Chapter 5

44 7 0
                                    

Chapter 5

San Vesta isang tahimik at napaka linis na lugar, ang mga tao ay napaka matulungin pero meron parin namang iilan na naiiba sa mga yan,hango ang pangalang ng San Vesta sa isang napakagandang dyosa na si Hestia na kung tawagin ay Vesta.

Panganay na anak nina Cronus at Rhea si Hestia isang napakaganda dilag sa kanilang lugar kaya halos lahat ng lalaki ay humahanga sakanya ngunit ni isa wala sa kanila ang napupusuhan nito.

Isang araw habang naglalakad ito patungo sa secretong batis duon niya nakilala ang isang napakagandang lalaki na si Apollo pero ligid sa kanyang kaalaman isa rin pala ito sa mga humahanga sakanya.

"maganda umaga sayo dyosa ng apoy" magalang nitong saad tila nagpapakitang gilas upang makuha nito atensyon ng dyosa.

"magandang umaga rin sayo ginoo" sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad patungong batis na tanging siya lang ang nakakaalam.

"maaari ba kitang samahan sa iyong puputahan?" tanong nito pero pinagbawalan lang ito ng dyosa.

Pagkarating sa batis agad itong lumusong upang maligo at makapag munimuni,ligid sa kanyang kaalaman sumunod si Apollo upang mapuorin ang dyosa sa kanyang ginagawa. Dahil sa isa itong dyosa kaya nalaman niyang may nanunuod.

"lumabas ka dyan at wag magtago" sigaw niya at duon lumitaw ang kanina pang nanunuod nasi Apollo mula sa naglalakihang bato malapit sa kanyang kinatatayuan.

Pero bago pa ito makasagot bigla nalang may sumulpot na isang malaking ahas at pinana ni Apollo ito bago pa mapahamak si Hestia.

"patawad kung sinundan kita"

"okay lang at salamat dahil kung wala ka baka napahamak na ako ng tuluyan" pagpapasalamat nito

"walang anuman dyosang Hestia" nakangiti nitong saad sabay yuko senyalis ng paggalang sa mga kababaihan ng lugar na iyon.

"pero kung ginawa mo yun para makuha ang aking oo patawad tinatanggihan kita" saad nit okay apollo

Duon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ngunit hindi nagtagal ipinaramdam ni Apollo ang kanyang kagustuhan kay Hestia pero agad itong tumanggi kaya yun ang dahilan kung bakit nakilala ni Apollo si Daphne pero hindi rin nagging maganda ang kinalabasan nito.

Samantalang si Poseidon nagpakita rin ng interest ngunit kagaya ni Apollo tinanggihan rin ito ni Hestia dahil sa panata niyang kalinisang-puri.

"magandang hapon dyosang hestia"

"magandang hapon rin sayo Poseidon"

"maaari ba kitang maanyayahang mamasyal?"

"poseiden pasensya na pero kailangan kitang tanggihan"

"naiintindihan kita maraming salamat sa pagiging makatutuhanan mo dyosang hestia"

Duon nakuha nag pangalan ng bayang San Vesta dahil sa angking ganda at kalinisan nito, pero ayon sa mga matatanda kaya naging matandang dalaga si Hestia o kilala bilang Vesta ay sa kadahilanang nakahanap ng ibang mamahalin ang dalawang lalaking nagpakita ng pagmamahal sakanya, Daphne para kay Apollo at Amphitrite naman kay Poseidon kaya pinanatili nalang nito ang pagiging malinis na babae.

Kakagising ko lang pero agad akong tumulong sa labas upang mag ayos para sa darating na barrio fiesta kanya kanyang gawa ang mga tao pero ang mga bata naman ay kasama ng mga matatanda at ikinukwento ang storya ng buong bayan nakagawian na iyon taon taon kaya lagging excited ang mga bata para duon.

"renee tumolong ka nga ditto" sigaw ko sa kaibigan dahil ayun na naman siya nakikinig sa kwentong yun, maganda naman talaga ang kwento pero mas kailangan naming tumulong dahil kakapusin na kami sa oras dahil paparating na ang mga tourista kinabukasan.

"ang kj mo talaga" simangot nitong saad saakin.

"by the way nasan ang tatay mo kanina pa hinahanap ni tatay" saad ko ng maalala ang habilin ni tatay saakin

"nasa daungan nagkakarga ng mga huling isda bakit daw" tanong nito habang nagdidikit ng mga palamutin sa may tali ng plastic.

"papasama si tatay magtungo sa kabilang barangay para mag angkat ng mga mga alak na pinapabili ni mayor" lumaki naman ang mata nito, yan na nakarinig na siya ng alak

"sosyal naman si mayor may paalak pa talaga" biro nito

"ituloy nalang natin tong mga ginagawa natin baka madatnan tayo ni nanay lagot na" seryoso kung saad baka magawa nung nakaraang taon mas inuna naming magkwentuhan kaysa tumulong ayon hindi kami pinayagang dumalo sa fiesta kaya hindi naming alam nangyari sa taong iyon.

Bumalik ako ng bahay upang tignan ang aking paninda sa darating na fiesta ng makitang sakto na yun agad kung inilabas ng kwarto para maihiwalay ang mga pambabae at panglalaki nadatnan naman ako ni aling Martha kaibigan ni nanay.

"para saan yan aurel iha" tanong nila, muntik ko na nga maibato dahil sa gulat akala ko pa naman mag isa lang ako ditto yun pala hindi.

"nagulat naman po ako sainyo aling Martha" saad ko habang napapakamot sa batok

"ay pasensya na akala ko napansin mo ako para saan yan"

"para po sa fiesta ibebenta ko po para pandagdag sa gastusin sa bahay" paliwanag ko dahil alam kung nahihirapan sila nanay at tatay ngunit hindi lang nila sinasabi saakin.

"ang gaganda nito siguradong mauubos yan" pagpapalakas nito ng loob ko

"sana nga po " magalang kung sagot sakanila

"sige mauna na ako pinakuha lang ng nanay mo itong mga basket nakalimutan niya tumatanda na kasi" napatawa ako sa nagging sagot nila.

"si nanay talaga napakamakalimutin na" saad ko sa sarili.

Kinagabihan hinintay muna naming dumating si tatay bago umuwi sa bahay dahil muli akong bumalik sa pagtulong dahil wala naman akong gagawin sa bahay. 8:00 pm na sila dumating dahil nasiraan pa sila ng sasakyan kaya kinailangang ayusin yun bago sila makabalik sa San Vesta. Sabay sabay kaming naglakad kasama ng ibang kapitbahay naming na tumulong rin sa pag-aayos.

What a tiring but productive day for all of us...

A/N: Pasensya na sa History ng lugar nila nag search ako ng unti and dunogtungan ko nalang base sa nabasa ko online.

Lost in San Vesta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon