Chapter 3

505 22 0
                                    

JAKE POV

Alam kong magagalit siya kapag hindi ko sinabi sa kanya na doon din ako mag-aaral pero magpa-paliwanag nalang ako. Alam ko naman na okay lang sa kanya 'yon dahil ako lang naman ang kaibigan niya slash kapatid. Pero walang nakakaalam noon maliban sa akin at sa daddy namin, yes kasama ko ang daddy namin.

Hindi pa ito nakikita ni CJ dahil ayaw pa ni daddy na magpakita sa kaniya. But in the right time, magpapakita si daddy at magiging masaya na si CJ.

Nag-iimpaki na ako para sa byahe ko mamayang madaling araw. Sa makalawa na kasi ang umpisa ng klase and I hope na maging magkaklase kami ni CJ, para naman maprotektahan ko siya. Sa gan'ong sitwasyon ko lang masasabi na nandito lang ako para sa kaniya. Ako na kuya niya na akala ng lahat ay patay na.

CHELSEA POV


Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nangangalikot ng cellphone ko ng pumasok si tita.

"Hi Chelsea excited ka ba para bukas?" Oo nga pala linggo ngayon.

"Just a little bit tita tyaka kinakabahan din." Sabi ko at umayos nang upo. Pumasok naman si tita at inayos Yung mga gagamitin ko bukas.

"Okay lang naman yun Chelsea but you promise me na lalayo ka na sa gulo hindi ka lalaki pero kung umasta ka parang lalaki." Alam ni tita 'yong pagitan namin ni Ace kaya siya gan'yan. Alam ko naman na concern lang siya sa akin pero kasi hindi na ata mawawala sa pagkatao ko 'yon.

"Yes po tita." Sabi ko at nag half smile sa kaniya.

Tumango nalang si tita at lumabas ng kwarto ko sinubukan ko ulit na i-text si Jake pero lagi niya sinasabi na busy siya.

Ano namang kina-busy non? Ang alam ko hindi si'ya pinapatrabaho ng papa niya. Parehas nga lang ata kami ng buhay? Hayahay haha! Binaba ko nalang ang cellphone ko tsaka pumikit pero wala pang 10 minutes naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone kaya tinignan ko ito.

Halos mapalundag ako sa higaan ko ng makita kong galing ito kay Jake.

~On Call~

JAKE: Excited ka na ba?
CJ: Excited saan?
JAKE: Maybe school? Tss.
CJ: Hindi naman gaano! Bakit? May nakaka-excited ba doon? Wala naman eh.
JAKE: Anong wala? Meron kaya!
CJ: Okay! Bahala ka na d'yan. Matutulog na ako at gabi na. Alam mo naman na may pasok na ako bukas. Goodnight
JAKE: Goodnight din.

~End of Call~

Tinabi ko na ang cellphone ko tsaka huminga ng malalim at pinikit ang mata pero nakalipas ulit ang 30 minutes pagulong-gulong lang ako sa kama ko pero hindi pa rin ako makatulog.

Siguro nga excited lang ako sa school, pero kasi masama ang kutob ko eh. Feeling ko may mangyayari bukas. Napabuntong hininga nalang ako tsaka pumikit.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa katok sa pintuan. Tumayo na ako at binuksan iyon. Nakita ko naman si Yaya Cassy.

"Miss CJ maligo na daw po kayo at kumain na, bilisan niyo nalang daw po." Sabi niya pagkatapos yumuko at umalis. Yaya ba yun? Bakit minamadali ako? Nagkibit-balikat nalang ako at pumunta sa banyo para maligo gaya ng sabi niya.

Maya maya pa ay bumaba na ako at pumunta sa kusina, at nakita ko nga silang lahat doon. Nagulat ako na pati si Ace nandoon na din, pero sa pagkain lang siya nakatingin at salubong na salubong ang mga kilay. Nandito rin si kuya Renz mukhang siya ang nagpauwi kay Ace.

"Oh Chelsea kanina ka pa d'yan? Halika ka na kumain ka na dito!" Tumango ako tsaka ngumiti at umupo sa tapat ni Ace. Nginitian ko naman siya pero hindi niya ako tinapunan ng tingin.

"Ah oo nga pala Chels kay kuya Renz ka muna sumabay ha?" Nagulat ako sa sinabi ni tita pero Wala akong nagawa kung hindi ang tumango nalang.

"Nga pala..." Panimula ni kuya Renz.

Napatingin naman kaming lahat sa kanya ganon din si Ace pero salubong pa rin ang kilay nito.

"Alam mo na ba ang section mo?" Sabay tingin sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ang naala ko nung pumunta kami nung sabado ni tita section G. Last section daw yun.

"Section G kuya." Nakita ko naman na nagdilim yung mukha ni Ace, si kuya naman ay nabigla at si tita naman ay nakayuko lang.

"Bakit po?" Tanong ko. Umiling lang si kuya at nagpatuloy sa pagkain, ganon din si Ace. Maya maya pa ay natapos na si kuya.

"Tapos na ako bilisan mo na d'yan" Sabi niya sa akin tyaka umakyat sa kwarto niya.

Mabilis kong tinapos ang kinain ko kasi ayaw ni kuya ang naiinip, baka layasan na ako, maglakad pa ko, no way!

Umakyat na ako at pumunta sa kwarto niya. Kakatok na sana ako pero nabuksan na ni kuya ayon naiwan na nakataas ung kamao ko. Agad ko namang binaba ang kamay ko at ngumiti sa kaniya.

"Tara na kuya?" Sabi ko at nagpaunang bumaba. Pumunta muna ako sa sala at nakita ko si tita kaya lumapit ako.

"Tita, alis na po kami." Sabi ko sabay mano. Ganon din ang ginawa ni kuya at lumabas. Tumango naman sa'min si tita.

"Mag-iingat kayo!" Pahabol niya. Nakaramdam naman ako ng kaba sa sinabi niyang 'yon para kasing may ibang ibig sabihin.

Hindi ko nalang ito pinansin at sumakay na sa kotse ni kuya Renz.

"Kuya di'ba doon ka rin nag-aral sa Sanarez International School?" Tumango naman si kuya.

"Pwede ka bang magkwento sa akin sa history nang school na 'yon?"

"Tyaka na malapit na tayo." Nang sabihin ni kuya 'yon ay sumilip na ako sa bintana. At nakita ko na malapit na nga kami kaya tumahimik nalang ako.

Nagulat ako ng may mga lalaki na nang-bubugbugan. Parang hindi naman yun isusumbong sa guidance kasi wala pa sa loob ng school yung mga nag-aaway.

"Wag kang gagaya sa kanila." Nagulat ako sa sinabi ni kuya.

Hindi kasi niya alam na parehas lang ako sa mga lalaking 'yan na takaw gulo din.

Madalas kasi na si Jake 'yong pumupunta sa office sa dati kong school pero no'ng pumunta siya ng Hong Kong si tita Jen na 'yong napunta, pero minsan nalang kasi nag promise din ako kay Jake bago siya umalis na minsan na lang ako pupuntang office kaya ayon pinagalitan ako.

Maya maya pa ay hininto na ni kuya ang sasakyan at bumaba na ako. Tumingin naman sa akin 'yong mga lalaking nag-bubugbugan at halos patayin na nila ako sa tingin.

Umiwas nalang ako sa kanila at pumasok. Napahinto naman ako ng may nakita akong pamilyar na mukha sa isang bench. Nagulat ako nang mapatingin ito sa direksyon ko. Ang lalaking miss na miss ko na ay nandito sa school na papasukan ko. Lumapit naman siya sa akin. Agad namang tumulo ang mga luha ko.

"Jake!"

Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon