Tuwid ang tindig ni Jasmina, para siyang umaawit sa Lupang Hinirang sa harap ng mga estudyante sa paaralan. Pero hindi. Dahil sa halip na mga estudyante ang kanyang kaharap, ay mga taong humahagulgol na suot ay itim o puti. Kadalasan nananaig ang mga iyakan, pero hindi siya naliligaw sa lyrics ng kanta. Dahil kabisadong-kabisado na niya ang kanta ni Joey Albert na Ikaw Lang Ang Mamahalin, na favorite na nire-request ng mga namatayan.
Kagabi lang nga siya nag practice kasama ang tumutugtog ng piano para sa kanya na si Leroy. At syempre kasama ang kaibigan nila na si Manda, ang masipag na naghahanap ng kliyente para may sideline silang trabaho. Malaking tulong na'to para kay Jasmina na sapat lang ang kinikita bilang isang fulltime office staff sa factory ng mga chichirya sa Valenzuela.
Kaya kapag libre ang oras niya, ay hindi niya pinapalampas ang maging funeral singer. Dahil higit sa additional income 'to, ay nagagawa niya ang isang hilig niya--- ang pagkanta. Sa katunayan, noong bata pa siya ay gusto na niyang maging professional singer tulad ng idol niyang si Regine Velasquez. Pero hindi siya pinalad, kaya nakuntento na lang siya kumanta sa patay.
Wala mang humihiyaw o pumapalakpak, ay sapat na kay Jasmina ang makatuntong sa stage o altar ng simbahan. Hindi niya maipaliwanag ang saya niya tuwing nakakanta siya. Para bang lumulutang siya sa himpapawid habang pinagmamasdan ang mga ulap na dumadaan sa paligid.
If only she could smile. Pero hindi ngayon dahil tiyak na magagalit si Manda na sa kasalukuyan ay nakaupo sa pinakalikod na bahagi ng simbahan. Nagmamasid 'to na parang naghihintay lang na magkamali siya. Maybe a good excuse to replace her.
Dahil kagabi sa practice ay nagcomment 'to, hindi sa boses niya, kundi sa suot niya. Sabi ni Manda dapat daw mag-invest siya ng magagandang damit. Hindi iyong pauli-ulit lang siya sa kanyang sinusuot. Naisip na ni Jasmina na bumili ng bago, pero sadyang favorite niya ang dress na white na binalot ng lace, maliban sa collar at belt nito. This dress reminded her of her mother. It looked exactly like the one her mother bought her when she joined her first singing competition. Kaya nga noong nakita niya ang dress sa mall ay binili niya agad 'to. But that was two years ago, at dahil ilang beses na niya 'tong nasuot ay medyo mukhang luma na nga 'tong tingnan.
Napailing siya. Hindi 'to ang oras upang isipin niya 'to. Kaya muli siyang nagfocus sa mga taong nakatitig sa kanya. Well, at least, 'to ang nasa isip niya. Dahil ang totoo ang buong atensyon nila ay nasa kabaong na kulay green na nasa gitna ng altar.
"Ikaw lang ang mamahalin." Natapos na niya ang awitin.
Huminga siya ng malalim, upang simulan ang susunod na kanta. Ito ang pinakamahalaga na kanta, ayon sa magulang ng namatay na binata. Dahil ang kanta ni Ariel Rivera na Minsan Lang Kitang Mamahalin ay ang theme song ng magkasintahan na dapat sana ikakasal na.
Kahit never pang nagkaroon si Jasmina ng boyfriend sa edad na 23, ay ramdam niya ang bawat titik ng kanta. Parang alam din niya ang feeling ng mamatayan ng kasintahan. Napapapikit at napapailing pa siya. Kahit ang mga luha niya ay dumungaw sa sandaling 'to.
Tsaka lang siya dumilat noong malapit na siya sa chorus. Tumitig siya sa unahan. Sa may church entrance.
Nang muntik na siyang bumigay sa kinatatayuan niya.
Sa harap niya ay may babaeng nakasuot ng wedding gown na naglalakad sa pasilyo ng simbahan. Nakatakip ang mukha nito ng belo at may hawak 'tong flower bouquet.
Siya ba ang bride ng namatay?
Naisip niya na baka 'to nga ang bride dahil dapat ikakasal na ang pumanaw. Ayon sa kwento ni Leroy, patungo na ang groom sa simbahan. Noong biglang huminto ang truck sa harapan ng sinasakyan nito. Nakuha pa daw ng kotse ng groom na magbrake pero ang sumusunod na van sa likuran nila ay hindi. Kaya sumalpok ang kotse sa likuran ng truck. Tanging ang groom na sa oras na 'yon hindi nakasuot ng seatbelt ang namatay.
BINABASA MO ANG
Diwak (completed)
FantasyMatapos ang ilang taon, bumalik si Jasmina sa kinalakihan niyang probinsiya. Pero sabay nang pagdating niya, ay tuwing gabi ay misteryosong nawawala ang mga pusa. Ang iba ay bumabalik kinaumagahan, pero meron din ang hindi na. Hanggang may isang mat...