano ba 'yan! Pang teledrama. Runaway groom?" wika ni Kelly.
"Wala na talagang seseryosohin 'yang GM na yan ng JAC," wika naman ni Isa. "Sinasabi ko na nga ba. Noong in-announce ang engagement na 'yan ay duda na ako."
Wala nang naiintindihan sa usapan si Andy. Tutok na tutok siya sa byline na makikita sa baba ng screen. Pakiramdam niya ay nakasalalay doon ang pag-ikot ng mundo. Ang sabi doon, bago mag-umpisa ang kasal ay nanakbo daw ang groom palabas ng Fernwood Gardens na ikinatigagal ng lahat. Lino Joaquin refused to release any statements at the moment. Ang bride naman na si Gail ay agad daw na inilayo ng mga bodyguards sa nagkakagulong press.
Apparently, Apollo ruined what was supposed to be a joyous occasion.
Apollo, you're still really an idiot!
Pero hindi alam ni Andy kung bakit sa kabila ng lahat ay nagawa pang magdiwang ng puso niya. Simula kasi nang makaabot sa kanya ang balita na ikakasal na daw si Apollo may isang buwan na ang nakalipas ay nalipasan na rin ata siya ng araw sa kanyang buhay. Hindi kasi niya inaasahan iyon. Bigla-bigla ang announcement at ni hindi man lang niya nalaman na may kasintahan pala si Apollo.
Base kasi sa nasasagap niyang tsismis mula kay Gabby ay masyado daw abala si Apollo sa pamumuno ng kompanya. He dated around, but never with the same girl twice. That was why the news of the engagement shocked her bigtime. Hindi pa naman sila nagkakaharap ulit ni Apollo. Maliban sa hindi ito masyadong um-a-attend ng mga social gatherings ng JAC ay iniiwasan din niyang magkaharap sila. Ipinangako niya sa sarili niya anim na taon na ang lumipas na hindi na siya ang mauunang lumapit dito kahit kailan.
Hindi rin naman mahirap para sa kanya ang umiwas dito. She was a busy career woman. Pabalik-balik siya ng States simula nung grumaduate siya dahil ang mga kliyente niya ay mga prominenteng pangalan sa Hollywood. Due to her family's wide connections with people from the entertainment industry, it wasn't hard to build a name in Interior Designing. She was a freelance designer. Ang mga nagiging kliyente niya ay iyong sikat na personalidad sa Hollywood scene. That kept her occupied after graduation.
Siguro ay nagla-lamyerda pa siya sa New York at Paris kung hindi lang kinailangan ni Gabby ng mag-ma-manage ng itinayo nitong Seasons Bar and Restaurant na siya din ang nag-design ng interior. Maliit lang naman iyon kaya tingin naman niya ay kaya niyang i-handle iyon. In between managing the newly-built bar and restaurant, nagagawa pa niyang tumanggap ng pa-minsa-minsanang projects sa iba-ibang kliyente.
Ibinigay na rin sa kanya ni Gabby ang isang post sa Seasons FM - ang radio station na pag-aari ng pamilya nila - para naman daw hindi siya mapanisan ng laway. Her screen name was Spring. And she was one of the four resident DJs of the stations. Sanay kasi siya na mag-isa lang at nagkukulong sa kwarto kapag may tinatapos na design. She was hard on herself when it came to her work. Siguro kasi ay iyon na lang ang maiipagmalaki niya. She rightfully earned what she had right now.
Kapagkuwan ay napatingin siya sa TV set. Aminin man niya o hindi, nasa screen na iyon ang pangalan ng taong dahilan kung bakit napakarami niyang gustong patunayan. She was matching his achievements. Minsan pa ay pinakatitigan niya ang mga salitang nasa screen - Wedding of the Year, Cancelled!
Hindi niya alam kung magiging masaya o magluluksa. Ganoon din ito sa kanya noon. Ayaw din nito'ng mapakasal sa kanya.
"Same old Apollo," Andy muttered softly.
Umiling-iling siya para alisin ang agiw sa utak niya. Marami nang panahon ang nagdaan simula noon. Marahil ay katangahan nga ang ginawa niya para ipilit ang engagement dito. Still, those stolen moments with him were her most guarded treasures. Hindi iilang beses ay dinadalaw siya ng mga ala-alang iyon kahit saan mang panig siya ng mundo mapunta.
Nang bumukas ang pinto ng Seasons ay sabay-sabay pa silang napatingin sa pumasok. At muntikan na siyang mauntog sa built-in cabinet nang tangkain niyang silipin nang mabuti ang pumasok para lang masiguro na hindi siya namamalikmata.
It was his stupid highness, Apollo Joaquin III.
BINABASA MO ANG
Seasons 2: A Second Chance in Spring
RomanceMamamatay na sa kaba si Apollo. Siguro ay normal lang iyon sa laliat ng mga taong ikakasal sa mismong oras na iyon. "Wedding blues," wika nga. Pero hindi yata normal na habang naglalakad sa aisle ang babaeng pakakasalan niya ay ibang mukha ng babae...