Chapter 12
Ako lang naiwan sa bahay ngayon at naglilinis narin dahil punong puno na ng agiw ang buong bahay lalo na sa mga sulok kaya kinuha ko ang walis na nasa may gilid ng gripo,sigurado naiwan na naman ito ni nanay.
Halos matapos ko na ang paglilinis kulang nalang ang pagpapalit ng mga kurtina at paglalaba ng mga ito.
Habang naglilinis sumasayaw ako para mas mapadali ako dahil kung hindi ko iyon gagawin matatagalan lang ako.
" aurel!!!"
" aurel!!! nandyan ka ba?" Nakarinig ako ng sigaw mula sa labas.
Kaya agad agad kung iniwan ang mga gawain at nagtungo sa may pinto, pagbukas ko si mang Arturo na humihingal galing ata ito sa pagtakbo.
" Ano po yun mang Arturo? Wala po si tatay kung siya man po ang iyong sadya dito" magalang kung saad.
" Hindi yan ang ipinunta ko dito" hinihingal parin ito kaya dali dali akong kumuha ng tubig upang makainom ito at masabi ng maayos ang sinadya nila rito.
" Ano po yun mukhang nagmamadali kayo?" Tanong ko ng matapos itong uminom.
" jusko muntik ko ng makalimutan ang nanay mo nasa barangay?" taranta nitong saad.
" Ano po bakit po!!" Aligaga kung saad.
" ito naman kasing nanay mo hindi napigilang awayin yang si Dolores " paliwanag nito kaya kahit nakapangbahay lang tumakbo agad ako dun.
" aurel ineng yung bahay niyo hindi pa nakasara do!" Sigaw nila saakin.
Langya oo nga pala kaya dali dali akong bumalik at siniguradong naka sarado ito.
Pagdating ko ruon pilit inaawat ng mga tanod si nanay at aling Dolores.
" Walanghiya kang babae ka cap ikulong niyo yan napaka tabil ng dila kahit hindi totoo ipinagkakalat" Galit na galit na saad ni nanay.
" Hindi ko ipagkakalat kung hindi totoo!" Singhal din ni aling dolores.
Bago pa ako makapasok bigla nalang may sumingit...isang napaka familiar na boses.
" mawalang galang na po pero hindi niyo ba alam na pwede kayong kasuhan ni aling imee sa ginawa niyo,paninirang puri ito" napaka professional nitong saad.
Lumapit ako kay nanay ng makita ako nito.
" nay ano pong ginagawa niyo dito?" Nag aalala kung saad dahil baka mahigh blood pa ito.
" itong babaeng ito ipinagkakalat na buntis ka daw ni Boyfriend wala ka nga tas ganun pa sasabihin niya kaya hindi ako nakapag timpi sinugod ko" paliwanag ni nanay.
Nakita kung nandun din si Renee na nagtatago sa likod ng isang tanod.Akala siguro ng gaga hindi ko siya makikita.
" hi aurel " kumaway pa ito saakin.
" aurel ?" Tawag pansin ng taong iyon pag lingon ko,hindi nga ako nagkamali si Zanus na nga ito.
" Zanus? Anong ginagawa mo rito?"
" mamaya ko na ipapaliwanag kailangan ko munang tulungan ang nanay mo" nakangiti nitong saad.
Umabot ng halos tatlong pong minuto ang nangyaring usapan, sa huli umamin din si Aling Dolores na hindi totoo ang ipinagkakalat nito at humingi ng tawad dahil kung uulitin pa nito ang nangyari tuluyan na siyang ikukulong ni Cap.
Pagdating sa bahay iginilid ko lahat ng mga ginamit ko at nagbihis dahil nakakahiya kay Zanus kung ganun lang ang suot ko isang sando at lumang cotton short na tinapalan lang sa may pwetan dahil sa butas nito.
" anong ginagawa mo dito at paano mo ako nahanap?" Naguguluhan kung tanong dahil ni Facebook wala ako.
" dahil sakanya" sabay turo kay renee na nakangiti ng malapad.
" huh ano namang ginawa niya" tanong ko.
" nakita ko kasi yung picture mo sa post niya kaya agad kung tinanong ang pangalan mo at saang lugar ito pagkatapos pinaimbestigahan ko kaya nahanap kita" nalinawan naman ako ng dahil dun.
" para saan?"
" muling binuksan ang kaso laban sa capitan at mga kasamahan nito ng kurte dahil may lumabas na testigo" totoo ba ito.
" totoo?" Naluluha kung saad akala ko binasura na ito dahil walang nakapagpatunay na totoong inabandona ng kapitan ang barko habang lumulubog nito para mailigtas man lang nito ang sarili kasama ng iba pang taohan nito.
" Kaya nga ako naparito dahil sa makalawa na ang unang hearing laban sa mga ito" hindi ko maitago ang tuwa ng dahil dun.
" nagsayang kapa ng oras para magtungo dito pwede namang sa tawag nalang" pag aalala ko dahil baka may trabaho pa ito.
" okay lang sinadya rin naman kita rito" talagang napakabait nito saakin mga bata palang kami kahit matanda ito ng limang taon saakin.
" nga pala ano ng trabaho mo ngayon mukhang successful kana" natutuwa ako para rito dahil nakapagtapos na siya at may maayos na buhay.
" attorney na ako at ako ang may hawak ng kaso ng mga victima ng barkong iyon" nagulat ako sa sinabi niya.
" Kaya ba pumunta ka pa talaga rito?"
" Oo at para narin makapag bonding tayo" natawa ako dahil dun.
Lumapit si nanay upang magbigay ng maiinom ni Zanus.
" Haha sige bukas ililibot kita rito,hanggang kailan ka ba dito?"
"Salamat po, siguro hanggang sa susunod na araw pagkatapos nun babalik ulit akong manila pero susunduin naman kita sa susunod na linggo" may pagkakataon pa pala ako upang makapag handa bago makita ang mga taong iyon.
" may matutuluyan kana ba iho?" Tanong ni nanay.
" wala pa po pero baka sa malapit nalang pong resort ako tumuloy" Aba sosyalin na ang kababata kung ito.
" naku wag na dumito kana may bakante pa naman kaming kwarto" alok ni nanay.
" baka nakakahiya po" napakamot nalang ito sa ulo.
" Hindi yan sige na total kababata mo naman itong anak ko diba aurel" hala dinamay pa talaga ako ni nanay.
" Oo nga dito ka nalang para maaga rin kita mailibot bukas" Wala rin itong nagawa kaya sa huli dumito rin siya.
Naglilinis ako ng kwartong tutuluyan niya samantalang lumabas muna si Zanus upang kunin ang mga gamit nito sakanyang sasakyan.
Pagkatapos ko sakto namang bumalik rin ito kaya hinayaan ko muna siyang magpahinga at tumulong nalang ako kay nanay.
" anak kababata mo ba talaga yun? " Usisa ni nanay at ang gagang si Renee nakikinig sa usapan namin.
" opo nay kababata ko po sa manila nung nandun pa po ako"
" pero aurel ang gwapo ng kababata mo pero mas gwapo parin yung crush ko" kinikilig nitong saad.
" Lahh asa ka renee hindi ka mapapansin ng crush mo lukaret ka kasi" pang iinis ko kaya nagwalk out bigla ito.
Pero bumalik din agad " hoy aurel porket maganda ka ginaganyan muna ako, hindi ka rin makahanap ng jowa mo!" Natawa ako sa pagmamaktol nito.
" Ikaw rin!! sabay tayong tatandang dalaga!" Sigaw ko pabalik habang hindi mapigilan ang tuwa,napaka pikon talaga nun.
BINABASA MO ANG
Lost in San Vesta
RomansaDahil sa aksidenteng kinasangkutan ni Aurel mapapadpad siya sa isang lugar malayo sa kanyang kinalakihan. Sa paglipas ng panahon pilit parin siyang umaasa na makakamit ang hustisyang kanyang kinakamtan.