Chapter 22

12 3 0
                                    

Chapter 22

Mag isa akong nagbibihis sa may banyo malapit sa gym dahil may laro kami ngayon kasama ng ibang section. I don't know... matutuwa ba ako o hindi dahil pati ang section nila lutton kasama namin,gusto ko munang magpalamig ng ulo dahil baka ano pang masabi ko sakanya.Ako yung taong pag galit,naiinis at nasasaktan mas pinipili ko nalang manahimik kaysa makapagsalita pa ng masasakit,okay ng ako na yung masaktan wag lang madamay yung ibang tao.

Dumaan ako sa harap niya mismo pero ni isang tingin at hi wala man lang akong narinig. Ano to one sided love nalang meron kami? Ako nalang yung kumakapit samantalang siya may iba na.

Gusto ko siyang sigawan bakit? May nagawa ba akong mali?, naoffend ko ba siya?

Wala akong matandaan eh...

Nag umpisa ang laro na wala ako sa mood.Pinipilit ako ng iba na mauna pero inayawan ko lang.

" mamaya nalang"

" sabi mo yan tayo yung first six pagkatapos ng boys" paalala ng vice president namin.

" sige papasok ako" saad ko dahil kasama rin sa susunod na team ang babaeng kasama ni Lutton.

Timeout game ng makita ko kung paano punasan at bigyan ng tubig si Lutton...ako dapat yun eh hindi ang kung sino sinong babae lang.

Tangina mo Lutton dahil nasasaktan na naman ako saad ko sa isip ko.

" student mag prepare na yung susunod na team" nakita ko kung pano ito tumingin saakin pero umiwas rin at patuloy na nakipag usap sa babaeng yun.

Nauna akong pumasok ng court at nagready,kita ko sa jersey na suot nito ang apelyido ni Lutton.Magkaano ano sila?

" hoy sino tinitigan mo?" Saad ng isa kung teammate.

" Ah si Delavaèn yan"

" magkaano ano sila ni Medocino?"

" ewan pero parang may something ata sila" nagulat ito ng hampasin ng isa ko pang kaklase.

" gaga boyfriend yan ni Aurel" boyfriend ko nga iba naman kasama.

" Sorry hindi ko alam"

" no it's okay,magready na tayo" aya ko pero yung puso ko parang sasabog sa selos.

Pumasok narin sila sa Court at nagready,Volleyball ngayon ang laro kaya hindi ko hahayaang pati dito matalo ako.

" mine" saad ko at tinira ko ito ng malakas kaya hindi nila nahabol.

9 vs 3 ang labanan mas lamang kami.Umabot ng round to kami parin ang nanalo.

Ilang minuto nalang ang natitira at lamang nalang kami ng isang puntos kaya gagalingan ko.Nakita kung siya ang titira ng bola kaya hinarang ko pero lumusot ito at tumama sa mukha ko kaya napasalampak ako sa sahig, imbes na ako ang unang puntahan ni Lutton mas inuna nito ang Delavaèn nayun.Kamay nga lang nasaktan sakanya samantalang ako mukha.

" lutton " tawag ko sakanya umaasang binitawan nito ang kamay niya at tumakbo papunta saakin na parang walang nangyari pero binuhat niya ito at tumakbo papuntang clinic.

Naiwan ako luhaan,akala ko sipon lang yung tumutulo dahil sa pag iyak pero pagkakita ko dugo pala.

" tara na dalhin ka na namin sa clinic" kakarating lang na saad ni Claster pero iwinaksi ko ang mga kamay nito at umalis sa lugar na iyon.

Pero sumunod pala ito at hinila ako payakap sakanya.

" Claster ang sakit palang magmahal lalo na at nakita mong mukhang masaya na siya sa iba" pagsusumbong ko sakanya.

" shh hindi ka worth it paiyakan alam mo kung bakit kasi kamahal mahal ka,kung sobra na bumitaw ka diba sabi ko wag mong ipilit kung inayawan kana hayaan mo silang maghabol sayo"

" pero mahal ko talaga siya,isang sorry okay na tatanggapin ko siya"

" Tahan na nandito na si kuya,hindi niya hahayaan masaktan ka" sabay halik nito sa nuo ko.

Dinala niya ako sa clinic nagpumilit pa akong wag nalang dun pero hindi siya nakinig saakin.

" maupo ka dyan at gagamotin natin ang sugat mo" naupo ako at hinintay siyang lumapit habang hawak hawak ang medicine box.

" ako na kaya ko na" pero inilayo nito ang hawak na bolak.

" Wag ng matigas ang ulo"

Tinitigan ko siya ng matagal ingat na ingat pa ito habang ginagamot ang ilong ko.Hindi lang kaibigan ang turing ko sakanya kundi pati kuya narin dahil sa tuwing kailangan ko ng tulong andyan siya agad,kaya niyang makipagsapakan para lang maipagtanggol ako.Bakit hindi nalang siya yung mahalin ko? Kasi para saakin kung kaibigan,kailangan lang ayokong masira yun dahil lang sa nabago yung status niyong dalawa.

" Wag na sanang makarating kay nanay yung nangyari" pakiusap ko sakanya.

" sigurado kaba? Pwede naman nating sabihin na kasalanan ko sigurado makikita nila yang nasa ilong mo" Tama rin naman siya pero ako na ang bahalang mag isip ng idadahilan.

Umalis ito saglit para kunin ang mga naiwan kung gamit sa gym.Pero sumama nalang sana ako dahil mula sa isang pinto lumabas dun sina Lutton at Delavaèn, una kung napansin ang kamay nitong nakabalot, mukhang napilay pa.Todo alalay ang hinayupak samantalang hindi mabigyan ng oras ang sariling girlfriend.

Umiwas ako at dahan dahang tinaas ang kumot hanggang umabot sa mukha ko,muli naiiyak na naman ako pero nakaya kung pigilan dahil baka marinig nila ang paghikbi ko.

" bumalik nalang kayo dito pag sumakit ulit yan or much better sa hospital na mismo" paalala ng nurse.

Narinig ko ang pagsara ng pinto at siya namang lapit ng nurse saakin.

" okay ka lang miss may kailangan ka ba?" Ibinaba ko hanggang sa may ilong ang kumot.

" okay na po nagamot na po ng kaibigan ko,pero pwede po bang magpahinga ng kahit sandali lang dito"

" sure kung may kailangan ka tawagin mo lang ako dun" sabay turo sa pintuang nilabasan nila kanina.Bago bumalik dun may pinapirmahan muna ito bago ako iwang mag isa.

Nang bumalik si Claster inaya na ako nitong umuwi dahil naexcuse na naman niya daw ako sa lahat ng klase.Hawak niya ang bag at balikat ko habang naglalakad para masigurado niyang hindi ako matumba dahil medyo nahihilo pa ako.

Nasa may hallway na kami ng main gate na tawagin ako ng taong gustong gusto kung makausap.

" aurel"

" Bakit lutton" kahit gusto kung pasayahin yung boses ko hindi ko nagawa dahil bigla itong nanginginig.

Pinunasan ko ang tumakas na luha at ibinigay ang bracelet na matagal ko ng gustong ibigay sakanya.Tinanggap naman niya ito pero.

" I want you to....."

Lost in San Vesta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon