Chapter 11

20 6 0
                                    

Chapter 11

Pareho lang kami nakatitig sa karagatan. Dinadama ang simoy ng hangin na dumadapo sa mukha namin.

Nang mapansing wala talagang gustong magsalita nilabas ko ang cellphone mula sa bulsa ng aking short at nagpatugtog.

I see the good in other people

Why can't I see it in myself

Bakit nga ba hindi ko makita? Samantalang sa iba kitang kita ko kung gaano sila kakuntento sa buhay.

Pinilit ko namang maging kuntento...

Pero may mga oras talaga hindi ko mapigilan.

Someone taught me I was evil

I've been unlearning it like hell

Wala namang nagsabing kasalanan ko,pero anxiety always hunt me.

Kung hindi kaya natuloy yun mapapadpad kaya ako sa San Vesta.

Maipagpapatuloy ko pa kaya ang pagkuha ng architecture para matupad yung pangarap ko?, hindi gaya ngayon na isang business student.

Nakita kung malalim parin ang pag iisip ni Lutton . May problema rin kaya ito?

Who am I?

I'm just tryna find my way

In the sky

I find healing from the pain

Don't get me wrong guys, hindi ko sinubukang kitilin ang buhay ko dahil lang sa mga pinagdaanan ko.

Hindi naman kasi sagot yun para mawala lahat ng sakit, andyan si god to protect and heal the pain.

Bakit pag pinatay mo ba ang sarili mo magbabago ang lahat? Hindi mas pinalala mo lang at nagkaroon ka pa ng kasalanan sa panginoon.

Don't know when

The storm clouds will roll away

Until then

I'm just dancing in the rain

Unti unting namuo ang isang matamis na ngiti mula sa aking labi, pagkatapos palang ng sakonang nasangkutan ko sa iisang lugar lang pala ako mapapadpad.

Sa tabi mo... habang unti unti tayong nilalayo sa napakaraming tao.

Yung may ikaw at ako lang sa lugar na iyon.

" aurel " napakalamig ngunit hina ng boses nito sa siyang nagbigay ng voltavoltaheng kuryente sa katawan ko.

" hmm " mahina kung himig

" do you believe in ghost or imaginary people?"

Napalingon ako sa kanya, bakit naman niya natanong iyon don't tell me takot ito sa mga yun.

" Hindi bakit mo naman natanong?" Weird ha napaka out of nowhere naman yung tanong niya, nasa tabing dagat kaya kami tas ganun yung naisip niyang itanong.

Hindi ba pwedeng Aurel gusto kita, yung mga ganung banatan.

Gosh ang landi naman nun.

" nothing tinatanong ko lang kasi baka mamaya bigla kung sabihin na may kasama pala tayong multo at magtatakbo ka para yumakap saakin haha " parang nag slow motion yung paligid dahil sakanya lang ako nakatitig habang tumatawa ito.

" Baliw baka gusto mo lang makachansing " pag iinis ko rito.

" bakit ko kailangang gawin yun, ang weak naman kung yun lang, dapat halik agad" napanganga ako ng dahil dun

Aba loko to ah...

" Alam mo napaka straight forward mo pwede naman ah ewan" umiwas ako pero hinila nito ang mukha ko at tinitigan.

" bakit pa ako magpapaligoy kung talaga gusto ko naman diba?" Nakatitig parin ito saakin.

" Tama ka naman pero alam mo yung salitang nakakagulat yun yung gusto ko pang sabihin sayo" Napairap ako habang sinasabi iyon.

Like duh pano nalang kung may sakit sa puso yung pinagsasabihan niya or hinalikan niya edi patay agad.

Wala tuloy silang happy ending...

Nagtampisaw ako sa may tabing dagat dahil naaakit akong maligo pero maggagabi na baka pag nakauwi ako mapagalitan pa ako.

" Lutton ano ba!!?" Sigaw ko dahil sinasabuyan ako nito ng tubig gamit ang kanyang kamay.

" Haha maligo ka kasi ang bago muna" pangaasar nito.

" hoy! Hindi ako mabaho ang bangon ko kaya" sabay amoy sa sarili.

Wala naman ah amoy sabon pa nga ako.

Iniwan ko siya ruon at nahiga sa buhanginan.

" Alam mo ba nung una kitang makilala akala ko ang yabang yabang mo" saad ko sakanya habang naglalakad ito patungo sa tabihan ko.

" continue" paglingon ko nakahiga narin ito at ginawang una ang isa nitong braso.

" tas babaero pero yun para hindi chick magnet, gay magnet pala haha" Hindi parin ito lumingon saakin.

" Bakit ka bumalik dito sa San Vesta sigurado namang masaya na yung buhay mo sa ibang bansa" tuluyan na akong humarap sa gawi nito para makita ang kanyang reaction.

" don't know,my dad want me to graduate here kasi dito daw siya nagtapos kaya gusto niya dito rin ako tanging si mom lang ang may gustong sa ibang bansa ako kasi malaki daw opportunity pag andun ako" ang swerte pala niya kung ganun.

" Hindi mo ba sinubukang tumutol?" Curios ako kung ginusto niya ba talagang andito.

" at first oo sinubukan ko, pero nung dumating ako rito nagbago yung isip ko"

" Bakit dahil ba maganda dito?"

"Hindi dahil sa lugar kung hindi sino"

Hala mukhang may gusto itong iba,kaya nagbago yung mood ko.

" talaga sino pakilala ko saakin baka kilala ko matulongan pa kita" pilit kung pinasigla yung boses ko.

" Hindi  na kilala mo naman na siya"

" seryoso? pakilala muna kasi kahit yung name lang" pamimilit ko baka sakaling matakot ko ang lumayo nalang siya.

" gusto mo ba talagang malaman" seryoso nitong tanong.

Napatango ako bilang sagot kaya bumuntong hininga muna ito bago sumagot.

" walang sisihan pagsinabi ko na" grabe bat kinakabahan ako name lang naman eh " aurel "

" huh bat mo ako tinawag sige na sabihin muna" napakagaling namang nilalang ito imbes na sabihin na agad tinawag pa yung pangalan ko.

" putek ang slow mo naman sinabi kona yung pangalan" natawa ako dahil dun,wala pa kaya siyang sinabing pangalan.

Wait sabi niya meron na....Aurel diba ako yun?

Ako yung dahilan kung bakit nagbago isip niya?, kung bakit ayaw niya ng umalis dito.

"  A-ako? Nagbibiro kalang ata" lord wag namang ganito aasa na talaga ako.

" Oo ikaw nga" naupo na ito kaya naupo rin ako upang makita talaga yung mukha niyang namumula lalo na yung tenga niya.

Akala ko yun lang meron pa pala...

" I love you alam kung napakadali pero I can't control my heart, every time na nandyan ka bigla bigla nalang ako natutulala, believe it or not Aurel I'm serious fucking serious "

" I don't know what to say Lutton, pero ewan every time your around sobrang bilis din ng tibok ng puso ko, I don't want to assume pero I think nagugustuhan narin kita"

Alam kung magkaiba kami ng pananaw siya mahal ako,samantalang ako gusto palang ayoko lang kasing madaliin ang lahat dahil una hindi pa namin lubusang kilala ang isa't isa.

" no worries pwede naman nating unti untiin ang lahat lalo na at hindi kapa sigurado"

Lost in San Vesta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon