CHELSEA POV
Nandito kami ngayon sa bahay ng lola ko. May pag-uusapan raw kami sabi ni tita Jen.
Maya-maya pa ay lumabas na si lola galing sa kuwarto niya, agad naman kaming tumayo at nagmano sa kaniya.
"Nandito na ba ang lahat?" Tanong nito at tinignan kami isa-isa hanggang sa nagtapat ang aming mga mata. Hindi ko alam kung ako lang ba o iba ang tingin niya sa akin? Ngumiti nalang ako at umupo.
"Opo." sagot ng isa ko pang tita na si tita Janna.
"Ano po bang pag-uusapan na'tin?" Sabi naman ni tita Joanna, kambal ni tita Janna.
Apat ang tita ko na kasama ko ngayon. 'Yong mama ko naman ay may bago nang asawa pero dahil ayaw ko sa asawa niya kila tita Jen ako nakatira months ago dahil nung nakaraang buwan lang din naman nagpakasal ang mama ko sa lalaki niya. Ang pang apat ko naman na tita na si tita Jia. Madalas lang siyang tahimik at wala kibo kaya walang nagtya-tyagang kumausap sa kanya dahil tango lang ang nagiging sagot niya na animoy hindi interesado.
"Gusto ko sana na paaralin niyo na si Chelsea ngayon school year." Syempre lahat sila may violent reaction maliban kay tita Jen na ngayon palang ang laki na ng ngiti at mukhang excited na siya sa sinabi ni lola.
Nakapagaral naman ako noon pero hanggang secondary lang kasi nga lagi nalang akong nasa guidance office nakatambay. Kaya lahat ng tita ko ganyan ang itsura pati na rin si tita Jia na kanina lang ay tahimik.
"What ma?! Wala namang gagawing matino yang batang yan! Nagsasayang lang kayo ng pera pang gastos!" Napayuko nalang ako sa sinabi ni tita Janna . Sa kanila kasing apat si tita Janna Yung pinaka reklamador, pero siya naman ang pinakamatalino.
Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at nakita ko si tita Jen na nakangiti.
"Wag kang mag alala ako nalang ang magpapaaral sa iyo don ka nalang sa school ni Ace papasok." Napangiti ako sa sinabi ni tita Jen. Dati ko pa kasi gustong makapasok sa school ni Ace although lagi siyang masungit sa akin.
Si Ace pinsan ko siya kay tita Jen simula bata para kaming makakapatid na tatlo nila ni Jake pero nung 10 years old na ako lagi nalang siyang masungit sa akin. Lagi ko siyang pinupuntahan dati sa bahay nila pero lagi niyang sinasabi na hindi na daw kami pwedeng maglaro dahil may bago na daw siyang kalaro tyaka hindi na daw siya nakikipaglaro sa mga babae.
Kaya dahil doon binago ko ang sarili ko, ng dahil don natuto akong makipaglaban sa mga lalaki at tyaka lagi kong inaaway 'yong mga babae at 'yong mga lalaking tumatawag sa akin na maganda tsaka sexy kaya nasusuntok ko sila. Natuto din akong magmura at magsuot ng mga oversized t-shirt na panlalaki. Wala namang magawa si mama dahil sinasabi ko na maglalayas ako kapag pinakialaman nila ako.
Napatigil ako nang may humawak sa pisngi ko at pinupunasan ang mga luha ko na hindi ko alam na meron pala.
"Wag mo nang alalahanin yun magbabati din kayo! Okay?" Tumango nalang ako at pilit tinatahan ang aking sarili. Doon ko lang namalayan na wala na yung iba kong tita.
"Wala na sila. Tara na?" Tumango nalang ako tsaka sumunod kay tita na papunta sa sala. Nakita ko doon sila Lola na seryosong naguusap kaya napayuko ako.
Alam ko naman na ako yung pinaguusapan nila alam ko din na lahat sila tutol sa sinabi ni Lola.
"Ma." Tawag ni tita Jen kay lola dahilan para maagaw namin ang atensyon nila agad naman akong tinignan ng masama ng mga tita ko kaya lalo akong napayuko.
"Alis na po kami." Dagdag ni tita Jen at nag mano kay Lola na nakangiti na ngayon.
Nasa sasakyan na kami ni tita. Nandito ako sa passenger seat nakaupo habang nakatingin lang sa bintana at pilit tinatanaw ang view kahit madilim na.
"Siguradong magwawala 'yong si Ace kapag nalaman niya na nag-iisang school nalang ang papasukan niyo." Sabi ni tita.
"Oo nga po tita Jen." Sabi ko at napabuntong-hininga, sa totoo lang nag-aalala ako kay Ace dahil baka kung ano ang gawin niya kapag nalaman niya.
"Tita?" Pagtawag ko sa atensyon niya.
"Hmmm?" Sabi niya at panandalian akong nilingon.
"Paano po kung sa ibang school niyo nalang ako papasukin para hindi na lumala yung away namin ni Ace" napabuntong-hininga naman siya.
"Hindi pwede." Sabi niya tsaka inihinto ang sasakyan. Doon ko lang napansin na nasa tapat na kami ng gate nila.
Hinawakan ni tita Jen ang dalawang kamay ko tsaka pinisil 'yon.
"Promise me na hindi ka na sasali sa gulo." Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Napatanong naman ako sa aking sarili. Kaya ko ba? Sumagot nalang ako kay tita nang may pag-aalinlangan.
"I'm not sure tita if I promise it to you but I try my best." Ngumiti nalang si tita tsaka pinisil ulit ang kamay ko at marahang tumango.
"Let's go inside." Ngumiti nalang din ako tsaka bumaba. Pagpasok namin sa loob nakita ko si Ace na nanonod ng favorite niyang anime.
"Ace" Tawag ni tita kay Ace. Agad namang pinatay ni Ace ung T.V at lumapit sa amin, ay kay tita lang pala.
"Good evening mom." Sabi niya sabay kiss sa pisngi. Bati niya kay tita ng hindi tumutingin sa akin. Aalis na dapat siya nang magsalita si tita.
"Ace! I have something to tell you!" Malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni tita bago magsalita.
"Doon na magaaral si Chelsea sa school mo" nakangangang tumingin si Ace kay tita at tinuro ako.
"Mom hibang na ba kayo?"
~~A/N:
Ahm! Yeah, hi everyone! I know that you finished to read the prologue and yeah I know that this story is not that pretty as you expected. This is my first story so I hope you all support me ^.^ Keep Safe!!
BINABASA MO ANG
Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)
General FictionChelsea comes from a rich family and attends a famous school. She likes to fight, so she only has one friend, and that's Jake. But she also didn't know that Jake was kind to her because she was her brother, who everyone thought was dead. But what if...