JAKE POV
Masaya ako. Alam niyo kung bakit? Bati na kami ni CJ.
Ganito kasi yun...
~FLASHBACK~
"CJ" Katok lang ako ng katok sa kwarto ni CJ kinaumagahan.
"Oh? Ano ba 'yonn Jake katok ka ng katok natutulog pa ako eh!" Galit na sabi ni CJ. Pero teka kinakausap niya ako?
"Kinakausap mo ako CJ?" Alam ko naman na kinakausap niya ako eh. Para lang naman makasigurado 'no.
"Don't state the obvious Jake. Pagluto mo ko nagugutom na ako." Sabi niya at sinara ang pinto.
So hindi siya galit sa akin?
Kapag kasi galit siya sa akin hindi niya ako pinapansin at kinakausap eh.
Pumunta na ako sa kusina at masayang naghahanda ng pagkain niya.
Maya-maya pa ay bumaba na siya.
"Anong nakain mo at ang saya mo?" Kung maka pagtaka naman 'to parang hindi alam ang nangyari kahapon.
Hindi ko na siya sinagot at hinila ang kamay niya para paupuin sa upuan.
Nagluto lang ako ng tender juicy hotdog kasi isa 'yon sa paborito naming dalawa.
"Ano ba Jake kinakabahan na ako sa'yo ah?" Hehe.
Umupo muna ako at nilagyan ng kanin at ulam ang plato niya bago ko sumagot.
"Di'ba hindi ka galit sa akin?" Masaya kong tanong na ipinagtaka niya.
"Bakit naman ako magagalit sa'yo?"
"Kasi sa nangyari kahapon." Napa -'ahh' naman siya bago sumagot.
"Hindi naman talaga ako galit sayo. Ang sa akin lang hindi mo naman ako kailangan sigawan." Iritadong sabi niya kaya mahina akong natawa.
"Oo na!" At nagtawanan kami.
~ENS of FLASHBACK~
"Oh jake anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Napa-balikwas ako ng biglang nagsalita si CJ sa tabi ko.
Teka! Bakit kaming dalawa nalang ang nandito?
"Bakit nandito ka?"
CHELSEA POV
Tignan mo 'tong lalaking 'to? Hindi na nga sinagot yung tanong ko. Nagtanong din siya. Tss!
"Kanina pa ako nagugutom at kanina pa kita tinatawag." Naiinis na sabi ko kay Jake.
Paano ba naman kasi. Kanina pa siya nakangiti habang nakatingin sa kawalan. Kanina pa nga din siya pinagtatawanan ng mga kaklase niya buti napalabas ko. Naku tinarayan pa nga ako nung iba eh.
"Ah...eh sige tara na" ??? Nababaliw na ba yun?
Question mark na sa akin yung lalaking 'yon eh?
Sumunod nalang ako sa kanya papuntang canteen. At 'yon! 'Yong mga classmates niya pinagtatawanan na siya.
JAKE POV
Ano bang problema? Bakit pinagtatawanan nila ako? Bakit iritang irita si CJ.
"CJ may problema ka ba?" Inirapan niya lang ako at nauna ng nag lakad. Ano ba talagang problema?
BINABASA MO ANG
Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)
Algemene fictieChelsea comes from a rich family and attends a famous school. She likes to fight, so she only has one friend, and that's Jake. But she also didn't know that Jake was kind to her because she was her brother, who everyone thought was dead. But what if...