Chapter 31
Lahat ng sinasabi nila naririnig ko maging ang pag iyak ni nanay tuwing kaming dalawa lang ang naruon sa kwartong yun pati narin ang mga ibinunyag ni Claster, gustong gusto kung imulat yung mata ko pero parang may pumiligil saakin kaya muli na naman akong nilamon ng dilim.
Nagising ako sa isang malawak na lugar may dagat at kagaya ng San vesta may malaki rin itong bato, mukhang nasa San Vesta nga ako pero paano kanina lang nasa hospital ako at hindi ko man lang maimulat yung mga mata ko.
" Aurel!!!" Paulit ulit na tawag saakin kaya sinundan ko iyon.
Tumambad saakin ang masayang mukha ng aking pamilya si papa at mama na magkayakap habang tumatakbo papunta saakin si Aerim.
" ate!!!"
" Aerim ikaw ba ba yan?"
" Ate naman nakalimutan muna yung maganda mong bunso,hala bat ka umiiyak ate?"
" wala masaya lang ako kasi nakita ko kayo ulit miss na miss na miss kona kayo walang araw na halos hanapin ko kayo pero paano hindi kona kayo pwedeng makasama"
" anak lumapit ka kay mama" umiling ako bigla sagot.
" paano mama ni hindi ko kayo mahawakan kahit anong gawin ko tumatagos lang yung kamay ko"
" pasensya na anak kasi iniwan ka namin ng maaga "
" Kasalanan ko po sorry kung hindi lang ako nagpumilit nun edi sana magkakasama pa po tayo"
" matagal ng tapos iyon anak,masaya naman na kami sa kung nasan man kami ngayon kaya ipagpatuloy mo yung buhay mo wag mo kaming alalahanin kasi mahal na mahal ka rin namin" pilit kung hinahablot yung kamay nila pero wala parin.
" Ate I love you, miss kana ni Aerim gusto ko sana kasama ka namin pero sabi nung lalaki hindi pwede kasi kailangan munang bumalik" nagulat ako dahil pagkatapos sabihin ni Aerim iyon tumakbo na ito palayo at maging sina mama at papa tumalikod narin paalis.
" ma saan kayo pupunta wag niyo akong iwan dito please, isama niyo nalang kaya ako"
" Hindi pwede anak bumalik kana dahil ang daming naghihintay sayo ruon" huling saad nito bago maglaho.
Pero akala ko makakabalik na ako sa hospital ngunit biglang nagbago yung paligid at napunta ako sa school kung saan ako nag aral dati.
" Aurel Messi!!!" Paglingon ko bumungad din saakin sina Joy at Julie, hindi parin nagbago ang mga mukha ng mga ito gaya parin ng dati.
" kumusta kana miss kana namin"
" kung hindi kaya nangyari yung trahedya yung magkakasama parin ba tayo, baka may trabaho na at itong si Julie may asawa't anak na"
" hala bat ako baka si Aurel " sabay silang nagtawanan.
" Aurel bakit malungkot ka wag kang ganyan naiiyak tuloy ako" pero kasabay ng muli kung pag iyak, naiyak narin ang mga ito.
" ang sakit sakit kasi iniwan ka namin pati si mama at papa naiwan hindi ko naman gustong iwan ang mga ito kahit sobrang busy sila"
" Si tita paano na siya wala na ako sabi ko pa naman sakanya sabay kaming aangat tas iniwan ko pa siya"
" miss kona kayo lalo na yung kwentuhan natin bakit niyo kasi ako iniwan"
" gustohin man naming manatili hindi pwede kasi iyon ang kapalaran namin" biglang may dumaan sa likuran nila at nakilala ko ito, si Lutton nung hindi ko pa siya kilala.
Bumalik ang tingin ko kila Joy at Julie pero ang kaninang suot nila napalitan ng suot nila nuong mangyari yung trahedya, basang basa at may mga dugo pa habang namumuti na ang kanilang mga labi.Ngumiti sila ng mapait bago tuluyang maglaho.
Sinundan ko kung saan nagpunta ang batang mukha ni Lutton,pumasok ito sa isang pinto kaya sumunod ako ngunit dinala ako nito sa lighthouse kung saan kami dati nagdate ni Lutton.Nakatayo ito sa dating pwesto.
" lutton? "
" aurel kumusta ka?"
" kumusta ako?, ito hindi okay kasi una nakita ko sila mama at papa pati yung kapatid ko,pangalawa yung mga kaibigan ko tas ngayon ikaw naman pero kagaya ka rin ba nila iiwan ako at hindi pwedeng isama kung saan ka pupunta" yumuko ito.
" alam mo namang hindi pwede diba pero mahal kita tandaan mo yan" sumunod ako ng makita kung tatalon ito.
" lutton please wag isama mo nalang ako"
" I'm sorry pero hindi talaga,I love you, goodbye" Kasabay nun tuluyan itong tumalon kaya walang pagdadalawang isip tumalon din ako pero nakarinig ako ng pamilya na boses.
" Aurel!!!"
" Aurel gumising ka parang awa muna!"
Unti unti kung iminulat yung mga mata ko pero malabo ito mga anino lang yung nakikita ko.Pinilit kung igalaw yung mga kamay ko pero ang hirap.
" doc gising na siya " sigaw ng isang boses mula sa paligid.
" Ms.Aurel naririnig mo ba ako? Kung oo ipikit mo ang iyong mata at mag mulat ulit kung hindi naman wag kang pumikit" agad akong pumikit bilang tugon.
" okay may masakit ba sayo?" Gaya kanina inulit ko lang ito.
" Kaya mo bang igalaw ang mga kamay at paa mo" huling tanong nito pero hindi ako pumikit dahil hindi ko talaga maigalaw pati boses ko walang lumalabas na sound.
" okay na po ang pasyente kailangan nalang po niyang magpahinga"
Lumapit ang mga ito saakin at nakinig lang ako sa mga sinasabi nila habang sina tatay,Zanus at Claster lumabas para bumili ng pagkain.Mukhang hindi pa umalis ang mga ito, hinintay ba nilang magising ako? Baka tambak na yung trabaho nila tita dahil saakin.
" may gusto ka bang kain in? " dahan dahan akong umiling, kaya ko naman na kahit papaano pero mukhang kailangan kung sumailalim sa therapy dahil hindi ko talaga maigalaw yung mga paa at kamay ko sabi ng doctor nakita daw ng mga tao na may nakadagang bakal saakin kaya siguro yun ang dahilan kaya hindi ko maigalaw yung paa ko.
Sabi pa nga ng iba ang swerte ko, dahil dalawang beses na akong nalagay sa bingit ng kamatayan pero buhay buhay pa rin ako hanggang ngayon.
Nagkausap narin kami ni Claster at nalinaw ang lahat,tanggap naman nito yung naging desisyon ko at magkaibigan parin kami pero hindi gaya dati mas naghigpit ito ngayon dahil hindi na daw nila kayang may mangyari pa saakin.
Pagkalabas ng hospital nagulat ako ng pag uwi sa bahay nandun ang ibang kapitbahay maging si Bastian at mukhang may something narin sakanila Renee, nauto ata ng kaibigan ko pero masaya ako.Habang patuloy parin akong sumasailalim sa therapy para tuluyan ulit akong makalakad at makabalik sa school dahil madami na akong namiss baka mamaya late akong makagraduate.
BINABASA MO ANG
Lost in San Vesta
RomanceDahil sa aksidenteng kinasangkutan ni Aurel mapapadpad siya sa isang lugar malayo sa kanyang kinalakihan. Sa paglipas ng panahon pilit parin siyang umaasa na makakamit ang hustisyang kanyang kinakamtan.