Chapter 1
"At the Blueness of the water and in the warmth of a simple hug. We will meet again in the afterlife."
Ordinaryong araw lang ito para saaming lahat, ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang yayanig saaming mundo. Sigawan at iyakan yan ang unang una mong maririnig sa buong barko, may mga magulang na pilit inililigtas ang kanilang mga asawa't anak.
Hinanap ko agad sina mama at papa pati narin ang bunso kung kapatid pero nahatak ako ng kumpolan ng mga taong nagtatakbo patungo sa kinatatayuan ko upang makaligtas dahilan upang ako'y mawalan ng malay,bago iyon nakita mismo ng aking mata kung paano itulak ng isang pasahero ang aking ama.
Sa pagmulat ng aking mata isang nakakasukang pangyayari ang aking nasasaksihan, mga patay na palutang lutang , mga taong pilit parin inililigtas ang sarili, dahan dahan akong lumangoy habang pinagmamasdan ang isang sulok, pilit tinatanggal ang mga nakadagang kahoy mula sa mga nasirang kagamitan ng barko. Unti unting tumula ang aking mga luha isa isa ko silang niyakap, umaasa na buhay pa sila kagaya ko ngunit wala na iniwan na nila akong mag-isa.
Ma,pa bunso gising na please wag niyo naman akong iwan..
I thought my birthday was going to be the best pero wag naman ganito kung panaginip lang to please lord gisingin muna ako sa bangongot na ito.
Lumabas ako umasang may tutulong saamin ngunit wala man lang dumating kahit isa. Mas lalo akong napaiyak bat ang unfair unfair mo tadhana pati ba naman mga kaibigan ko kukunin mo tanginang buhay to lahat nalang kinuha mo anong isusunod mo, ano pang kulang?.Hindi ko namalayan pagkarating ko sa labas ng barkong tumagilid,nahulong ang isang malaking kahoy na tumama sa may ulo ko na siyang dahilan upang mawalan ulit ako ng malay.
"Ma,pa!!" excited kung turan na ikinagulat nila kaya napatawa nalang ako sa nagging reaksyon nila.
"Juskong bata ka, bat kaba sumisigaw muntik na tuloy mabulunan ang papa mo" pagalit na saad ni mama hay naku ito talagang si mama pagdating kay papa ingat na ingat kaya nga naiingit ako sakanila kasi mahal na mahal nila ang isa't isa
"Mahal wag munang pagalitan ang bata" paglalambing ni papa sabay kindat nito saakin kaya naman gustong gusto ko ito kasi lagi niya akong pinagtatanggol kay mama.
"anong sasabihin mo Areng?" tanong nito habang inaayos ang mesang pagkakainan namin
" Ma Aurel kasi ang ganda ganda ko tas tatawagin mo akong ganyan diba papa" pagdradrama ko para kahit papano mainis koi to.
"hayaan muna ang mama mo princess naiingit lang yan kasi tunog prinsesa ang pangalan mo samantalang ang mama mo ang bantot ng pangalan" natawa ako dahil pinagkakaisahan namin si mama saktong wala dito si Aerim nasa kuwarto at hindi ko alam ang pinaggagawa nito.
"bahala kayong mag ama dyan" napipikon na turan ni mama kaya agad itong nilapitan ni papa at niyakap ng mahigpit sabay halik sa pisnge nito na siya ikinapula ng mukha ko. Ang tatanda na nila ang harot harot parin haha.
"Oh sya tawagin muna ang kapatid mo sa taas dahil kakain na at ano pala yung sasabihin mo at nagmamadali ka kanina?" oo nga pala muntik konang makalimutan yung sasabihin ko.
" ma,pa may field trip nga pala kami sa susunod na linggo sa may San Augustine"
" diba nak malayo yun tas kailangan pang sumakay ng barko bago makarating dun" mukhang hindi ata ako papayagan sumama ni papa
"opo pero don't worry pwede naman daw po isama ang buong pamilya kaya makakapagbakasyon tayo nila Aerim" tuwang tuwa kung saad na ikinapayag ng mga ito .
Unti unti kung iminulat ang aking mga mata dahil may naririnig akong mga nagbubulungan ng tuluyan kung mabuksan ang aking mga mata tumambad saakin ang hindi pamilya na kwarto,simple lang ito at halatang gawa sa mga matibay na kahoy.
"Iha ayos kana ba anong nararamdaman mo" tanong ng isang matandang babae na nasa 60 years old
"Doming tawagin mo ang manggagamot sabihin mo gising na ang batang napulot sa may dalampasigan" pagmamadali nitong saad paglingon ko duon ko lang nakita ang matandang lalaki na mukhang asawa nito at hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad.
Pinilit kung tumayo ngunit napahiga lang ulit ako dahil sa sakit ng aking mga katawan, inalalayan naman ako ng matanda.
"nasan ako?"
"wag mong ipilit kung hindi mo kaya, nagugutom kaba ipaghahanda kita ng makakain" tanong nito na may bahid ng pag aalala
"okay lang po ako, ilang araw napo akong nandito at ano pong lugar ito nanang" naguguluhan kung tanong na siyang pagdating naman ng matandang lalaki kasama ng sinasabi nilang manggagamot.
"Ayos naman na siya kailangan lang talaga niyang makapagpahingan ng mabuti, dun naman sa natamo niyang mga sugat magbibigay nalang ako ng ipapahid niya at gamut na iinomin niya ng tatlong beses kada araw" mahabang paliwanag nito pagkatapos umalis narin dahil may iba pa daw itong pupuntahan maliban saakin.
"Iha anong pangalan mo kung hindi mo mamasamahin ang pagtatanong ko alam ko na kailangan mo pang magpahinga ngunit halos isang linggo kana ditto at hindi man lang naming alam ang iyong pangalan" saad ng mantandang lalaki
"Aurel... Aurel po ang aking pangalan" mahina kung pahayag
"Kung ganun Aurel iha tawagin mo nalang akong nanay imee at ang aking asawa naman ay tatay doming at ikinagagalak naming napadpad ka dito sa San Vesta, maiwan kana namin at magpahingan ka upang bumalik agad ang iyong nawaalang lakas " pagkalabas nila tumulo nalang ang aking luha, hindi nga talaga panaginip ang lahat, patawad mama,papa,Aerim kasalanan ko kung hindi nalang sana tayo tumuloy buhay pa sana kayo ngayon.
Nang bumalik na ang aking lakas isinama ako ni nanay imee sa may palengke at inilibot upang makabisado ko ang lugar kung saan ako magsisimula ng bagong buhay dahil hindi pa ako handing bumalik ng Manila matapos ang nangyari.Nasa may tabing dagat ako ngayon at pinagmamasdan lumobong ang araw.
"anak bat naparito ka at nag-iisa" sabay upo saaking tabi si nanay imee
"wala po nanay nagpapahangin lang po"
"kung may problema andito lang kami ng tatay doming mo wag kang mahiya dahil itinuturing kana naming sariling anak" sabay yakap nito saakin at sinuklian ko rin naman ito ng mahigpit na yakap.
"aba'y anong ginagawa ng maganda kung asawa at anak? Hindi niyo man lang ako isinama sa inyong pag uusap" nangtatampong saad ni tatay doming na sabay naming ikinatawa ni nanay.
"wala ano kaba doming ang tanda tanda muna may ganyan ka pang nalalaman"
" sisihin mo yang anak ni Arturo nasi Renee kung ano ano itinuturo saakin mga kabataan talaga ngayon" pinaghahampas naman siya ni nanay.
"tara na at mag gagabi na,samahan mo akong magluto Aurel" sabay alis ni nanay
"hayaan mo nayang nanay mo ganyan lang talaga yan,wag kang mag alala ipapakilala kita sa anak ni pareng Arturo mabait na bata yun kagaya mo para naman may kaibigan kana dito" saad ni tatay habang papasok kami ng bahay.
"sige po tay" nakangiti kung wika.
No matter how hard and painful the past is, you can always begin again with different place and people.
A/N:This story was inspired to VentreCanard story.
BINABASA MO ANG
Lost in San Vesta
RomansDahil sa aksidenteng kinasangkutan ni Aurel mapapadpad siya sa isang lugar malayo sa kanyang kinalakihan. Sa paglipas ng panahon pilit parin siyang umaasa na makakamit ang hustisyang kanyang kinakamtan.