Chapter 2

554 21 0
                                    

CHELSEA POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at umiyak nalang ako ng umiyak habang nakahiga sa kama ko. Kung sinabi ko nalang kay tita na hindi nalang ako mag-aaral edi sana hindi na lumayas si Ace at hindi na sana nam-mroblema si tita ngayon. Inaalala ko ngayon yung nangyari kanina bago ako umakyat dito at umiyak.

~FLASHBACK~

"Mom hibang na ba kayo?" Tanong ni Ace tyaka tumingin ng masama sa akin. Napayuko nalang ako at pinipigilang umiyak.

"Why?! What's the problem Ace?" Takang tanong ni tita tsaka nagpapalit-palit ang tingin sa amin. Napahinga muna ulit ng malalim si tita bago magsalita.

"Ace bakit ba ayaw mong tanggapin si Chelsea?" Ngunit imbis na sumagot ay iiling iling lang siya. At nag simula nang manumbat dahilan para umiyak na ako ng walang ingay para hindi na magalala pa si tita.

"Mom pumayag na nga akong dito siya tumira kahit pa halos araw araw ko na siyang nakikita. Pati ba naman sa school?" Napakunot ang noo ni tita dahil sa sinabi niya pero nanatili itong tahimik.

"Sa school na nga lang nagiging tahimik yung buhay ko tapos papapasukin niyo pa siya doon?" Lalong nangunot ang noo ni tita dahil sa pinagsasasabi ni Ace, ako naman ay napapayuko nalang. Alam ko naman na walang tatanggap sa akin dahil naging bad girl na ako. Anong magagawa ko siya rin naman ang dahilan kaya ako naging ganito. Minsan tuloy naiisip ko kung ako 'yong may problema o 'yong mga magulang ko.

"Tell me Ace? May ginawa bang hindi maganda si Chelsea sa'yo?" Napabuntong-hininga nalang si Ace at pilit pinapakalma ang sarili pero hindi niya magawa dahil nakikita niya ako. 'Yon din 'yong sinabi niya noon.

"Bakit ba ang sama-sama mo kay Chelsea, wala naman siyang ginawang masama sayo? At kung meron man hindi naman yata niya sinadya? Right Chelsea?" Tumango nalang ako at pilit pinupunasan ang mga luha ko ng palihim.

"Fine!" Sabi niya tyaka itinaas ang dalawang kamay na animoy tinutukan ng baril.

"Mamili ka mom." Walang buhay nitong sabi tsaka tumingin sa akin ng walang buhay ganon din kay tita.

"Sa ibang school niyo siya papapasukin o lalayas ako sa bahay na 'to?" Sabi niya habang masama ang tingin sa'kin. Agad namang napatakip ng bibig si tita na halatang nagulat sa sinabi sa kanya ng anak niya.

"Walang lalayas at walang lilipat ng school bukas na bukas din ie-enroll ko na si Chelsea sa school mo end of discussion." Napahinto si tita at ako naman ay nagulat sa sinabi ni Ace.

"Kung ganon ako ang lalayas." Walang buhay nitong sinabi at kinuha ang susi ng kotse niya at pinaharurot ng mabilis. Wala namang nagawa si tita kung hindi ang umiyak nalang at tinawagan si Kuya Renz.

~END OF FLASHBACK ~

Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko kaya dali dali ko itong binuksan. At nakita ko si tita na bagaman nakangiti ay alam kong malungkot siya at nagaalala kay Ace dahil kagabi pa namin siyang hindi ma-contact.

"Bakit po tita?" Pupungas-pungas kong sabi tsaka humikab.

"Di'ba ang sabi ko sa'yo ngayon tayo mage-enroll, bakit di'ka pa nakabihis?" Takang tanong niya tsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa.

Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon