CHELSEA PO
"CJ ano ba papasok na tayo!" Hay! Nakakatamad talaga pag lunes. Dagdag mo pa 'tong bunganga ng katapat ko.
"Tinatamad ako Jake, bukas na lang ako papasok sige na pumasok ka na." Inaantok kong sagot at tumalikod sa kaniya.
"Papasok ka o wala kang allowance sa akin." Napabangon naman ako at tinignan siya ng masama.
"Subukan mo." May di-nial siya sa cellphone niya. Hindi ko alam kung ano 'yon pero masama ang kutob ko.
"Kausapin ka daw ni kuya Renz." Sabi ko na nga ba. Tss. Bwisit!
"He-hello" nauutal kong sabi.
"Papasok ka kung ayaw mong pauwiin kita." Hindi na ako nakasagot kasi pinatay na niya ang linya kaya naman tinignan ko ng masama si Jake na nakangiti nang nakatingin sa akin.
"Nakakainis ka Jake Ahhhh!" Aba tumawa lang ang walangya! Psh!
"Sige na umalis ka na maliligo pa ako." Wala naman na akong choice eh. Tsaka na ako babalik kapag okay na sa bahay nila tita.
"Okay." Nakangiti pa siyang umalis sa kwarto ko. Psh.
"Tara na ang bagal." Sabi ko kay Jake pagkatapos kong magbihis. Mamaya nalang ako kakain.
"Hmm! Ito oh baunin mo." Bakit ba pati 'yong baunan niya sa akin niya binibigay. -_- Mas malaki naman siya sa akin.
"Tara na nga!" Naiinis na talaga ko sa lalaking 'to.
"Oh eh! Bakit gan'yan mukha mo?" Psh! Ewan ko sa'yo!
Hindi ko na siya pinansin at dumeretso na sa sasakyan niya.
"Wag ka ng magalit libre nalang kita ng isang box ng chocolate." Halos manlaki ang mata ko sa narinig ko. Isang box daw ng chocolate.
"Tss. Sige na nga." Mukha namang nanalo sa loto ang ngiti ni Jake. Hindi ko nalang 'yon pinansin dahil bibigyan niya raw ako ng box of chocolates.
"Bilhan mo muna ako ng chocolate." Napabuntong-hininga nalang siya tsaka kami pumunta sa store.
***
"Oh ayan." Abot niya sa akin ng isang supot. Halos magtatalon na ako sa tuwa ng isang box nga ng chocolate ang binili niya hihihi.
"Eh pero teka nga matagal na akong nagtataka kanino ka ba nakakakuha ng pera?" Nag-iwas naman siya ng tingin dahil sa tanong ko.
"Ah sa daddy ko." Medyo nauutal pa niyang sabi.
JAKE POV
F
*ck CJ wag ka ng mag tanong baka madulas ako at masabi ko sayo.
"Tara na baka malate pa tayo." Tumango nalang siya at sinimulang kainin ang mga chocolate niya.
Masaya ako kasi mag kasama tayo kahit hindi mo alam na ako ang kuya mo.
"Oh Jake bakit ka umiiyak." Kinapa ko naman ang pisngi ko at may basa nga. Ang bakla ko naman at umiyak ako. Wengya.
***
"Mag kita nalang tayo mamaya." Sabi ko kay CJ pagkatapat ko sa room ko. Gusto ko sana siyang ihatid kaso ayaw naman niya.
"Hmmm" Tumango lang siya kasi busy siya sa pag tago ng chocolate ng bag niya habang may kagat kagat siyang isa. May chocolate pa nga sa gilid ng labi niya eh. Pfftt! Isip bata talaga siya minsan.
"Sige na umalis ka na." Tinignan muna niya ako ng masama bago umalis. Ano na namang problema niya.
CHELSEA POV
Bakit parang pinagtatabuyan niya na ako? Bakit parang wala ng nagiisip sa akin?
Bahala sila basta ako may chocolate. Hmp!
Pag pasok ko sa room alam mo niyo yung reaction nila.
O_o -sila
Hindi siguro nila ine-expect na papasok na ako.
"Bakit?" Tanong ko pero hindi sila sumagot sa halip ay pumunta agad sila sa pwesto ko.
"Okay ka na ba?"
"Bakit ka pumasok?"
"Oo nga bakit ka pumasok?"
"At tyaka ano yang nasa labi mo chocolate?"
"May dala kang chocolate?"
"Penge ako"
"Hindi ako muna"
"Ako"
Ang daldal nila hindi pa nga ako nakaka-sagot sa mga tanong nila.
Pero ano daw? May chocolate daw ako sa labi ko? Aba bastos yun ah sa labi ko sila naka tingin.
Pupunasan ko na sana ito pero may humawak sa kamay ko at humalik sa akin.
Nagulat ako pati na rin yung mga kaklase ko. Tinignan ko kung sino ang may gawa non. Teka? Tama ba 'tong nakikita ko? Si Clyde?
"Your lips taste like chocolate." eh adik pala 'to eh! Malamang hinalikan niya ang bahagi ng labi ko na may chocolate eh.
Napakurap pa ako ng tatlong beses bago mag sink-in ang ginawa niya.
"CLYDE ALVAREZ!" Sigaw ko na sa tingin ko ay abot hanggang labas.
"F*ck don't shout!" Aba't tarantula nakawan ba naman ako ng halik tapos sasabihin niya don't shout? Buti nalang hindi siya ang first kiss ko.
"Umalis ka nga dito bago pa magdilim ang paningin ko." Walang emosyon kong sabi. Ngumiti lang siya and patted my head.
Ano ako aso?
Bwisit ka Clyde Alvarez.
"Sa susunod kasi kailangan malinis ang labi mo para walang ibang mag linis." Abay tarantula din itong si Jazz ah.
"Oh sige! Sasabihin ko din yan kay Astrid." Bigla naman siyang namula at umalis kaya naman napatingin sa kaniya ang mga kaklase ko.
Natawa naman ako ng mahina ng sinundan ko siya ng tingin. Pero pag tingin ko sa pwesto ni Clyde ay nakahawak ito sa labi niya at ngi-ngising naka tingin sa akin kaya naman inirapan ko siya.
Pakiramdam ko namumula ako kaya yumuko nalang ako para hindi nila makita.
Bakit ganon? Yung halik niya tapos doon sa lalaking laging nag nanakaw ng halik sa akin kaunti lang ang pinag kaiba. Pati yung lambot ng labi nila parehas na parehas.
Pero imposibleng iisa lang sila kasi mas matangkad si Clyde kesa doon sa taong yun na hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa akin kung sino dahil sa balot na balot niyang katawan.
"Hey sweet lips wake up" huh? Sino yung sweet lips eh bakit ako ang niyuyogyog ng mokong na 'to?
"Uhmm" Ang tanging nasabi ko. Hindi naman sweet lips ang pangalan ko eh. CJ kaya!
"Sweet lips?" Ayaw niya bang tumigil sa kakatawag niya sa akin niyan?
"Baka matunaw." Anong matunaw? Yung chocolate ko? Matignan nga.
Pag angat ko ng ulo ko.
"Ano ba?!"
BINABASA MO ANG
Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)
General FictionChelsea comes from a rich family and attends a famous school. She likes to fight, so she only has one friend, and that's Jake. But she also didn't know that Jake was kind to her because she was her brother, who everyone thought was dead. But what if...