CHAPTER 6
ACE'S POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nangagaling sa bintana.
Tiningnan ko ang nasa paligid ko at napagtanto ko na nasa ospital ako.
Puno ng kung anong nakakabit na bagay ang nga kamay ko. Hindi ako makagalaw ng maayos nang dahil sa sugat na natamo ko kagabi.
FLASHBACK~
Papunta akong convenient store dahil kakauwi kolang galing school.
Naalala ko nanaman ang nangyari
kanina.Nakatulog sya sa tabi ko kanina kung kaya't malaya akong nahawakan sya sa buhok. Hinagod-hagod ko iyon at mukha namang tumatalab lumalim ang hininga nya eh.
Nagulat nalang ako kanina nang tinanong nya ako kung ako ang taong yun. Natahimik ako sandali pero agad narin akong tumanggi.
Hindi ko alam kung bakit ako tumanggi pero mas okay na yun para tumigil sya sa kakakumbinsi sa akin.
Uwian na dumiretso ako ng parking dahil nandoon sina Lucas susunduin nya si Chloe dahil may date daw sila.
Paalis na kami nang saktong may sumigaw. "DREEEE" ang lakas ng sigaw nya kaya ang daming taong napatingin sa kanya.
Nakita ko pang sinaway sya ng mga kaibigan nya pero dumiretso lang sya.Napailing nalang ako masyado syang makulit pero kapag sumeryoso daig pa ang yelo sa sobrang lamig.
Pagkalabas namin ng school ay nagconvoy sila papunta sa isang restaurant samantalang ako umalis na. Wala akong dalang kotse dahil naban ako ni Daddy kaya lakad or sakay nalang ang gagawin ko pero sa ngayon maglalakad muna ako.
Hindi pa ako nakakalayo ay may humarang sa aking sampung lalaki lahat sila ay naka sumbrero kaya hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila.
Akma nila akong susugurin pero napahinto sila dahil may dumaan na kotse. Tiningnan ko ang sakay sina Madi,Cassey,at Claire pero hindi naman nila kami napansin dahil parang naguusap sila.
Nakadaan na sila kaya tinuon ko ang paningin ko sa mga nasa harapan ko ngunit yun nalang ang gulat ko ng sugudin ako ng isa sa kanila. Hindi ako nakailag agad kaya nasuntok ako sa mukha.
Sumugod ang tatlo sa kanila akmang susuntukin ako ng isa ng sipain ko sya sa tyan kaya namilipit sya sa sakit,sumugod ang dalawa isa sa kanila ay may hawak na kutsilyo nasipa ko ang isa ngunit na hiwa ako sa aking tagiliran ng isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
THE MOST PAINFUL 'I LOVE YOU' [𝑶𝑵 𝑮𝑶𝑰𝑵𝑮]
Teen FictionWill they still fight even if it's already hurts. Or will they give up and let each other go. Her sacrifice is already enough, will she survive?