Chapter 4
We only part to meet again
"anak bangon na may pasok ka pa diba" saad ni nanay habang inaayos ang nakasarang kurtina na siyang nagpasilaw saakin kaya agad akong bumagon.
"ito napo babagon na" kusot kusot ang mata habang patungong banyo upang gawin ang morning ritual ko.
Habang nasa C.r naalala ko ang first day of school nung nakaraang buwan akala ko pa naman dun siya mag-aaral pero bat di ko man lang siya nakitang dumaan man lang or nakinig ang usapan tungkol sakanya.
Pababa ng hagdan agad akong nangtungo kung saan ko naririnig ang lambingan nila nanay at tatay>
"ang aga aga pa po para dyan" biro ko habang binababa ang hawak kung backpack na kulay itim na may halong puti.
"ito talagang bata tong kumain ka na nga lang para makaalis ka ng maaga"
Pagkatapos kumain dumaan ako kila renee upang sabay kaming magtungo ng Kolehiyo De Vesta.
"goodmorning sa napaka ganada kung kaibigan" sabay akbay nito saakin
"it's too early for that renee" nakita ko itong kumunot ang noo.
"wow may pa english English kana ngayon anong pinaglalaban mo" tulak nito na nagpatawa saakin
"ewan ko sayo napaka mo talaga dyan ka na nga" sabay takbo,humabol din naman ito
"lahh siya di naman mabiro sorry na bessy ko hindi kana nasanay sa maganda mong kaibigan" gatong pa nito
"saang banda parang hindi ko kasi makita"
"makisakay ka nalang langya nito" nguso nito pero bagay naman niya dahil maganda naman din ito, morena at matangkad kaso yung bunganga lang talaga nito pasmado minsan.
Nauna na ako sa first class ko dahil hindi kami magkaklase sa mga oras na ito pero pareho naman kami ng course.Habang naghihintay ng ibang classmate kinuha ko ang mga gamit sa paggawa ng anklets dahil malapit na ang barrio fiesta at siguradong madami na naming turista ang magpupunta rito.
"Goodmorning everyone "
"good morning ms.miracle" sabay sabay naming bati dahil iyon ang nakasanayan naming hindi gaya sa syudad na halos walang respeto sa teacher, alam ko rin naman na hindi lahat yung iba lang.
"so andito hindi para magturo pero ipapaalala ko lang na wala kayong class dahil busy ang lahat para sa darating na barrio fiesta sa lugar natin, do whatever you want but... don't try to go home because somebody will check your attendance do you understand guys" pagkatapos ni ma'am umalis narin ito kaya bumaba ako para magtungo sa canteen at kumain dahil wala naming gagawin.
Naglakad lakad lang ako sa campus dahil hindi ko na mahagilap pa si renee siguradong hinahabol na naman nun ang crush niya. Yun ang hirap sa isang tao why do we need to chase the person we love even they can't know our worth, na kahit isang katiting hindi man lang tayo makita the way na nakikita natin sila.
Napadpad ako sa may playground nakakonekta sa San Vesta high school at elementary, bago ako maupo may narinig akong umiiyak na bata kinilabutan naman ako dahil baka isa to sa mga sinasabi nilang multong na nagpapakita sa may playground, nilakasan ko ang loob at sinundan kung saan ko man naririnig iyon.
"bakit ka umiiyak" tanong ko sa batang lalaki at sa tingin ko nasa pitong taong gulang na.
"inaway po kasi ako ng mga kaklase ko" sumbong nito saakin kaya kinalong ko ito at inalo upang tumigil na ito sa kakaiyak.
"hayaan muna sila okay " paalala ko sakanya
"okay po" puro luha at sipon ang nasa mukha niya kaya kinuha ko ang panyo ko at ipinunas sa mukha niya.
"anong name mo " tanong ko ng masigurado kung tumahan na ito.
"Lexon po ate ganda ikaw po ba?" tanong nito, nakakainggit mukhang yayamanin ang pangalan
"Aurel tawagin mo nalang akong ate Aurel" bigla itong bumaba mula sa aking binti at inayos ang kanyang nagusot na uniform.
Nagulat ako sa sumunod nitong sinabi na nagpatawa saakin pero agad ding nabura yun ng iiyak na naman ito kaya pumayag nalang ako sa gusto nito.
"ate pwede ba kitang maging girlfriend? Ay hindi papakasalan nalang po kita sasabihin k okay kuya ito yehey" tuwang tuwa ito pero ang bata pa niya para magsalita ng ganyang bagay.
"pero bat aka pa kaya hindi pa pwede" sagot ko
"bad ka ate hindi na kita gusto I hate you na po" dabog nito kaya pumayag nalang ako baka druglord or ano pa trabaho ng magulang nito at pag nagsumbong ipapatay pa ako malalagot na.
"sige na nga pumapayag na ako" saad ko rito kaya nagtatalon naman ito at hinalikan ako sa may pisnge.
"Lexon asan kana!!!"
"pag hindi ka nagpakita saakin Lexon malalagot ka isa!" sigaw mula sa malayo kaya napabitaw saakin ang bata sabay sigaw sa taong naghahanap sakanya.
"kuya andito ako dalian mo bilis ipapakilala ko sayo fiancée ko" nakakatawa naman itong batang to pero sana naman makalimutan niya rin agad ito baka malagot na kung sakaling totohanin nito ang naging turan kanina.
"saan kaba nanggaling alam mo bang kanina kappa hinahanap ng yaya mo" pagalit nitong saad at tanging likod lang ang aking nakikita, wait mukhang kilala ko ito pero baka kapareho lang.
"inaway ako ng mga classmate ko kaya nagtago ako ditto tas nahanap ako ni ate ganda na fiancee kona ngayon" masayang kwento nito sa kanyang kuya.
"anong fiancée ang bata bata mo pa" pangangaral nito sa kapatid kaya umiyak itong nagtungo saakin.
" Lutton" gulat kung saad pagkaharap nito sa may gawi namin
"Aurel ikaw pala yan pagpasinsyahan muna ang kapatid ko" nahihiya nitong saad.
"hayaan muna bata pa naman para tumahan narin sa kakaiyak" saad ko rito pero aangal n asana ngunit tumahimik nalang ito.
"Lexon tahan na okay sige ka papanget ka niyan" pananakot ko para tumigil ito.
Nakatulugan na nito ang pagiyak kaya sinubukan itong kunin ni Lutton ngunit pinigilan ko dahil mababaw pa ang tulog ng bata at baka magising lang agad ito.
"okay lang hayaan muna natin siya" saad ko kaya naupo nalang ito sa may tabihan ko habang buhat buhat ko ang kanyang kapatid.
"so we meet again" nakangiti nitong turan
"dito ka pala nag-aaral" kunyaring hindi ko alam dahil baka sabihin nito stalker ako
"oo pero ngayon lang ako pumasok pumunta kasi akong manila para asikasohin yung business ni dad" kaya pala nawala siya akala ko naman bumalik na siya ng ibang bansa.
"Mauna na kami baka hinahanap nayan ni mommy" pamamaalam nito
"sige babalik narin ako sa classroom baka nagchecheck na sila ng attendance naming" sagot ko rin dito, naamoy ko ang pabangon nito ng lumapit siya para kuhain si Lexon,grabe ang bango niya.
"see you later,kung pwede sabay nalang tayo kumain pasasalamat lang dahil hindi mo iniwan kapatid ko saka pawelcome mo narin saakin" tanong nito pero nagdadalawang isip ako baka anong sabihin ng iba pero puwayag nalang rin ako.
"sige see you later Lutton" nakangiti kung saad bago ito naglakad papasok sa nakaparadang sasakyan malapit sa may gate ng elementary building.
BINABASA MO ANG
Lost in San Vesta
RomanceDahil sa aksidenteng kinasangkutan ni Aurel mapapadpad siya sa isang lugar malayo sa kanyang kinalakihan. Sa paglipas ng panahon pilit parin siyang umaasa na makakamit ang hustisyang kanyang kinakamtan.