Chapter 12

351 17 7
                                    

CHELSEA POV

Gahibla...

Gahibla lang ng buhok magkakahalikan ulit kami. Kaya naman natulak ko siya ng malakas.

"Ano ba?" Sigaw ko rito. Pag tingin ko sa paligid tatlo nalang kami dito. Ako, ang pesteng mokong na 'to at ang nerd guy na nag ngangalang Nixon.

Aba tumawa lang ang mokong at tumayo.

Tinignan ko muna siya ng matalim bago ako tumayo at tumakbo. Kanina pa talaga nag-iinit ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya. Ano bang nangyayari sa akin?

CLYDE POV

Nakaka tawa talaga si CJ magalit ang cute hihi.

Pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon...

Lito...

Kanina pa ako nalilito.

Nalilito kung bakit ko siya hinalikan?

Nalilito kung bakit ganito ang tibok ng puso ko kapag siya ang kausap ko?

Nalilito kung bakit pakiramdam ko ang saya ko kapag siya ang kasama ko?

Nalilito kung bakit gusto ko akin lang ang lahat sa kaniya?

Hindi ito ang naramdaman ko dati.

CHELSEA POV

Pumunta nalang ako sa section ni Jake at naghintay. Wala naman akong magagawa kasi siya lang ang kasabay kong kumain.

Nang biglang may humila ng kamay ko at kinaladkad ako.

"Hoy ano ba?! At sino ka naman?!" Buti nalang at hindi ito 'yong brasong napilayan dahil naku hinanda talaga sa akin ang lalaking 'to.

"Tayo ang kakain ng lunch." Abay tarantula! Pwede namang sabihing di'ba? Bakit kailangan pang mang hila?

"Psh! Oh ayan na!" Naiinis ako! Imbis na si Jake yung kasama ko itong mokong na 'to pa! Pero bakit ganon? Bakit may parte sa akin na natutuwa ako kasi siya yung kasama ko?

Jake calling...

"Hello Jake." Bulong na sagot ko sa tawag niya. Iniwan ko muna si Clyde doon.

"Na'saan ka na?"

"Ah hehe! Bukas nalang may kasama na akong kumain."

"Sino?" Hala! Nagalit siya?

"S-si ano... S-si Astrid...oo tama si Astrid kasama kong kumain." Hindi ko na hinintay na sumagot siya at pinatay na ang tawag niya.

"Sino 'yon?" Nag tatakang tanong ni Clyde

"Ah wala." Sabi ko nalang at sinimulan ng kumain.

JAKE POV

Hindi ko alam na marunong na palang mag sinungaling si CJ.

Hindi ako naniniwala na si Astrid ang kasama niya kasi kakikita ko lang Kay Astrid kanina.

Sino naman kaya ang kasama niya?

Nakakainis ha? Ako dapat ang kasama niyang mag lunch at hindi ang iba diyan.

"Oh Jake may hinahanap ka?" Huh? Sino naman 'to? Hindi ko siya kaklase.

"Sino ka?"

"Ah ako si Jazz classmate ni CJ." ah so classmate pala siya ni CJ? Edi ibig sabihin alam niya kung nasaan si CJ.

Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon