Chapter 17

12 3 0
                                    

Chapter 17

Kakarating lang namin pero halos dumugin ako ng mga kapitbahay dahil sa dami ng dala ko . Ang iba hindi mapigilang pagsalitaan ako ng masama.

" baka may kalantaring lalaki sa manila kaya madaming dala"

" Hindi baka dancer talaga sa club kaya mukhang ang gaan ng buhay nila"

" Tama ka dyan mari,baka nga may anak na yan pinalaglag lang niya" napaligon ako sakanila.

Sobra naman na pati ba naman dala ko gagawan ng issue, kunting galaw issue,may mga bagong dala lang issue agad hindi ba sila nagsasawang pag usapan kami.

" mawalang galang na po pero hindi po ako ganung babae kung ano man ang iniisip niyo saakin" umirap lang ang mga ito.

" Anong hindi tignan mo nga baka nga anak ng lalaki mo yang kasama mo" akusa ng isa.

" nagsisikap po akong matulungan ang magulang ko at kaibigan ko po iyong lalaki na iyon,baka gusto niyo pong tumira sa kulungan" pananakot ko,anong akala nila papatalo ako aba ano siya swerte.

" Wag mo kaming matakot takot dahil wala kaming pake"

" hoy aling pasing baka hindi mo alam attorney yung kaibigan nitong si Aurel" nagsiakyatan naman ang mga dugo nila sa mukha at aligaga hindi alam kung saan pupunta.

" bakit hindi niyo nalang po isipin yung mga anak niyo? Saakin niyo pa po sinasabi na may lalaki samantalang yang anak niyo kahit sino sino ng nakalabit, wag mo kayong magalit pero totoo po yung sinasabi ko paalala lang baka maaga kayong maging lola niyan" sabay talikod sa mga ito.

" Ano yun nak?" Usisa ni tatay.

" wala po nangangamusta lang,alam niyo naman na maganda kasi yung anak niyo" pagmamalaki ko.

" ang dami mong alam anak oh siya ayusin na natin mga dala mo at para makapag pahinga ka narin" dali dali kaming pumasok at binaliwa ang mga chismosang kapitbahay.

Inilapag ko ang dalang maliit na maleta na hiniram ko pa kay Claster dahil ni matinong bag wala ako nakakahiya naman kung iyon ang dalhin ko sa manila,punong puno pa naman ng tinta ng ballpen.

Pagkalapag ko palang ng ibang gamit agad agad dinambahan ni Renee ang mga damit na binigay ni Joyce.

" renee akin na ito please" pagmamakaawa nito.

Umiling ako bilang sagot dahil baka hanapin saakin yan ni Joyce pag nagpunta sila dito.

" Nga pala nay,para sayo yan" abot ko ng dalawang pares ng damit na galing sa isang sikat na boutique sa manila.

" tas ito naman ang sayo tay para gwapo pag nagdate kayo ni nanay" inabot ko rin ang hawak hawak kung polo shirt.

" naku anak saan ka kumuha ng pambili ng mga ito ang mamahal kaya nito" ibabalik na sana ni tatay pero hindi ko tinanggap.

" bigay po yan ng girlfriend ni Zanus"

" Zanus...nasan na ang batang yun kanina lang andito yun ah" naka busangot na saad ni Renee.

" muntik ko ng makalimutan umalis na po siya nagmamadali po mukhang may emergency sa manila kaya pinayagan ko ng umalis " tango lang ang natanggap ko sa mga ito.

Nagpatuloy kami sa pagkalabas ng mga dinala kung gamit sa manila ng makita ko sa gilid ang binake naming cookies at cake ni tita.

" kain muna po tayo" tinaas ko ang mga iyon at nagtungo sa kusina.

Kumuha naman si Renee ng mga platito at tinidor upang maiayos sa mesa.

Sarap na sarap ang mga ito habang kumakain,humirit pa nga si Renee na mag uuwi raw ito para may makain dahil hindi na naman daw ito pinakain sakanila.Pano naman kasi napaka gala ng kaibigang ko ito.Gigising ito ng madaling araw tas uuwi para kumain at gabi na maiisipang umuwi, ayan tuloy kulang nalang itakwil na ito ng mga magulang niya.

" Magpahinga kana anak"

" sige po akyat na po ako" paalam ko.

Iniwan ko ang mga itong kumakain pa bago mahiga naglinis muna ako ng katawan at kinuha ang cellphone habang hindi pa ako lubosang makatulog.

Nakatanggap ako ng text galing kay lutton babaliwalain ko na sana kaso parang may sariling utak ang aking kamay.

" what are you doing?"

" wala nakahiga lang matutulog na sana"

" pwede bang mamaya nalang"

" pero...." natigil ako dahil may pahabol pa itong mensahi.

" I miss you" maiksi nitong saad pero sobra yung impact para saakin.

Sumobsob ako sa una at duon nagtitili para hindi nila ako marinig baka sabihin galing lang akong manila nababaliw na.

" miss mo ko? Lahh ni hindi nga kita na miss " reply ko sakanya .

Umabot ng ilang minuto pero wala parin itong reply kaya ihilapag ko nalang sa may maliit na mesa katabi ng higaang ko ang cellphone. Ipipikit ko na sana ang mga mata ng tumunog ito,akala ko text pero tawag pala.

" what did you say?"

" huh anong sinasabi mo dyan?"

" wag mong ibahin ang usapan you said you don't miss me" nagtatampo ang boses nito.

" totoo naman kasi"

Nakarinig ako ng mahinang tikhim bago ito muling magsalita.

" okay magpahingan kana" kita mo to porket hindi lang miss galit agad.

" Hindi mo muna kasi ako pinatapos,hindi kita miss kasi lagi ka namang laman ng puso ko and hindi naman basehan iyon para hindi kita gusto isang araw lang naman akong nawala kaya wag lang mag alala saakin" ang corny ko pero wala eh mahal ko kasi...

Ano mahal? Akala ko ba gusto palang...

" tumingin ka sa bintana mo" pagkarinig ko nito dali dali akong nagtungo sa may bintana.

Mula sa baba kitang kita ko itong kumakaway saakin,buti nalang walang tao sa baba.

" anong ginagawa mo dito? Baka makita ka nila tatay" kinakabahan ako dahil ito rin ang oras kung kailan dumadaan si tatay para magtungo ng palaisdaan .

" visiting you,baba ka bilis" nag ayos muna ako ng buhok bago dahan dahang bumaba.

Sinigurado ko munang walang makakita saakin bago dali daling lumabas.

" tara " nagpatianod lang ako sakanya.

Gaya dati sa may batuhan ulit kami nagpunta.

" umiyak kana? Naguguluhan ako anong ibig niyang sabihin.

" huh? "

" sabi ko iiyak muna yan kung maloloko mo sila pwes ako hindi" nagulat ako paano niya nalaman.

" Haha ayoko tapos na ako dyan pahinga muna ako sa pag iyak,pero alam mo mukha malabo pang manalo kami kasi wala man lang kaming maipakitang ebidensya na kasalanan nila ang lahat ng nangyari nung araw na iyon" sumandal ako sakanya habang nagkwekwento.

" Wag kang mawalan ng pag asa may awa ang diyos Aurel" hinalikan naman nito ang nuo ko.

"Mananalo kayo okay" tumango lang ako sakanya at niyakap ito na parang iyon na ang huli.

Lost in San Vesta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon