Chapter 21

9 3 0
                                    

Chapter 21

Suspicion, a weapon that kills the innocent relationship - Umm Hawa

I love lutton pero ewan...nakakapanghinala na kasi may mga times na bigla bigla itong nawawala,may mga times din na sumusulpot siya.

Ilang oras na akong naghihitay dito kaya naisipan kung magpasundo nalang kay Claster.

" Hello Claster pwedeng favor"

" Ano yun?"

" sundoin mo nga ako dito sa may baywalk tapat ng MOA"

" sige hintayin mo ako dyan" rinig ko mula sa kabilang linya at dali dali nitong kinuha ang kanyang susi.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero cannot be reached ulit.Naiinis na ako dinala dala niya ako dito tas aalis siya ng walang paalam.

" anong ginagawa mo dito?" Kadarating lang na tanong ni Claster.

" yung kasama ko iniwan ako nakakainis"

" Sinong kasama wala ka namang sinabi saakin"

" baka nakalimutan ko lang tara na gusto ko ng magpahinga"

Lulan ng kanyang sasakyan umuwi agad kami pero para lang makapagpaalam kina Tita at Zanus.Kahit pagod at naiinis mas pinili ko nalang umuwi para makalimutan kahit papano yung ginawang pang iwan saakin ni Lutton,siguro naruon pa sa manila yun at baka nakakita ng magandang babae kaya iniwan agad ako.

Lumipas ang araw pero ni anino nito wala pati mga text ko hindi rin siya nagrereply.

" nasan kana ba kasi"

" Sinong kausap mo?"

"Ikaw pala Bastian, may ideya kaba kung nasaan si Lutton" pagbabakasakali ko dahil kaibigan niya naman ito.

" Pasensya na Aurel pero kahit ako walang alam kung saan nagpunta ang kaibigan ko,pero pag nakita ko siya sasabihan agad kita"

" Salamat malaking tulong na yan para saakin"

Habang namumulot ng mga seashell may nakita akong pigura ng tao na familiar saakin kasama nito ang sa tingin ko'y yaya nito.

" Lexon?"

" Ate ganda" natigil ito sa paglalaro at agad akong dinambahan ng yakap.

" kumusta kana?,mas lalong naging pogi"

" okay lang po Ate, pero salamat po kasi sinabi niyong gwapo ako pero yung isa kung kaklase panget daw ako" nalungkot bigla ang boses nito.

" Hala bakit ganyan reaction mo don't tell me crush mo yung batang yun" napayuko ito ng mahulaan ko ang gusto nitong ipahiwatig.

" Wag kang maingay ate,magagalit si kuya saakin"

Kuya?....Si Lutton,oo nga pala may dapat akong itanong sa batang to.

" Lexon may itatanong ako sayo at gusto ko sabihin mo yung totoo okay" inutusan muna nitong lumayo ng kaunti ang kanyang yaya para makapag usap kami ng maayos.

" Ano po yun?"

" alam mo ba kung nasaan ang kuya mo?"

" pasensya na ate pero hindi po mahigit isang buwan narin po siyang hindi umuuwi"

Kung ganun nung magkasama kami sa manila hindi na ito umuuwi sakanila,pero saan naman kaya ito tumutuloy.

" sige Salamat"

" Bakit nagkikita parin po ba kayo ate,pwede sabihin mong umuwi na siya"

" Oo nagkikita kami pero huli nuong nakaraang linggo tas bigla nalang siya umalis habang magkasama kami at hindi man lang siya nagpaalam saakin"

" wag kang mag-alala babalik din yun ate"

" Lexon kailangan na nating umuwi hinahanap kana ng parents mo" Bigla sumulpot yung yaya niya kaya tumayo narin ako sa pagkakaupo.

" ate mauna na kami sa susunod ulit"

" sige mag ingat kayo" kumaway ako bago bumalik ng bahay.

Ang sarap ng tulog ko ng marinig ang malakas na pagtunog ng cellphone ko.Kahit inaantok pa pinilit ko itong sagutin.

" Hello" sagot ko habang nakahiga pa sa kama.

" nasaan ka?"

" Bakit nasa bahay kakagising ko lang may problema ba"

" Si lutton bumalik na" napabangon ako at tinignan ang caller, si bastian pala pero teka....

" paano mo nalaman yung number ko at asan siya ngayon"

" wala ng marami pang tanong magmadali ka ng pumunta dito dahil baka umalis na naman tong kaibigan kung ito" Ang aga 5:30 palang at mamaya pa yung klase ko pero pag usapang Lutton walang maaga aga saakin.

Nakiusap ako kay tatay na ihatid ako,nakakahiya man pero ito ang unang pagkakataon na magpapahatid ako.

" Sige na tay kahit ngayon lang" pagmamakaawa ko.

" bakit ba dati rati naman kahit late ka o tinatamad nilalakad mo parin dito hanggang sa eskwelahan mo"

" iba kasi ngayon tay may hinahabol akong tao....este deadline kaya sige na please"

" oh siya kunin mo yung susi sa may tukador para makaalis na tayo,ikaw talagang bata ka" kinuha ko agad ito at ibinigay kay tatay.

Medyo mabagal ang patakbo ni tatay dahil sa luma narin ang motor at baka tumakbo pa ang mga gulong nito pag binilisan.Inabot kami ng limang minuto bago makarating sa eskwelahan hindi gaya dati na kailangan ko pang mag aksaya ng labing isang minuto para makarating lang dito.

Tumakbo ako pagkababa nagalit pa si tatay dahil tumataas ang paldang suot ko pero ngumiti lang ako at nagpatuloy.Nasa tapat ako ng lumang library ng maisipan kung tawagan si Bastian.

" Hello"

" Bastian nasaan siya dito yung saktong pwesto niya"

" ewan kanina nasa may gym siya,try mo sa garden baka andun yun lagi ang gustong gusto niyang puntahan"

"Paano pag wala siya dun" pero bago pa siya sumagot pinatayan ko na ito ng tawag dahil nakita kung papuntang garden si Lutton.

Sinundan ko ito habang hindi nagpapahalata dahil gusto ko,siya mismo ang lumapit at magpaliwanag.

Naupo ito sa ilalim ng malaking puno at natulog,hindi parin ako lumapit at pinanuod lang siya hanggang sa nakatulog din ako pagkagising ko wala na ito sa dating pwesto kaya bumalik nalang ako sa klase at nakinig sa lecture.

Nung uwian sumabay ako kila Esther dahil halos minsan nalang kami magsamasama.

" tara kain muna tayo bago umuwi" yaya ni Renee.

" tara nagugutom narin naman ako" sigunda ko.

" libre daw ni Claster" saad ni Esther kaya wala ng nagawa pa si Claster ng sabay sabay namin siyang hilain patungo sa bilihan ng street foods.

Namimili ako ng ipapaluto dahil halos tapos na ang mga kasamahan ko,iluluto nalang ang sakanila.Nakita kung papunta dito si Lutton,akala ko mag isa lang ito kaya tatawagin ko na sana kaya lang may lumapit na babae at nagtatawanan pa ang mga ito.

Ako na sana yung magbababa ng pride at lalapitan ka kahit nagtatampo ako pero yung makita kang may kasamang babae,ibang usapan na yun.

" aurel okay ka lang mukhang galit na galit ka ah tignan mo yang ipapaihaw mo halos maputol na yung stick" pagkakita ko tama nga yung sinabi ni Esther at may kaunti pa akong sugat kaya tinago ko nalang para hindi sila mag alala.

Lost in San Vesta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon