Chapter 9

375 19 1
                                    

CHELSEA POV

Almost 1 week na ako nakaratay sa hospital bed. Walang dumalaw na classmates ko dito. Malamang hindi nga ako belong sa section nila.

Okay na rin kami ni Jake. Lagi niya nga akong dinadalhan ng chocolate. Kaso nga lang 'yong isang kamay lang nagagamit ko kasi may kung anong nakalagay sa isa pa hindi nga ako makagalaw eh.

"Hanggang kailan ba ako dito?" Naiinis na tanong ko kay Jake. Kumakain ako ngayon ng chicken joy. Hawak ko 'yong manok tapos sinusubuan naman ako ni Jake ng kanin na may halong gravy.

"1-2 weeks." Sabi niya at kumuha ng tubig.

"Ayoko niyan gusto ko coke." Kung ganon hehe. Dalawang linggo akong hayahay.

"'Yang ngiti mong 'yan! Hindi ka hayahay magdadala si kuya Renz ng lessons niyo this week." Napanguso nalang ako at uminom ng coke. Akala ko nakaratay lang ako rito at kain tulog lang.

Naramdaman ko na may mainit na dumampi sa ilong ko kaya syempre nagulat ako. Nakita ko si Jake na nakangiti kaya tinignan ko siya ng masama.

"Bakit mo ginawa yun?" Nanggigil na tanong ko at inihampas siya ng unan.

Tumawa naman siya bago sumagot.

"Quit pouting or else I'll kiss you." Lumang palusot! Madaming beses na akong nakabasa ng ganyang line sa mga nobelang nababasa ko eh. Tsaka, kadiriiii.

"Palusot mo! Ang sabihin mo may gusto ka lang sa akin eh." Sumeryoso naman siya dahil sa sinabi ko.

Tinaas niya ang hintuturo niya at parang sinasabi na tumingin ako sa mga mata niya. At ang sunod niyang sinabi na nakapaginit ng ulo ko.

"Am I Blind?" Tapos natatawa tawa pa.

"Aagghh!" napasigaw nalang ako sa sobrang pag kairita.

"HUMANDA KA SA AKIN JAKE! KAPAG AKO GUMALING WAG NA WAG KANG MAGPAPAKITA SA AKIN KAHIT KAILAN! WALANG HIYA KA!" Nanggigil kong sigaw sa kanya pero ang walang hiya lumabas habang tumatawa. Grr! I really hate him na talaga. Like the hell?

Ayan tuloy mag isa nalang ako dito sa kwarto ko. Humiga nalang ako at natulog ulit. Kailangan ko ng lakas para masapak ko 'yong lalaking 'yon pagkalabas na pagkalabas ko ng hospital. At nakatulog na ako.

Naalimpungatan ako ng may narinig akong nagbukas ng bintana na sa tingin ko ay dito sa room ko. Nagtulug-tulugan nalang ako pero hinanda ko na ang sarili ko kung may gawin siyang masama sa akin.

Kinabahan ako ng haplusin niya ang buhok ko at hinalikan pa ng mokong. Tss. Isa pa 'to ugh. Na'saan na ba kasi si Jake. Kung hindi si Jake dapat man lang sila tita ang magbabantay sa akin diba? Mamamatay na ako sa nerbyos nito eh huhu.

Pero mukhang wala naman atang balak ang taong 'to. Kung sino man siya kasi hinaplos haplos niya lang ang buhok ko hanggang sa maramdaman kung bumibigat na ang talukap ng mata ko pero bago ako makatulog naramdaman ko pa ang mainit na bagay sa noo ko pababa sa ilong hanggang sa labi medyo nagtagal pa siya doon.

Nakarinig ako ng yabag ng paa papasok dito na siya rin namang hiwalay ng labi ng lalaking nasa harapang ko na hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita ang mukha dahil nakapikit pa rin ako.

May narinig pa akong pagbukas at pagsara ng bintana bago ako tuluyang nakatulog ulit.

JAKE POV

Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon