Chapter 10

381 16 5
                                    

CHELSEA POV

"Dahan-dahan." Alalay sa akin ni tita Jen. Nakaupo ako ngayon dito sa hospital bed at ine-exercise ko yung braso ko. Bukas na ako makakalabas pero hindi pa daw ako pwedeng pumasok ng school. Wala pa ring dumadalaw sa akin na taga section g. Pero si Astrid dumalaw nung nakaraan nagkuwentuhan saglit dahil may dinaanan lang din daw siya dito.

"Asan po si Jake, tita?" Alam kong ilang beses ko nang hinanap sila tita Jen at kuya Renz pero mas sanay ako kapag si Jake ang nag-aasikaso.

"May pinuntahan lang." Sagot naman ni tita.

Pumunta na ako sa banyo para magbihis. May narinig pa akong kumatok sa pinto at pumasok. Si Jake na siguro 'yon. Kaya hindi ko nalang pinansin. Nagtoothbrush na rin ako at naghilamos.

Paglabas ko agad akong natigilan. Paano ba naman kumpleto ang section g. Not totally, si Clyde lang pala ang wala. Ano pang aasahan mo doon?

"Hi CJ"

"CJ oh may dala akong pagkain"

"Kailan ka lalabas?"

"Pakainin mo kami kasi dumalaw kami"

Ang dami nilang sinasabi. Tumaas lang kilay ko at umupo sa kama.

"Uy CJ?"

"Galit ka ba sa amin?"

"Sorry na bati na tayo"

"Hindi ka na namin aawayin"

Hindi naman ng dahil doon kaya ako galit. Ngayon lang kasi nila ako dinalaw.

Magsasalita na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Jake. Nakita ko ang matatalim na tingin na binigay nila kay Jake pero binawi din nila.

So? Anong ibig sabihin non?

"Okay ka na ba?" Tanong niya at lumapit sa akin.

"Ah oo." Tumango naman siya. Aalis na sana siya ng may naalala ako.

"Ah Jake?" Tawag ko kaya lumingon siya.

"Bakit?"

"Pumunta b-ba d-dito si Steevee?" Taksil na dila ngayon pa nautal. Kaya naman pinaningkitan nila ako ng mata.

Shit! Nandito pala ang section G. Aaaggghhh!

"Hindi, bakit?" Parang nanlumo ako bigla sa nalaman ko. Parang nung nakaraan lang sobra 'yong pag-aalala niya sa akin. Tapos ngayon parang hindi niya na maalala na may dinala siya sa hospital.

Sabi kasi nila tita si Steevee daw ang nagdala sa akin. Siya rin daw ang tumawag kila tita.

"Wala lang! Sige matulog na muna ako" Sabi ko at nagpilit ng ngiti at humiga na sa kama.

Narinig ko pa na lumabas ang mga tao dito sa loob. Pero may nararamdaman pa rin akong isa. Sigurado naman akong si Jake yan eh. Kaya hindi ko na dinilat ang mata ko.

Hindi nagtagal ay nakatulog din.

SOMEONE POV

"Tulog na siya boss!" Sabi ko kay sa boss ko sa kabilang linya.

"Ayos lang ba siya diyaan?" Sagot naman ni boss sa kabilang linya.

Nandito ako ngayon sa bintana ng hospital at binabantayan ang mahimbing na tulog ng isang babae.

Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon