Chapter 30
I found myself watching my family and friends from afar they look happy while me nangugulila parin, isa isa ko silang tiningnan kung paano yung hugis ng ngiti nila pati narin kung ano nga ba yung itsura ng mga mukha nila, may nagtulak sa'king gawin iyon.
Lumapit ako at nakisama ayoko namang isipin nila na nawawalan na ako ng oras sakanila.
The perfect way to forget that person,make yourself busy but that doesn't mean na kakalimutan muna talaga siya.
" I'm sorry nay"
" para saan?"
" Kasi nasigawan ko po kayo ni tatay"
" alam mo nak naiintindihan kita kasi nagmahal din ako kagaya mo,yung akin nga lang kasama ko pa kaya wag kang mawalan ng pag asa kasi kung nasaan man siya parati ka niyang binabantayan"
" Salamat nay,mahal na mahal ko po kayo"
" Mahal ka din namin anak"
Hawak ko yung kwentas habang nakatitig sa kalawakan pareho ko itong suot dahil sa natatakot akong mawala ito, yun nalang ang meron ako para maalala siya.
Nang gabing yun umalis ako ng walang paalam dahil gusto kung puntahan si Lutton.
" yung pupuntang manila dalian niyo na aalis na tayo!"
Lumapit ako sa isang matandang lalaki at nagtanong.
" excuse me po ito po ba yung bus papuntang manila?"
" Oo ija kung sasakay ka ay dalian muna paalis na ito" Sumakay ako at naupo sa bandang hulian.
Ilang minuto pa umandar na ito at binaybay namin ang daan papuntang manila.Kinakabahan na ewan dahil unang una ito palang ang unang pagkakataon na magbyahe akong mag isa mula San Vesta hanggang manila.
" hi ate pwede po bang makitabi?"
" Ah sige" Umayos ako ng upo dahil may lumapit saaking babae na sa tansya ko ay nasa edad bente mas matanda ako ng ilang taon.Umurong ako sa tabi ng bintana habang katabi ko naman ito.
" Thank you "
Tumango lang ako pero wala pa kami sa kalahati ng byahe ng biglang sumigaw ang isang pasahero.
" mababangga tayo!!!" Unang pumasok sa utak ko baka ito na yung makakasama kona siya,magkakasama na kami ni Lutton.
Isang malakas na tunog ang maririnig ng sumalpok ang pampasaherong bus na yun. Sa sobrang sakit ng katawan pumikit nalang ako at dahan dahan ng lumabo pa ang aking mata.
Sa kabilang banda kanina pa aligaga ang mga taong naiwan ni Aurel,habang kumukuha ng tubig si Aling Imee bigla nitong nabitawan ang hawak na babasaging baso sa narinig.
Breaking news!!!
Isang pampasaherong bus ang bumangga at nakatagilid ngayon sa may boundary ng San Dentra at San Rondoin,Ayon sa mga nakakita ng pangyayari medyo mabilis ang takbo ng bus kaya hindi nito naiwasan ang paparating na dumb truck. Mabuti na lamang at wala nasawi pero ang iba ay nasa ICU dahil nasa critical na lagay kasama ang babaeng nagngangalang Aurel Messi Gabbana
"Jusko si Aurel yan doming puntahan natin yung anak natin"
" huminahon ka Imee magiging okay lang si Aurel"
Hindi magkandamayaw ang lahat at dali daling nagtungo sa nasabing ospital pero aabutin pa sila ng 1 at kalahating oras bago makapunta sa lugar na iyon.
Dumating sila sa lugar na iyon at madaming pamilya rin ang naghihintay tungkol sa kalagayan ng kanilang mahal sa buhay.
" Aurel...asan yung babaeng binalita sa tv nanay niya ako nasaan siya?"
" huminahon muna kayo ginang okay lang ang anak niyo si Dr. Daem nalang po magpapaliwanag ng lagay niya" lumapit ang isang doctor at ipinaliwanag ang totoong lagay ni Aurel.
" Lilinawin kona po ng maaga, ang pasyente ay kasalukuyang nasa ICU at patuloy na binabantayan dahil sa lakas ng pagsalpok ng bus nabagok ang kanyang ulo pero wala naman pong malalang nangyari,hintayin nalang natin siyang magising and let us all wait for 24 hours kung magigising ba ito kung hindi I will declared that she was in comatose state"
" Anong ibig mong sabihin mabubulag yung kaibigan ko?!" Asik ni Claster at amba nito hihilain ang doctor ng mahinahon siyang pigilan ni Zanus.
" huminahon ka Claster, kailangan naming maging mahinahon dahil hindi magugustuhan ni Aurel kung parepareho nating pinauna ang init ng ulo"
" Tama siya kailangan naming magkaisa ngayon dahil ito yung oras na mas kailangan talaga niya tayo"
Nang masiguradong okay na inilipat siya sa isang kwarto kung saan ilan silang naruon, ngunit hindi pumayag ang mag inang Zanus kaya inilipat din nila ito sa pribadong kwarto.
" wala kaming ibabayad kaya dito nalang siya" pakiusap ng kanyang ama.
" sagot namin ang lahat Mang Doming kaya wala dapat kayong ipag alala"
" Salamat hulog kayo ng langit saamin"
" basta para kay Aurel lahat gagawin namin" sabay sabay silang lumingon kung saan ito nakaratay.
Halos magdadalawang araw na siyang tulog pero hindi pa siya nagigising mukhang pagod na pagod ito kaya sinulit yung pag tulog o baka naman magkasama sila ngayon, sana naman wag siyang sumama kasi hindi pa pwede madami pang naghihintay sa pagbabalik niya.
" Aurel gumising kana nandito na si kuya" sinubukang kausapin ni Claster ang walang malay na si Aurel umaasa na makinig nito ang kanyang boses at bigla nalang gumising.
" I know wala ako nung mas kailangan mo talaga ako pero andito na ako ngayon, natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo nung una kitang nakilala? Diba sabi ko nun I don't want to be your friend, hindi ibig sabihin nun gusto kita...okay aaminin ko gusto kita pero mas matimbang yung pagiging kuya ko sayo kasi sa wakas naranasan ko ring magkaroon ng babaeng kapatid " hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ni Aurel at lumapit para halikan ito sa nuo.
" aurel gumising kana maghihintay si kuya sa pagbabalik mo pero wag namang matagal kasi masasaktan sila nanay imee at tatay doming, miss ka narin pala nung dalawa lalo na si Renee umiiyak yun pero patago nga lang"
May tumapik sa balikat nito at nagpatigil sa pagsasalita nito.
" So gusto mo si Aurel"
" Hindi na mahalaga yun dahil mas gusto kung gumising nalang ito"
" Bakit hindi po sinabi sakanya,pwede mo namang kunin yung attention niya para hindi siya nasasaktan ngayon kay Lutton "
" Hindi ako kagaya ng iba,mas gusto kung pareho naming mahal ang isa't isa kaysa pilitin ko siya sa ayaw niya, kung talaga mahal mo yung taong yun kaya mong magpaubaya para lang sa ikakasaya niya pero pag nakikita mo namang may mali na imbes na tumakbo ka palayo ng parang aso lakasan mo yung loob mo at ipagsigawan mo sakanya na yung babaeng sinaktan niya hindi dapat sinasaktan kasi sila yung talaga iniigatan"
Natulala lang ito sa sinabing iyon ni Claster.Pero mas lalo lang siyang natuwa dahil mas pinili nito ang kanilang pagkakaibigan kaysa sa kung ano ba talaga yung nararamdaman niya.
Kasi.....may mga taong pangkaibigan lang at meron din namang pagrelasyon lang din wag mong subukang pagsabayin yan kasi siguradong parehong mawawala yan kaya always set the boundaries para hindi ito tuluyang mawala sayo.
BINABASA MO ANG
Lost in San Vesta
RomantizmDahil sa aksidenteng kinasangkutan ni Aurel mapapadpad siya sa isang lugar malayo sa kanyang kinalakihan. Sa paglipas ng panahon pilit parin siyang umaasa na makakamit ang hustisyang kanyang kinakamtan.