CLYDE POV
"Aray! Ano ba? Dahan dahan naman!" Naririndi na ako sa boses ng babaeng 'to. Kanina pa sigaw ng sigaw, ang sakit sa tainga. Kung wala lang akong kailangan sa babaeng 'to, hinayaan ko nalang 'to.
I just tss-ed and lead her to my spot.
"Ryker, give me your special order." Tumango naman siya at pumunta sa kusina.
Tumingin naman ako kay CJ. Hawak niya ang braso na hinila ko kanina. Napakunot ang noo ko. Ganon ba talaga kalakas ang paghila ko o mahina lang siya?
"Anong tinitingin-tingin mo?" Walang emosyong mababasa sa mga mata niya na nagpagulat sa'kin. Ngayon ko lang siya nakitang gan'yan. Kahapon kasi kahit mukhang takot siya sa akin ay may kinang pa rin na makikita sa mata niya.
"Masakit ba?" Umirap lang siya at tumayo. Kaya naman hinawakan ko ulit ang braso niya. Kaso nga lang mali ata dahil narinig kong tumunog 'yon.
CHELSEA POV
Bwisit ka Clyde! Wala ka ng ginawang matino sa buhay ko! Bakit pa kasi ako pumayag na sumama sa'yo.
'Kala ko okay na 'yong buto ko. Ang lakas ni Clyde!
~FLASHBACK~
Naglalakad ako papuntang 7/11 nang may makita akong babae na hinahabol 'yong lalaki at sumisigaw ng "magnanakaw". Hindi ko rin naman pwedeng hayaan lang dahil kawawa naman 'yong babae.
Kaya naman nagtago muna ako sa likod ng puno at kumuha ng bakal total dito naman ang daan niya. Pagdating niya sa harapan ko ay hinampas ko siya ng tubo na nakita ko sa tabi. Mahina lang ang pagkakahampas ko kaya naman nakabawi siya sa akin.
Nakuha naman ng babae ang bag niya at humingi ng tulong.
Palitan ang hampas at suntok ang laban, hanggang sa may tumunog na kotse ng pulis. Napatingin naman ako doon kaya nahampas ako nung lalaki ng tubo na pinanghampas ko sa kaniya. Sinalag ko 'yon ng braso ko kaya napatumba ako. Sinipa niya ako sa ulo kaya naman natumba ako at nahilo.
Nakita ko naman siya na tumakbo na papalayo. Hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.
~END OF FLASHBACK~
Tapos 'yon, nagising na ako sa hospital na may kung anong aparato ang nakakabit sa braso ko at hindi ko na maigalaw ang braso ko.
"Hey! Are you okay?" Kung titignan ko ang muhang 'to hindi ko siya classmate. Pero 'yong uniform niya parehas sa school na pinapasukan ko. Pamilyar din 'yong mukha niya, parang nagkita na kami dati.
"CJ?" Tapos kilala niya rin ako.
"B-bakit?" Bakit ako nauutal? Bakit ang gwapo niya?
"Gusto mo dalhin kita sa hospital?" Wala sa sariling tumango ako habang nakatingin pa rin sa lalaking nasa tapat ko.
Hindi ko na papansinin yung mga mokong na yun. Sila ang dahilan kung bakit nabali ulit ang buto ko.
"Hey Steevee, saan mo siya dadalhin?" Rinig kong sigaw ni Clyde.
Steevee? Tama naalala ko na. Siya 'yong kasama ni Ace noon. Actually nong inaaway at sinisigawan ako ni Ace, inaway niya pa talaga ang kaibigan niya para sa akin.
I remember, nagkaroon din ako ng crush sa kaniya before. He's my hero back then. But unluckily umalis sila.
"Dadalhin ko siya sa hospital." Iritang sabi ni Steevee. Habang ako ito namumula na sa hiya. Bakit kapag si Steevee ang involved feeling ko nakakahiya.
"Bakit mo siya dadalhin sa hospital? You see maliit na pasa lang yan!" Sabi ni Clyde.
"Tss!" Bigla nalang akong binuhat ni Steevee at hindi pinansin yung mga tao sa loob.
Doon lang ako nakaramdam ng hilo at dumilim ang paligid.
THIRD PERSON POV
"Ano bang problema ng lalaking 'yon?" Usisa ni Nixon. Isang nerd guy.
"Alam niyo nakita ko 'yong braso ni CJ, 'yong hinila mo Clyde? Nangingitim." Singit naman ni Jazz na may hawak na ice cream na pangalawang kuha na niya.
Agad namang kumunot ang noo ni Clyde.
"May nangyari kaya sa kanya noon? Ano namang paki ko kung may nangyari sa kaniya noon?"
Nagtatalo ang puso at isip ni Clyde. Iniisip niya kung susundan niya ba ang mga ito o hindi? Kung hihingi ng sorry o hindi? Pero dahil mataas ang pride niya hindi na lang niya pinansin ito at kinain na lamang ang ice cream na para kay CJ.
"Sa tingin niyo. Ano kayang nangyari sa kaniya?" Singit naman ni Clyde.
"Woah! Kailan ka pa nahilig sa ice cream Clyde?" Mapangasar na tanong ni Nixon.
"Just shut up and answer my damn question Nix." Iratableng sabi ni Clyde.
"Sa tingin namin ano?" Jazz
"Do I fucking need to repeat my self Jazz?" Clyde
Napakamot nalang ng noo si Jazz bago sumagot. "Hindi rin naman namin alam eh" Wala ng nagawa si Clyde kung hindi ang bumuntong hininga.
Samantala, nagkakagulo naman sa hospital na pinagdalhan kay CJ. Naroon na ang tita ni CJ na si Jen. Maya maya pa makakapunta si Renz na anak ni Jen. Hindi naman sumama si Ace pero nagpadala siya ng magbabantay dito.
"Doc how is she?" Agad na tanong ni Jen sa doctor na kalalabas lang ng emergency room.
"Kailangan po siyang operahan ulit dahil na-refracture ang braso niya." Pumayag Naman na paoperahan si CJ. At naging maayos naman ito.
"Kailangan lang po niya ipahinga iyon ng 1-2 weeks at mas makabubuti po kung dito na lang siya para mabantayan namin siya. Sige po mauna na ako." Sabi ng doctor at umalis na. Pagkaalis ng doctor ay siya namang pasok ni Jake.
"Tita?" Tanong ni Jake kay Jen.
"Okay na daw siya sabi ng doctor. Naoperahan na siya kanina. Kailangan niya nalang ng pahinga." Nakahinga naman ng maluwag si Jake tsaka tumingin kay Steevee.
Ngayon niya lang ito nakita at alam niyang si CJ ang dahilan kung bakit siya narito.
Nagmadali namang lumapit dito si Jake at kinuwelyuhan.
"Anong nangyari?" Sigaw ni Jake sa kanya.
Napabuntong hininga muna si Steevee bago sinimulan ng kwento. Doon sa part na hinila iyon ni Clyde hanggang sa maabot sa ganito.
"F*ck him! F*ck you Clyde!" May gigil na sigaw ni Jake. Lalabas na sana siya ng hospital ng ibalita ng doctor na pwede na silang pumasok sa loob.
Pagpasok sa loob ng kwarto ni CJ. Naabutan nila itong nakahiga at mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)
General FictionChelsea comes from a rich family and attends a famous school. She likes to fight, so she only has one friend, and that's Jake. But she also didn't know that Jake was kind to her because she was her brother, who everyone thought was dead. But what if...