Chapter 5

460 17 0
                                    

CHELSEA POV

"Let's eat na." Binigyan ako nito ng chocolate cake. Alam niya talaga kung ano ang favorite ko. Hindi kasi ako nakain ng kanin tuwing g dati pa at alam niya yun. Sa bahay niya kasi ako laging nakatambay eh.

"May itatanong ako." Tinignan ko si Jake pagtapos niyang sabihin yun at binalik ulit ang tingin sa kinakain ko.

"Paano kung may kapatid ka?" Tanong niya. Naibaba ko ang kutsara na hawak ko at uminom ng tubig.

"Ano ngayon?" Tanong ko. Meron naman talaga akong kapatid. Pero nasa malayo na siya, binabantay ako.

"So meron?" Tinignan ko siya. Halata naman na nagulat siya, pero there's something in his eyes na may iba pang gustong sabihin. Parang iba yung pinapakita ng expression niya kaysa ng mata niya.

"Wala! Bakit ba ang random mo!" Sigaw ko. Bumalik nalang ako sa pagkain ko at hindi na ulit nagsalita.

Pagtapos kong kumain ay umakyat na ako sa isa sa mga kwarto niya. Grabe nakakapagod ang araw na 'to. Tulad nalang kanina iba talaga ang pakiramdam ko sa section na 'yon. Tapos dumagdag pa yung tanong ni Jake. Pero bakit ba biglaan yung tanong niya? May alam ba siya? Pero imposible naman dahil wala naman akong nakwento na may kapatid ako sa kahit na kanino.

Sa sobrang dami kong naiisip ay hindi na ako makatulog. Pumikit ako ng bumukas ang pinto. Naramdaman ko na may malambot na dumapo sa noo ko.

"Sana mapatawad mo kami." Sabi ni Jake. Pero saan? Sinong kami? May nagawa ba siya na hindi ko alam?

JAKE POV

Hindi ko alam kung masasabi ko sa kanya na magkapatid kami dahil baka hindi niya matanggap. At hindi ko alam kung kailan uuwi si daddy. Ang sabi kasi ni Daddy sasabihin niya daw kay CJ lahat pag-uwi niya galing Hong Kong. Nang makaramdam ako ng hilo ay tumayo na ako at pumunta na sa kwarto ko pero bago ako pumunta sa kwarto ko dumaan muna ako sa kwarto ni CJ.  Mahimbing na ang tulog niya kaya siguro hindi niya ako napansin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Sana mapatawad mo kami" Huminga ako ng malalim at lumabas na sa kwarto niya, dumiretso na ako sa kwarto at natulog.

CHELSEA POV

Pagdating namin sa school ay halos lahat ng students ay nakatingin sa amin. Lalo na sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at tumuloy nalang sila sa paglalakad, naghiwalay na din kami ni Jake dahil magkaiba kami ng building.

Tahimik naman ang naunang dalawang subject ko rito at halatang walang nakikinig maliban doon sa naka salamin.

"Wala ba siyang balak umalis?" Bulong nang isa kong kaklase na malapit sa akin. So in my conclusion ako ang tinutukoy nila ganon? Ano bang meron at wala ba silang classmate na babae bukod sa'kin?

"Hindi ko din alam!" Tumikhim ako dahilan para tumahimik sila. Nang tignan ko sila nagpatay malisya ang mga loko.

"Pwedeng magtanong?" Ugh! I hate my self! Hindi ako yung tipo ng tao na palatanong pero wala akong magagawa masyado akong confused.

"You're already asking." Aba nga naman, pilosopo pala 'to.

"Baliw." I commented and face the window. Narinig ko pa ang mahina nilang tawa.

Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon