Chapter 7

32 7 0
                                    

Chapter 7

Before the day end hindi ko inaasahan na hindi pa pala dun matatapos ang araw ko,I was cleaning and fixing the table and chair outside our house when someone call me from afar.

"Aurel Messi!!!" patakbong nagtungo saakin sina Esther,mga kaibigan rin naming ni Renee kaso bihira lang ang mga itong umuwi ditto dahil sa kabilang syudad nag-aaral ang mga ito.

"oh bat mukhang nagmamadali kayo anong meron"

"wala naman kaso aayain ka sana namin,dating gawin sa may centro,bonfire ulit" singit ni Claster.

Nakita ko naman ang mga di ko pa tapos ayusin,nangdadalawang isip kung sasama ba at ipagpapabukas nalang ang mga ito or tataposin ko muna bago sumama or susunod nalang sakanila.

Kaso bihira lang kaming magkakasama ng mga ito,anong gagawin ko nalilito ako kainis.

"pero di ko pa tapos ayusin ang mga mesa at upuan malalagot ako kay tatay kung sakali" nag-aalala kung tugon.

Napangiti ako dahil sa tinuran ni Renee "ano pa't nandito kaming lahat syempre alam na naming may ginagawa kapa kaya tara na at tapusin ito dahil malapit ng mag umpisa yun"

"bilisan niyo naman guys" paguutos ni Claster

"wow nahiya naman ako sayong lalaki ka,bakit tumutulong kaba" asik ni Renee

"hindi na kailangan dahil ang tulad kung gwapo hindi dapat inuutosan lang"

Muntik na akong maubo sa sinabi niyang yun saktong umiinom ako ng tubig,nakapa hangin talaga nitong Claster na to mana sa kuya niyang feeling gwapo din..

Pero gwapo naman talaga siya,sadyang nasobrahan lang sa kahanginan.

"tapusin na natin to dali" pag aawat ko dahil baka sa iba pa ito mapunta at hindi na kami matuloy kung sakali.

Agad din naman silang sumunod kaya natapos kami sa eksaktong oras kaya nagbibihis ako ngayon sa kwarto para makaalis na kami.

Nakasuot ako ng white off shoulder na abot hanggang talampakan at may slit sa gilid,pinaresan ko rin ito ng isang simpleng sandals na may ribbon na maliit,hindi ko na inayos pa ang aking buhok dahil may pagkanatural na kulot ito sa dulo...

Kagaya ko ganun rin ang suot ni renee at esther kaso naiba lang ang kulay,kay renee itim na bulaklakin samantalang kay esther pink na may mga lining.

Pagdating namin sa centro kukunti palang ang mga tao at halos paalis palang ang iba, naglakad kami kung saan gaganapin ang taonang bonfire ng San Vista.

" madami kaya ang dadalo ngayon?" Usisa ni Esther na tila excited.

" sigurado dahil kaninang umaga palang madami ng tao at hindi nila palalagpasin na hindi makadalo man lang dito" malumanay na saad ni Renee.

Himala at hindi ito mukhang palengkera magsalita ngayon..

Madami dami naring mga kagaya namin ang naruon at nakapalibot na sa bonfire, ngunit parang nakakatakot lumapit dahil sa taas ng apoy pero okay lang rin naman dahil mamaya sigurado gagawin na naman namin ang paper ash.

Isa itong nakagawian ng mga taong dumadalo rito,magsusulat sa isang papel ng mga kahilingan na gustong matupad at sabay sabay itong ihuhulog sa nag aapoy na mga kahoy at sasama sa usok ang mga hiling mo.

" tara dito tayo maupo para malapit sa kuhaan ng mga papel para mamaya" aya ko sa mga ito dahil hassle kung lalayo pa kami at baka mawalan pa ng upuan kung sakali.

" sige tara" pagsasang ayon ni Claster na halos bihirang magsalita ngayon kumpara kanina ng nasa bahay pa kami mukhang may nangyaring hindi maganda or may tupak lang ito.

Kinalabit ako ni renee " Ano ilalagay mo sa papel"

Napaisip ako ano nga ba...parang pare pareho lang naman ang hiling ko magmula ng mapadpad ako dito.

Biglang pumasok sa utak ko ang mga alalang magkasama kami ni Lutton.

Hala erase...erase bat ko naman iisipin ang taong yun.

" Hindi ko pa alam bahala na mamaya ikaw ba" tanong ko dito kahit may ideya na ako kung ano yun.

" madami isa na dun yung mapansin ni crush kaso napaka manhid niya"

" gaga hindi ka talaga papansinin nun,sino ba namang matutuwa na halos araw araw hinahabol ng mukhang dwendeng baboy" natawa naman ako sa sinabing iyon ni Uno.

" napaka mo talaga porket hindi ikaw yung crush ko!! Ingit kalang hinayupak ka" naiinis na tugon no Renee.

Nakangisi si Claster ng bumawi ito kay Rew" yuck ako inggit asa ka"

" Guys tama nayan,ano ba kayo hindi lang tayo ang narito" paglingon ko halos lahat sila nakalingon sa may gawi namin kaya humingi ako ng paumanhin " pasensya na po sa mga kaibigan ko"

Bumalik din naman ang lahat sa kanya kanya nilang gawain,Hindi nagtagal nag umpisa narin ang program.

" good evening everyone,thank you sa mga dumalo sa taong ito hindi gaya dati may mga nabago sa program namin but guys don't worry hindi mawawala ang hinihintay niyong paper ash dahil maya maya lang uumpisahan na natin" sigaw ng isang babae na nasa mid 20's or 30's na ito.

May lumapit saamin para magbigay ng mga inomin,pero mas pinili kung juice nalang dahil ayoko pang malasing,dito pala gagamitin ang mga pinabili ni mayor kay tatay.

" truth or dare" tanong ng isang lalaki sa kapwa naman nito lalaki.

" dare syempre" agap nito, mukhang ihuhuli ata ang paper ash dahil truth or dare ang unang nakalagay sa program.

Siguro way nila ito para magkakakilanlan ang mga kalahok sa programang ito.

" sige ito gagawin, nakikita mo yung babaeng iyon" sabay turo niya sa may tabing dagat,kahit gabi na may mga naliligo parin. " sabihin mong bakla ka at sayawan mo pero bago ka bumalik dito halikan mo muna bahala ka kung saan mo gusto haha"

Nagsigawan naman ang lahat, parang gusto ko ng umuwi nakakatakot mga dare nila mag trutruth nalang ata ako.

Natapos na sila Esther,Claster at Renee ako nalang ang hindi pa mas lalo tuloy akong kinabahan lalo na at nandito rin pala si Lutton.

" truth or dare" nagulat ako sa tanong na iyon hindi ko inaasahan na tatapat saakin iyon at saktong si lutton pa ang magtatanong.

" truth" mabilis kung saad dahil baka ano pang ipagawa nito saakin pag dare ang pinili ko.

" okay....what if liligawan kita may pag asa ba ako?" natigilan ako sa sinabi niyang iyon.

Ano daw ako liligawan niyan....

"Seryoso ka ba sa tanong mo?" Pag lilinaw ko.

" what if lang naman common sumasagot kana baka matagalan pa tayo rito" nakangiti nitong saad.

Ouch...Akala ko seryoso na iyon.

" depende kung may feelings ba ako sayo,ayoko rin namang magsalita ng tapos" paliwanag ko pero may kaunting bahid ng lungkot.

Matapos iyon madami ring sumunod saakin lalo na si Lutton pero saktong pagkatapos nitong sumagot saka lang ako nakabalik galing ng banyo.

" Okay so to complete our night and before the paper ash let's start muna ang Midnight Dance, don't worry makakasayaw niyo lahat ng natitipuhan niyo pero exact 12:00 am  sabay sabay tayong magsusulat at susunongin ang mga ito" pagkatapos nitong magsalita bumalik din ito sa kanyang pwesto at nagsimulang tumugtog ang mahinang musika hanggang sa lumakas ito.

" aurel dun muna kami" paalam ng mga ito dahil inaya silang sumayaw ng kanilang mga kakilala.

Samantalang ako naiwang mag isa sa may gilid ng may kumalabit saakin "pwede ba kitang maisayaw"

Lost in San Vesta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon