Chapter 7

389 15 0
                                    


CHELSEA POINT OF VIEW

"CJ" 'Yan agad ang bungad sa akin ni Jake pagkalabas ko ng building namin. Pero tuloy tuloy lang ako at nagkunwaring walang narinig.

Duh! Di ba niya alam na galit pa rin ako sa kanya? Bahala siya!

"Chelsea"

Jane?

"Jane"

Tama haha

"Park"

Huh? Hindi ako yun

"Chelsea Jane"

Whutt

"Chelsea Jane Park"

Tss. Bahala ka

"CJ"

Ahhh! Unting unti nalang masasapak ko na 'to.

"Mainit ang ulo ko kaya manahimik ka." Walang buhay kong sabi. Paano ba naman 'di ako tinantanan ng mga wierd na tingin nila sa akin simula nung binulong sa akin yung lintik na canteen.

Idagdag mo pa 'tong isa na 'to. Ugh! Naglakad nalang ako papunta sa kotse niya at hindi na siya pinansin. Kinuha ko rin ang cellphone ko at headset ayokong marinig ang sasabihin niya sa loob ng kotse tsaka it feels ackward kasi eh.

JAKE POINT OF VIEW

Tahimik lang kami buong byahe. Gusto ko sanang pag-usapan kaso mukhang mainit nga 'yong ulo niya, ano kayang nangyari. Hmmm?

Ano kayang ginawa nang lalaking 'yon kay CJ. Kanina kasi nung sinusundan ko siya, sila actually may kasama kasi siya bigla nalang may lumapit na lalaki tapos may sinabi kaso hindi ko narinig eh. 'Yon siguro 'yong dahilan.

Hininto ko na ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nila. Dali dali siyang bumaba at pumasok ng hindi nagpapaalam sa akin.

Hindi ako sanay na hindi kami nagpapansinan at nag-aasaran. Dapat talaga tinanggihan ko nalang. Aaiisshh.

CHELSEA POINT OF VIEW

Dumeretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga saglit tsaka naligo.

Bumaba na ako papunta sa sala. Ang naabutan ko lang doon si Kuya Renz. Oo nga pala may itatanong ako. Ano nga ulit yung itatanong ko?

Mamaya na nga lang nakalimutan ko na. Paano ba naman ang daming nangyari ngayong araw pati 'yong impormasyon na nakuha ko. Magkakasakit ata ako.

"Oh CJ kain ka na." Yaya sa akin ni kuya ng makita niya ako sa tapat ng pinto.

"Nasaan sila tita at Ace?" Kahit naman galit sa akin si Ace dapat kumain pa rin siya kasabay namin diba?

"Ah sinundo nila si dad sa airport." Ah uuwi na pala si Tito. For sure may bagong gamit na naman siyang pasalubong sa akin kaso ayoko naman mag dress kaya nakatambak lang yun sa cabinet ko.

Buti may binibigay din siyang chocolate hehe.

"Okay." Wala naman ako magagawa haha.

"Ah kuya aalis pala ako mamaya hehe." May usapan kasi kami ni Astrid gagala lang naman kami sa mall.

"Sinong kasama mo? Tsaka saan kayo pupunta?" Ito namang si kuya Renz over protective huh? Haha

"Haha si Astrid kuya, nakilala ko siya sa school pupunta kami sa mall gagala lang." Grabe naman kasi kung maka-pagtanong. Naalala ko tuloy si Jake.

Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon