CHELSEA POV
"Bakit ngayon ka lang? Bakit di mo sinabi sa akin na babalik ka ngayon?" Oa na kung oa pero kasi hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Matagal na rin since 'yong huli naming pagkikita.
Hinila niya ako at dinala sa likod ng library dahil marami nang nakatingin sa'min.
Ngumiti siya at niyakap ako. Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang nakayakap sa kaniya.
"Namiss kita." Tinanggal ko naman ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinampas ang balikat niya.
"Hindi kita namiss." Tumawa naman siya at natango.
"Sige, sabi mo eh." Natawa nalang din ako sa sinabi niya. I admit, namiss ko talaga siya. Narinig naman namin na nagring na yung bell. Kinuha niya ang bag ko at nagsimula na kaming maglakad, ihahatid niya daw ako sa room ko.
Sa second floor 'yong room ko sa pangatlong building. Hindi naman siya mahirap hanapin dahil 'yong building na 'yon lang ata ang maraming vandal.
Pag-akyat namin sa second floor ay nakita namin agad ang room ko. Madali lang naman siyang mahanap dahil bukod sa ito lang ang matinong room sa building na 'to ay makikita mo agad ang mga lalaki na mukhang galing sa squatter area.
May limang lalaki na nasa bungad ng pinto na napatingin sa'min. Sila 'yong mga lalaki kanina sa labas ng school na nakikipagbugbugan.
Lumapit sa amin 'yong pinakamatangkad sa kanila at tinignan kami ng masama ni Jake.
"Umalis na kayo dahil wala kayong mapapala sa section na 'to. Kung ano man ang kailangan niyo, sarilihin niyo nalang 'yan." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Kung makapagsalita akala mo alam niya ang dahilan kung bakit kami nandito.
"Ito ang section G, di'ba?" Tanong ko. Sumama naman ang mukha nilang lahat at nakatingin sa akin. Oo, sa akin lang sila nakatingin lahat.
"Ito nga. Kaya umalis na kayo." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at kinuha kay Jake ang bag ko.
"Anong section mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Section B." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Paano ka naging section B aber?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako at nagkibit balikat.
"Alam mo, gustuhin ko man na maging mag-kaklase tayo eh hindi pwede. You belong here daw sabi ni Dean." Inikutan ko lang siya ng mata at tinalikuran. Nakita ko na naman ang masamang mukha ng mga lalaking nasa harapan ko.
"Umalis ka na. Bye!" Sabi ko kay Jake at pumasok na sa room. Lahat sila ay nakasunod ang tingin sa akin.
Lumapit sa akin 'yong kumausap sa'min kanina ni Jake at kinuha ang bag ko.
"You don't belong here. Hindi ka pwede dito kaya ngayon palang umalis ka na!" Sigaw niya sa akin. Kinuha ko pabalik ang bag ko at tinignan siya ng masama.
"As far as I know, hindi ikaw ang owner ng school na 'to. Pero ang kapal ng mukha mo na palayasin ako sa section na 'to? Tsaka, gustuhin ko rin man na umalis eh hindi naman ako ang naglagay ng sarili ko dito." Narinig ko ang mga bulong ng mga classmates ko pero hindi ko 'yon pinansin.
May sasabihin pa sana 'yong kaharap ko pero may pumasok nang teacher. Tumingin ito sa gawi namin. Umalis naman 'yong kaharap ko kaya ngumiti ako doon sa teacher na pumasok.
"Good morning, sir!" Bati ko sa kaniya at umupo na.
"So you are the transferee, if I am not mistaken?" Tumango ako. Ngumiti naman siya at pinatayo. Introduce yourself daw. 'Yoko nga, char.
"I am Chelsea Jane Park, you can call me CJ for short." Umupo na ako ulit pagtapos ko magpakilala.
"I am sir Alex Santiago, you can call me sir Alex like the my other students. I am the adviser of this section, I hope you can get along to my students." Tumango lang ako. At hindi na tinignan ang mga classmates ko. Alam ko naman na masama ang tingin nila sa'kin, literally.
"Let's begin our lesson for today."
After some time, marami nang pumasok na teacher sa room pero na-boboring ako dahil para namang hindi sila interesado magturo sa section na 'to. At isa pa, hindi rin ako komportable dahil kanina ko pa naramdaman na may nakatingin sa'kin.
~Time Skip~
Kasabay kong maglakad si Jake papunta sa bahay nila. Nagpaalam na rin naman ako kay tita at may tiwala naman siya kay Jake. Gusto pa nga niya papuntahin sa bahay si Jake dahil miss niya na daw. Lakas talaga ng lalaking 'to kay tita.
Naalala ko tuloy no'ng una naming pagkikita. I was six years old that time.
~FLASCHBACK~
Kasama ko si lola at pupunta kami sa bahay ni Ace. Iiwan ako doon ni mama dahil may lakad daw siya, okay lang naman sa akin 'yon dahil makakalaro ko na ulit sa Ace hihi.
Huminto si mama sa paglalakad kaya napatingin ako sa kaniya. Lumuhod siya para pantayan ako."Wait lang ha may bibilhin lang ako." Tumango nalang ako at tinignan ang likod niya na palayo na sa pwesto ko. Nang may bigla akong narinig na iyak sa gilid. May multo?
Hinanap ko kung saan galing 'yong iyak at nakita ko ang lalaking nakayuko sa gilid habang umiiyak. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at binigay ito sa kaniya.
"Bakit ka naiyak?" Tanong ko. Tumingin naman ito sa akin. Kinuha niya ang panyo sa kamay ko at pinunas sa luha at sipon niya. Ewwww.
"Hindi ko kasi mahanap si Daddy, gusto ko lang naman magplay." Sabi niya habang humihikbi.
"Tara na, baka hinahanap na rin ako ni mama. Sama ka nalang sa'kin, papatulong tayo kay mama ko. Okay?" Tumingin siya sa akin at tumango. Nagsimula na kami maglakad pabalik sa pwesto ko.
"Ako nga pala si CJ, ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Ako naman si Jake."
Nakita ko si mama na may kausap na lalaki.
"That's my dad!" Tinignan ko 'yong tinuro ni Jake, siya 'yong kausap ng mama ko. Narinig ata nila ang sigaw ni Jake kaya tumingin sila sa pwesto namin.
"CJ!"
"JAKE!"
Sabay nilang sigaw. Niyakap ako ni mama at 'yong kausap niya na lalaki ay pinuntahan si Jake. Tumingin sa akin 'yong lalaki.
"Hi, thank you! I have a candy here. Do you want?"
Nakatingin lang ako sa kaniya.
He looks... familiar.
~END OF FLASHBACK~
BINABASA MO ANG
Choosing Between Two Of You (Only Girl Series#1)
General FictionChelsea comes from a rich family and attends a famous school. She likes to fight, so she only has one friend, and that's Jake. But she also didn't know that Jake was kind to her because she was her brother, who everyone thought was dead. But what if...