Chapter 6

414 20 0
                                    

CHELSEA POV

Tumango nalang ako. Clyde Alvarez huh? I said in back of my mind.

"Pwede magtanong?"

"You already asking." Aba't pilosopo din pala tong mokong na 'to. Wala na ba akong makakausap na matino sa section na 'to?

Sinamaan ko siya ng tingin kaya umirap siya. Bakla din ata?

"May babae ba sa section niyo? Ah! I mean natin?" Tanong ko rito.

"Pang una walang babae sa section 'namin'" emphasize the word 'namin' "And the second YOU.DON'T.BELONG.TO.OUR.SECTION" ouch huh? Ang bad naman nito.

Tumayo nalang ako at iniwan siya doon.

Kung tama ang sabi niya walang babae sa section nila. Nila daw eh. Bahala siya. Pero bakit naman kaya walang babae sa section nila. Tatanongin ko nalang siguro si Kuya.

Naglalakad ako papunta sa canteen —Paano nagugutom pa ako kinulang ata — Nang may mabangga ako.

"Sorry! Nagmamadali kasi ako eh." Sabi niya habang pinupulot namin yung mga nalaglag niyang mga libro.

"Okay lang." Nang tignan ko siya takte. Ang ganda niya mahaba yung buhok niya na hanggang balikat, singkit na mata, katamtamang kapal ng kilay, matangos na ilong at manipis na labi.

Babae pa ba ako? Baka naman insecure lang ako?

Syete ang ganda talaga niya.

"Sorry talaga." TSaka palang bumalik 'yong ulirat ko ng sabihin niya iyon. Ano bang nagyayari sa akin?

"Okay lang! Ako nga pala si Chelsea Jane. CJ na lang tawag mo sa akin." Sabay lahad ng kamay ko sa kan'ya 'yon nga lang mali ata kasi nalaglag ulit yung mga gamit niya. Ako nalang ang kumuha at hindi na binigay sa kaniya.

"Tulungan na kita hehe, saan ba punta mo? At tyaka yung pangalan mo rin?" Kung hindi ako babae baka niligawan ko na 'to.

Babae pa rin naman siguro ko diba?

"Salamat! Sa library punta ko! Tyaka ang pangalan ko nga pala ay Astrid."

"What a nice name." Buti pa siya ang ganda ng pangalan ako mas maganda haha.

Kailan ka pa humangin CJ?

Nakasalubong namin si Jake pero hindi ko siya pinansin at binilisan ko nalang ang lakad ko.

Kala niya nakalimutan ko yung kanina ha. No way! Hinding hindi ko yun makakalimutan ever in my entire life.

"Teka hindi d'yan papuntang library." Sabi ni Astrid, ang bobo ko rin minsan syempre transferee nga pala ako kaya hindi ko kabisado 'tong lugar, buti may kasama ako.

"Ay hehe sorry." Sabi ko nalang at sumunod sa kaniya. Nakita ko sa peripheral vision ko na nagtatago si Jake sa mga puno. Naghihintay siguro siya na umalis si Astrid.

"Ah Astrid." Agaw ko sa atensyon niya.

"Why?" Sabi naman niya ng hindi lumilingon sa akin.

"Since tinulungan kita at kung may oras pa naman pwede mo ba akong samahan maglibot libot para naman makabisado ko na 'tong lugar." Haha humanda ka Jake siguraduhin kong hindi ka makakalapit sa akin.

"That's a great idea!" She said and giggle. May pagkamakulit din pala toh.

Nagkuwentuhan kami hanggang sa section G na yung topic namin.

"Kaya puro lalaki lang ang wala sa section G kasi hindi naman ganon ka war freak tayong mga babae." Nahiya naman ako sa war freak.

"What do you mean?" Sabi ko.

"I mean yung mga babae naman diba alam mo na kapag mag-aaway sampalan tsaka sabunutan lang naman walang aabot sa hospital kasi kapag lalaki minsan nga nakaratay na sa sahig hindi pa rin nila tinitigilan." Ah now I know. So bagay pala talaga ako sa section na 'yon kung ganon?

"Eh bakit parang napapansin ko na kapag lunch na hindi sila pumupunta sa canteen eh mukha na silang gutom na gutom?" This is my chance na haha.

"Those are none of your business." Napatigil kami ng may magsalita sa likod namin. Pagharap ko nakita ko si Clyde pero takte nakakatakot naman toh. Ang dilim ng mata niya yung parang papatay siya ng tao.

"Tara na nga." Yaya ko kay Astrid iba kasi feeling ko. Bigla nalang kasi nangatog yung tuhod ko tyaka yung feeling na may nakatingin sa akin. Hindi kaya siya yun? *Iling-iling* imposible naman yun ngayon niya nga lang ata ako nakilala. Kaya hindi siya yun.

"Hey." Huh? Nung tignan ko kung sino yun si Astrid lang pala.

"Ang sabi ko tara na. Nakatulala ka na kasi pagtapos kanina." Did I? I don't know. Meron kasi akong hindi maintindihan eh.

Napabalik ulit ako sa ulirat ng may pumalitik sa mukha ko.

"Tsaka nalang tayo magikot-ikot. Pagod na pala ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumakbo na ako pabalik sa classroom, narinig ko na tinawag pa ako ni Astrid at... Jake. Miss ko na siya. Kahit galit ako sa kanya kasi siya lang naman yung kaibigan ko eh. Siya lang yung nakakasama ko sa kahibangan ko. Pero dahil pinahiya niya ako kailangan ko rin pagtiisan.

JAKE POV

Mali ba yung desisyon ko na kila  Zaylee sumama imbis na kay CJ. Kaso wala akong magagawa ayoko lang naman na masaktan si CJ.

Wengya! Kahinaan ko siya. Binlack-mail ba naman ako na aabangan nila si CJ sa labas. Pero dapat ba hindi na ako sumama at harapin nalang sila kaso mga babae sila baka ma-comatose pa ang mga 'yon. Kapag si CJ ang lalaban wala kasi yung pakialam mapa babae o lalaki yung kalaban basta nanghamon ng away.

"Kanina ka pa tulala." It was Ace! Yeah actually she cares about CJ hindi nga lang siya pwedeng lumapit kasi mapapahamak si CJ that was the day when he broke they promise.

"Iniisip ko lang si CJ." Then his expression change.

"What about her?"

"Nevermind."

CHELSEA POV

"Kanina ka pa tulala." Sabi ni Jazz, siya yung sinasabi kong batang sobrang kulit hehe. Siya yung kumausap sa akin kanina.

"May iniisip lang." Bati na rin kasi kami. Well hindi ako nanghihingi ng sorry kapag hindi ako yung nauna but since ako 'yong nangbara kanina ako nalang ang nanghingi ng sorry. Mabait pa naman ako 'no.

"Ah" bigla nalang siyang lumapit sa akin. Ano na namang gagawin nito? Tinaasan ko naman  siya ng kilay. Yung totoo? Mukha na kaming baliw eh?

Bigla nalang siya lumapit sa tenga ko at mabilis na bumulong. Pero sapat na yun para maintindihan ko. Siraulo 'tong batang 'to may palapit-lapit pa ng ganon sa mukha ko. Gusto niyong malaman kung ano binulong niya sa akin.

"Bilhan mo ko ng pagkain sa canteen araw-araw."

Sarap upakan nako kung hindi lang dumating 'tong teacher namin nabatukan ko na 'to.

Iba tuloy tingin sa akin ng mga classmates nila. Isa pa yung di ko makakalimutan aba. Di daw ako belong. Pero yung totoo parang tumusok sa puso ko doon.

Hindi pa rin nagbabago yung tingin nila sa akin. Aba hindi maka move on yung mga tao dito sundutin ko mata nila diyan eh.

Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon