CHAPTER 14

29 2 0
                                    

Chapter 14

Tuesday°°°°°

Yash Martes ngayon means test namin sa Math! By schedule ang test namin. Sa sabado pa kami magrereview sa exam. Pero hindi kami nakapagreview sa summative,hindi ako lang pala ang hindi nagreview.

Malay koba kung nagreview sila. Chill lang ako ngayon ako lang din naman ang aasahan nila sa Math,kahit nagreview sila syempre makakalimutan din nila yun. Sama-sama kaming babagsak bahala na si Batman.

Nagreview kaya si Ace?

Nasa Canteen ako ngayon nakapila. Wala si Ace dahil pumunta ng Dean's office. Dalawang beses na syang pinapatawag simula kanina. By the way pagkatapos ng recess, test na namin sa Math. Kaya minamadali kona toh dapat may mapag-aralan ako kahit papano ayokong ma zero sa exam paktay tayo kay Papa.

Mag-isa lang akong nakapila paano ba naman inunahan ako nina Cassey, masama sila dapat sa kanila dinidiretso sa baba.

Maya-maya pa ay ako na ang susunod.

"Anong sayo Crawford?"tanong ni Manang.

At dahil siraulo ako. "Annyeonghaseyo Ahjumma!"ani ko.

Napakunot naman ang noo nya. "Ikaw bata ka ,niloloko mo nanaman ako! Hala sya sabihin mo na ang gusto mong kainin ngayon!"

Tatawa-tawa naman ako. "Chocolate saka isang cola Manang. Pangpa talino!"

"Ay summative nyo pala ngayon hindi ba? Nagreview kaba?"tanong nya.

"Syempre hindi! Magrereview palang ako ihhh."sambit ko sabay kuha ng binili ko.

"Oh sya! Bilisan mona at mag-aral kang mabuti. Sigeh na!"sagot ni Manang.

"OPO!"sambit ko habang nakasaludo.

Tumawa lang si Manang sa ginawa ko.

Bumalik ako ng room. Halos walang katao-tao sa room dahil recess. Naggagala ang mga hinayupak imbis na magreview. I wonder kung may code kami mamaya,grabe yung ginawa namin nung Grade8 noon ih. May code kami para magkopyahan,syempre we're all grown ups dapat mag-upgrade char.

Kinuha ko ang notebook ko sa Math,saka nagbasa. Kaso kahit formula hindi ko matandaan.

Mga labing limang minuto pa ay nagbabasa at nagkakabisado padin ako ng Formula at Equation.

Nang dahil sa pag-fofocus ko sa iba't ibang formula na nakasulat sa notebook ko ay hindi kona namalayan na may dumating. Namalayan ko nalang na may humilig sa balikat ko at komportableng umupo. Tiningnan ko ito.

"Ace?"sambit ko.

Tumaas naman ang kilay nya habang nakapikit. "Hmmm!"himig nya.

Kumunot naman ang noo ko. "May problema ba?"takang tanong ko.

Bumuntong hininga sya saka nagsalita. "Kinausap ako ng Dean!"panimula nya.

Si Daddy? "Oh anong sabi?"tanong ko.

"Kung pwede ba daw akong sumali sa mga player ng Basketball dahil malapit na ang intrams!"sagot nya.

"Anong sagot mo?"ani ko.

"Ayoko!"maikling ani nya.

"Ayaw mo? Bakit? Hindi ba Varsity Player ka sa old school mo?"takang tanong ko.

THE MOST PAINFUL 'I LOVE YOU'  [𝑶𝑵 𝑮𝑶𝑰𝑵𝑮]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon