CHAPTER 9

55 12 1
                                    

DATE♥️

CHAPTER 9

Nagising ako dahil sa napakaagang tili ni Claire at Chloe sa kwarto. Kahit anong takip ng unan sa mukha at tenga ko ay rinig na rinig ko parin ang mga tili nila.

"TAHIIIIIIMIIIIIIKKKKKKK"nawawalan ng pasensya kong sigaw. Alam nilang galit ako kaya tumahik sila. Nakayuko ngayon sila sa harapan ko,at nanginginig ang mga kamay.

"Ano bang tinitili nyo dyan at napilian nyo pang dito pa tumili sa kwarto ko. Alam nyo namang may natutulog hindi ba?"panenermon ko sa kanila.

"E-eh k-kase......ang g-gwapo ni Ace s-sa baba eh"utal na ani ni Claire.

"Oh anmeron dun?"takang tanong ko.

"Hoy gaga."sambit ni Cassey sa mau pintuan.

"Baket?"tanong ko.

"Magdedate kayo ni Ace alas dose na tulog ka parin!"sambit nya.

"D-date?"tanong ko nainisip pa kung ano ang ibig nyang sabihin. At bigla kong naalala na ililibre ako ni Ace.

"AAAAAAHHHHHHHHHH"sigaw ko at dire diretsong nagtungo ng Cr.

Halos liparin ko ang pagitan ng kama ko at ng banyo dali dali akong kumuha ng damit sa closet ko,kung ano ang mahawakan ko ay yun nalang ang isusuot ko. Patakbo akong pumunta ng cr,limang minutong nagtoothbrush habang naliligo kinuskos ko ng maayos ang buong katawan ko. Nang makontento ay nagbihis ako tshirt at pantalon lang ang suot ko kayo inipit ko nalang ang ibaba ng damit sa loob ng pantalon ko saka lumabas ng cr.

Pagkalabas ko ay hinanap ko kaagad ang suklay,habang nagsusuklay ay sinuot ko ang 2inch heels ko para hindi ako magmukhang pandak noh sapakin ko kaya kayo.

Tapos kinuha ko ang shoulder bag na kulay blue na binili ni kuya Daniel sa akin bago magpasukan sabi nya galing Australia daw yun kaya ingatan ko pero galing lang talaga yun ng spain ang daming alam amputcha Australia Australia eh hindi nga sya pinapapunta ni daddy doon eh.

Then binuksan ko naman ang lalagyan ng mga pabango ko actually si Kuya Hiro ang bumili sa akin ng halos benteng pabango kung ano ang nahawakan ko ay yun ang inispray ko, walang make up make up hindi ako marunong eh.

Nagpulbo nalang ako kumuha ng panyo na binagay ko sa damit kong dark blue kinuha ang wallet na may laman na 20k baka kailanganin eh.

Mahgad ngayon lang ako nagdala ng ganito karaming pera anong gagawin ko dito?

Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko.

"PERFECT"masayang ani ko.

"Yeah perfect!"sabi ng kung sino.

Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Ace nanakasandal sa may pader at nakakrus ang mga braso. Ang gwapo nya sa simpleng rip jeans at black T-shirt nya isama mo pa ang maliit na ngiti sa mga labi nya.

Punyeta wag ganyan selp masama yan huhuhuhuhu.

Napayuko ako! "S-sorry late a-ako nagising!"hingi  ko ng despensa.

"No it's okay!"bakas sa tono nya ang pagngiti kaya iniangat ko ang ulo ko oara salubungin ang mga tingin nya.

"You look good today! Nice shirt."ani nya.
Na ipinagtaka ko.

"Salamat!"tanging nasagot ko.

"Let's go. Matutunaw na ang Ice Cream!"nakangiting yaya nya.

THE MOST PAINFUL 'I LOVE YOU'  [𝑶𝑵 𝑮𝑶𝑰𝑵𝑮]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon