Chapter 16

0 0 0
                                    

NANG MAIBUKA na niya kanyang mga mata ay tanging liwanag ng bombilya ng ilaw ang sumalubong sa kanya.

Bigla ay napabalikwas siya ng bangon ng maalala ang nangyari bago siya himatayin, iginala niya ang kanyang paningin sa kabuoan ng kwarto ngunit wala siyang ibang makitang ibang tao.

Bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Theodore na may dalang tray ng pagkain habang nakangiti ngunit mababasa mo rin sa kanyang mga mata ang  matinding pag-aalala.

Inilapag nito ang pagkain da may lamesa at lumapit sa kanya. Hinimas nito ang kanyang buhok habang walang putol ang mga tingin na iginagawad sa kanya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tila nag-aalala nitong tanong.

"Hindi ko alam k-kung okay ba ako o hindi, kasi magsisinungaling lang ako sa sarili ko kung sasabihin kong 'oo okay lang ako'..." napahikbi ulit siya. "...I am so very darn tired of pretending and keep my self of  believing that all things will be alright, na lahat ng ito ay okay lang sa'kin....ka-kasi tao rin ako eh, nasasaktan din ako, hindi naman bato ang puso ko para hindi makaramdam ng sakit..." mapait niya itong nginitian ang binat na ngayon ay bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "....I just wanted to be happy,  pero tila napakahirap ibigay ng taong nakapaligid sa'kin yung sayang gusto ko, alam mo bang sumaya lang ulit ako nung dumating ka sa buhay ko?for  me, you are the best thing happened in my life" wala pa rin humpay ang kanyang pagtangis.

Masyado na siyang nasasaktan sa oras nato. Kung may darating pang iba, hindi na niya alam kung kakayanin pa niya.

"I am speechless, sweetheart" yung lamang ang nausal nito.

"Please don't leave me Theodore, hindi kona alam kung saan pa magsisimula kungiiwan moko, I am scared, maloloka na ang utak ko kaiisip kung iiwan moko, nagdurugo na ang puso ko sa may hinanakit ko sa mga taong mahal ko, naparalilasa na ang buo kong katawan na para bang hindi ko na ito maigalaw kasi may kulang, I am begging you with my knees kneeling down Theodore, I can't resist pain anymore.....punong-puno na ako, napapagod na akong umiyak sa may tabi at niloloko ang sarili ko sa harap ng maraming tao na okay lang ako na wala akong problema, but deep inside, my heartis catching breaths because she always cries...." nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak kahit na nagmumukha siyang despereda.

"Cathy"

"I am just a normal person Theodore, tao lang ako hindi ako santo para magpatawad ng sangkatutak ng mga taong nagkasala sa'kin....ayoko ng naiiwan ako, sawa at pagod na pagod na ako, hindi na kaya ng katawan at puso ko ang sakit"

Hinila siya dito papalit sa dibdib nito  saka siya niyakap. Aaminin niyang kaht papaano ay gumaan ang kanyang loob ngunit hindi pa rin nito natutumbasan ang sakit na kanyang nararamdaman.

Pakiramdam niya ay tinalikuran na siya ng mundo at pinagkaitan ng karapatang sumaya sa paraan na gusto niya. Binibigyan man siya ng karapatang sumay ngunit ito ay limitado lamang.

Napakahirap mamuhay sa isang mundong nababalutan ng kakaibang uri ng lungkot, saya at iba pa.

Masyadona siyang matamlay at mas lalo pa siyang pinatamlay sa kanyang pag-iyak.

Kumawala ang kasintahan sa pagkakayakap sa kanya ng bahagya na siyang kumalma.

"Sweetheart, you need to eat  your breakfast, para sumigla ka ulit" anito.

Tahimik lang siyang tumango at nagsimula ng kumain, ngunit bawat subo niya ng pagkain ay tila may tinik na nakadagan sa kanyang lalamunan at nahihirapan siyang lumunok.

Matapos niya kumain ay ang binata na ang nagligpit sa kanyang kinainan, siya naman ay pumunta ng banyo upang makapagligo.

Maliit at masikip lamang ang banyo doon ngunit sapat na ito upang magkasya ang isang tao.

Her PromiseWhere stories live. Discover now