Chapter 35

13 4 0
                                    

Chapter 35

Pagkatapos ng nangyari,ilang araw ko siyang hindi pinansin kahit sumabay kumain hindi ko ginawa it's either mauuna ako or mahuhuling kumain alam kung napapansin na ito ni Sai kaso hindi nalang siya nangingialam hanggang sa hindi niya natiis nagtanong nalang siya.Saktong wala dito ngayon si Sean kaya malaya kung masasabi ang lahat.

" anong nangyari bat pareho kayong iwas ni kuya sa isa't isa? "

" diba nanggaling kami sa grocery tas ayon nga maraming nangyari saka nung nasa parking lot na kami muntik na akong masagi ng isang sasakyan tinulungan niya ako at nasigawan"

" yun lang"

" Hindi kasi yun lang natawag ko siya sa ibang pangalan "

" don't tell pangalan ni ano yan" tumango ako bilang sagot kaya halos batokan niya ako sa inis.

" Langya naman syempre maiinis yun ayaw na ayaw pa naman niyang tinatawag sa ibang name"

" Kaya nga umiiwas ako nahihiya kasi ako tas nayakap ko pa kuya mo" tuluyan na itong kinilig imbes na kagaya kung mainis.

" Ano gagawa na ba ako ng paraan para mapansin ka pa lalo ni kuya"

" Sai naman kasi hindi yan ang kailangan ko "

" eh anong kailangan mo?"

" tulong mo para mawala yung kahihiyang ginawa ko "

" haha akala tulong para maging kayo ni kuya don't worry kung mangyayari man yun support lang ako"

" Sai naman hindi ako nagbibiro "

" Oo na"

Sumapit ang tanghalian sabay sabay kaming kumain pero tahimik parin ang hapang kainan. Naglakas loob akong magsalita para maging maingay naman kahit papano nakakapanibago kasing ang tahimik.

" hmm gusto niyo pa ba ng ulam kukuha ako kung gusto niyo?"

" okay na ako mabubusog na nga ako eh" pakita nito ng kanyang plato na halos masimot na ang laman.

" pwede ba?" mahina nitong saad, kita ko ang plato nitong madami pang kanin pero wala ng ulam kaya tumayo ako at kumuha,muntik pa akong matisod sa kamamadali.

" magdahan dahan ka Messi hindi naman nagmamadali si kuya napaghahalataan haha"

" Sai tumigil ka nga " pagsita ko sakanya pero tumawa lang ito.

Pagkaabot ko ng ulam ngumiti ito sabay sabing " ang sarap pala ng luto mo mukhang tataba ata ako habang nandito" sa hindi malamang dahilan biglang bumilis yung tibok ng puso ko kaya ng kung paano tumibok yung puso ko kay Lutton.

Minumulto niya ata ako o talagang nag iiba na yung tingin ko kay Sean.Jusko wag naman sana....oras na ba para ibalik yung kwentas?

Pero saglit palang naman kaming nagkakilala...iiwas ba ulit ako o ito na yung sign para sumaya ulit ako.

" malalim na naman iniisip mo"

" Ah wala ito,naisip ko lang na baka umuwi ako saamin"

" kailan? "

" mga weekend para makabonding ko naman sila nanay matagal narin ng hindi ako nakauwi dun"

" hala edi maiiwan akong mag isa dito?"

" Bakit saan ba pupunta yang kuya mo?" Lumingon ako sakanya pero wala ata siyang narinig at patuloy parin sa pagkain.

" uuwi din siya sa probinsya namin"

" Kung gusto mo pwede kang sumama saakin" alok ko sakanya dahil gusto ko rin siyang ipakilala sa mga kaibigan ko.

" gustohin ko man pero may trabaho ako saka nalang nga pala kailan ka aalis?"

" siguro bukas na isa kailangan ko munang ayusin yung mga gamit ko"

" sayang bukas na kasi alis ni kuya mukhang nagmamadaling umalis"

" I have important business kaya ako nagmamadali"

" okay akala ko pa naman may iniiwasan"

" Sai/Sailyñ " sabay naming saway.

" sabi ko nga titigil na"

Pero hindi pa pala tapos dun dahil bigla itong tumakbo habang hawak hawak yung cellphone ni Sean na parang may gustong ipakita saakin pero hinabol agad siya nito.

" Messi help me bilis may ipapakita ako " Tawang tawa nitong saad dahil hindi mahabol habol ni Sean pano ba naman busog kaya nahihirapan siyang gumalaw.

" Ano ba yan haha" pagkakita ko halos mapaupo ako sa sahig dahil sa nakita.

Mula sa cellphone nito kitang kita mo kung paano pagfiestahan ng mga bakla habang nasa bar sila at lasing na lasing pa ito kahit anong pilit niyang lumayo nahihila parin siya paubo sa kandungan ng mga ito.

" lentek ka Sai sabi ko idelete mo yan bat nasa cellphone ko parin?!"

" haha for emergency purpose kuya kita mo nagamit ko ngayon "

" humanda ka saakin pag nahabol kita" agad tumakbo si Sai sa likod ko pero ng mapansing pati ako idadamay nito bigla akong gumilid kaya ang tawang tawang itsura ni Sai napalitan ng takot.

Pinanuod ko lang silang maghabol magdamag hanggang sa mapagod silang pareho.

" guys wala ba kayong trabaho today?"

" off ko"

" none"

" Anong none ka dyan sabihin mo hindi ka pumapasok kaya ka ililipat sa branch natin sa probinsya"

" Ah guys pwedeng kahit ngayon lang wag kayong mag away naalala ko tuloy yung dalawa kung kaibigan sainyo si Claster at Renee"

" ito kasing si kuya pikon kaya ang sarap asarin"

" ako pikon? Tignan natin nga pala Sai may nakalimutan akong sabihin"

" Ano yun kuya?"

" ang panget muna mas tumataba ka"

" what?!!" Tumakbo ito papasok ng kwarto at tinignan kung totoo ang sinasabi ni Sean.

" Ano ka na bakit pinatulan mo pa yung kapatid mo"

" hayaan mo siya"

" Messi let's go" nagulat ako sa ayos nito pano ba naman nakapang gym at sa ganitong oras alas dose ng hapon diba dapat umaga.

" Pupunta ka ng gym na ganitong oras nahihibang kana ba pwede namang bukas nalang"

" no ngayon na please " Hindi ako pumayag dahil tinatamad ako at ang init init sa labas kaya naiwan ulit kaming dalawa ni Sean.

Nagluluto ako ng popcorn habang pinapaayos ko sakanya ang tv dahil gusto kung manuod ng movie sakto ang daming bagong labas ngayon.Hinati ko sa dalawa ang popcorn dahil mas gusto kung madaming cheese kaya ginawa kung plain nalang yung sakanya habang ang drinks namin milktea na hindi ko alam kung saan galing siguro pinadeliever niya.

" Okay na ba?"

" Oo anong gusto mong panuorin? "

" Kahit ano basta maganda"

Ilang movie din ang napanuod namin kaya halos wala kaming kibuan dahil pareho kaming nag eenjoy lalo na pag yung mga bida hinabol na ng mga zombie grabe yung sigaw ko dahil parang ako yung nandun saka ko lang rin napansin na ang higpit ng kapit ko sakanya kaya napabitaw ako ng wala sa oras.

" Sorry nasobrahan ko ata yung higpit namumula tuloy yung kamay mo"

" okay lang hindi mo naman sinasadyang"

" Teka kukuha lang ako ng yellow para hindi mamaga"

" Hindi na okay lang talaga" bumalik ako sa pagkakaupo at pinagpatuloy namin ang panunuod.

Lost in San Vesta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon