Chapter 9

29 5 0
                                    

Chapter 9

Naghahanda kami ngayon para magtungo sa bukid kung saan nakikisama rin si tatay sa pagtatanim ng mga gulay.

Sakto naman ang kinikita nila sa pangigisda at pagbibilad ng mga isda sa araw kaso iba parin ang may extrang pera para kung sakaling may emergency hindi na kami mahihirapan pa dahil hindi rin naman kami mayaman.

" Kumpleto naba ang mga dadalhin mo anak?" Lumapit si nanay saakin upang siguradohing kumpleto ang aking mga dala baka mamaya niyan ay mapabalik pa ako ng wala sa oras.

" opo wag kayong mag alala nay sinigurado kung wala akong makakalimutan" paninigurado ko.

"Oh siya sige umalis na kayo dahil baka maabotan pa kayo ng sikat ng araw"

Paglabas ko handa na ang tricycle na sasakyan namin papunta ruon.

Ang sarap talagang manirahan sa probinsya napakapresko ng hangin lalo na sa hapon hindi gaya sa syudad oo nga at napakaganda ng mga tanawin dun lalo na ang mga naglalakihang building pero napaka usok naman lalo na sa umaga palang.

Bago tuluyang umalis ipinaalala ko kay nanay na nakalagay sa may ibaba ng tv ang nakacharge kung cellphone dahil halos kakabili ko lang iyon nuong nakaraang linggo matapos ang baryo fiesta.

" nay baka makalimutan mo yung cellphone ko"

" Naku naman ako oo alam ko ginagawa mo naman ng ulyanin ang nanay mo" pagtatampo nito kaya niyakap ko para gumaan naman ang loob nito.

" Si nanay talaga, sige na aalis na po kami baka mas matagal pa po kaming makaalis niyan"

Sumakay na ako at pinatakbo na ni tatay ang hiniram niyang tricycle para hindi kami mahirapan sa pagdala ng mga kagamitang pampatubig.

Pagdating ruon kitang kita mo kung gaano kalawak ang lugar na iyon, tinulungan ko silang ibaba ang mga gamit at agad rin nagtungo kung asaan ang mga kagaya kung magbubunot rin ng mga damo.

" hi bago ka?" Tanong ng isang babae.

" Oo kasama ko si tatay" saad ko sabay turo kung nasan si tatay kasama ng kapwa niya magpapatubig din.

" Ah kilala ko sila si tatay doming yun diba" turan ng isa.

Tumango ako at inumpisahan na ang pagbubunot, si nanay sana ang nandito kaso bigla sumakit ang mga paa nito kaya nagpresenta akong ako nalang ang sumama at magpahingan nalang ito para makapagtrabaho rin agad.

" matagal na ba kayo rito" tanong ko dahil kanina pa ako tahimik samantalang sila ay nagkwekwentuhan habang nagtratrabaho.

" ako...oo matagal na mga 5 taon narin kaso tuwing panahon lang ng taniman ako nagtratrabaho dito dahil malaki laki rin ang arawang sweldo" wika ng isang kaedad ko.

" ako rin kaso nuong nakaraang taon lang ako napadpad sa trabahong ito tumigil na kasi ako sa pag aaral dahil sa kapos sa buhay kaya tumulong nalang ako kay inay at itay" makikita mo sa mata nito ang lungkot,yung gusto niya pang mag aral kaso dahil sa kapos sa buhay hindi na nito matutupad ang pangarap nito.

Hindi gaya ng mga taong agat sa buhay halos lahat nagagawa nila kaso ang iba ay mas piniling sayangin ang mga pagkakataong binigay sakanila upang makapag aral hindi gaya naming sakto lang ang kinikita araw araw upang makapag aral at makakain.

" Bat hindi ka humingi ng tulong may scholarship naman na binibigay ang mga nasa itaas" saad ko,umaasang baka lang naman makapag aral pa ulit ito.

" Hindi na mas okay na ito dahil nag aaral pa din ang kapatid ko kahit siya nalang yung makapagtapos" tipid nitong saad.

" Pasensya na at nagtanong pa ako" nahihiya kung turan.

" Ano ka ba okay lang" buti nalang mabait ang isang ito kaya napanatag naman ako.

Bandang hapon ng maisipan kung mauna na kasama ng iba pa dahil ang iba rin sakanila ay may gagawin pa.

Naglalakad kami para makauwi dahil hindi pwede ang mga sasakyang naruon dahil wala silang gagamitin pag natapos na sila sa pagpapatubig.

Matatayog na puno at sagana sa bunga ang makikita,ang kalsada at sementado kaya ang iba ay nagbibilad ng palay upang may makain, ang mga bata naman ay naghahabulan o di kaya ay naglalaro ng tumbang preso.

Nagulat ako ng may dumaang isang mabilis na sasakyan muntik na akong masagi buti nalang nahila ako ng mga kasamahan ko kung hindi nasa hospital na sana ako ngayon.

" aurel ayos ka lang ba"

" Ah oo okay lang ako salamat" muntik na iyon.

" Ano ba kasing iniisip mo at muntik ka nang masagi" alalang tanong ng isa.

" Wala tungkol lang sa assignment ko na ipapasa sa lunes hindi ko pa pala nagawa" pagsisinungaling ko dahil hindi ko rin alam kung bakit ang lalim ng iniisip ko.

Dahil rin ba... Halos isang linggo ko ng hindi ito nakikita o sadyang pagod lang talaga ako.

Pagdating sa bahay nakita kung nagtutupi si nanay ng mga sampay kaya nagmano muna ako bago nagtungo sa taas upang makapag pahinga sandali at makaligo na dahil nanglalagkit na ako kanina pa.

Naliligo na ako ng kumatok si nanay mula sa labas.

" anak tapos kana ba?"

" Hindi pa po nay,may kailangan po ba kayo?" Sigaw ko dahil nasa loob ako ng banyo at baka hindi niya marinig.

" Wala naman anak kaso kanina pa tumutunog yung cellphone mo baka ka ko importante" balik nitong sigaw.

Nataranta naman ako kaya binilisan kung maligo at magbihis.

" nay nasa na po yung cellphone?" Tanong ko pagkalabas ko palang ng banyo...

Pero nakita ko itong wala sa loob kaya sinubukan kung hanapin sa may gilid ng bahay hindi nga ako nagkamali at nandun si nanay may kausap sa cellphone.

" nay" tawag pansin ko dito.

" tapos kana pala pasensya na anak at sinagot kona baka kasi importante talaga" paliwanag ni nanay.

" okay lang po,ano daw po kailangan?" Curios kung tanong.

" Tinatanong kung kilala daw ba kita at kung nasan ka,sinabi ko naman oo at kasama kita"

Bago pa ako makasagot tumunog ulit ito kaya agad ibinigay ni nanay ang cellphone at sinagot ko ito.

" Hello sino po sila?" Mahina kung tanong pero sa totoo lang sobra akong kinakabahan.

" Aurel Messi Gabbana?" Nanlamig ako ng dahil dun.

" opo ako nga po sino po sila?" Kahit nanginginig nakaya ko paring buoin ang boses ko.

" Atty.Zanus your childhood friend" Hindi ko na napigilan ang kanina pang panginginig at napaluha nalang.

Si Zanus ba talaga to...nahanap niya ako pero bakit?...para saan...tungkol ba ito sa nangyaring aksidente.

" Zanus" Wala akong masabi,halo halo tuwa, lungkot at sakit ang naramdaman ko ngayon nanumbalik ang lahat.

"Yes Aurel Messi ako nga it's been a long time and I miss you "

Lost in San Vesta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon