Chapter 20
Umagang umaga ay tumutunog ang aking telepono. Akala ko ay alarm pero tawag 'yon ni A. Bago ko sagutin ay nakita ko kung anong oras na it's already 10am at di pa ako nakakapag breakfast.
"Oh, bakit?" Tanong ko.
"Yoyoyo! Good morning! Susunduin pa ba kita mamaya? 12 alis natin ah." Diretsong sabi nya.
"What? Teka di pa nga ako naliligo. Pero sige sunduin mo ko! Sasama ko si Leo ako magbabayad ng entrance nya." Sabi ko at nakipagkwentuhan pa sa kanya.
I just wore a black shorts at white t-shirt. I also have a extra t-shirt dahil baka mabasa ako sa napaka bango na Rio Grande.
"Tineeeee!" Someone is knocking at my door habang nag papatuyo ako ng buhok gamit ang aking blower.
"Sino yan?" Sabi ko habang naka upo sa aking kami at hawak-hawak ang aking blower.
"Mama mo sino, Leo Aurelius 'to!" Sabay kalampag nya ng pintuan. Dumiretso sya sa my upuan malapit sa my malapad na salaminan ko. "Uy wow! Naligo si ate mo Celestine." Inirapan ko lang sya at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok.
"Ano 'yan?" Tanong nya habang nakatingin sa kawalan.
"Blower." Maikling sagot ko.
"Ah parang si Alliana." Sambit nya.
"Ano connect?"
"Walang connect pero kaming dalawa pwede magkaroon." He smirk. Umirap lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Ng maka sakay sa loob ng kotse ko ay kung ano-ano kanyang ginulo.
"Huy! Ano ba yan?" Tanong ko dahil kanina pa ako naiirita habang nag dri-drive.
"Heh! Focus magdrive ka jan baka mabungo pa tayo!" Aniya at nanahimik na muli. Ilang sandali ay kinuha nya ang aking black na backpack na nasa likod ng kotse.
"What the hell are you doing?" Sabi ko habang nakasimangot. Kinuha nya ang pouch na my laman ng essentials.
"Ano "to? Bango ah!" Sabi nya habang inaamoy yung isang maliit na feminine wash.
"Feminine wash." Nilingon ko sya dahil nag sign ng stop.
"Ahhh para saan? I mean saan ginagamit? Kamay?" Tanong nya habang inaamoy parin yung feminine wash.
"Loko! Di ko sasabihin sayo!" Sabi ko at pinaandar ang sasakyan. Sya naman ay pinagpatuloy ang pangungulit sa akin.
"Parang ano naman 'to eh. Para saan nga? Parang baliw sa akin pa nahiya eh nung highschool tayo ako pinapabili mo ng napkin mo." He pouted at inayos na ang mga gamit na ginulo nya.
"Down there!" Sigaw ko dahil niyuyugyog nya na aking balikat kahit nagdridrive ako. "Pag tayo nabungo sinasabi ko sayo, Leo."
Tumili sya ng napagkalakas lakas. "Parang ano 'to! Bastos."
"Ayos ah! Ano kasalanan ko? Nangungulit ka hindi ba? Ano gusto mo mabungo tayo? Kitang nag dridrive eh." Pag aangal ko dahil sya naman talaga my kasalanan.
"Oo, na nga eh ako na yung mali. Pero my tatanong ulit ako!" Sambit nya.
"What?"
"Whatatatat bushh bushh! Joke! Eto yung tanong ko. Am I allowed to use that?" He asked habang nakalingon sa akin.
"I don't know better to ask A o kaya yung ka-date nya. She's a doctor." I said. Nanahimik ako at sya naman ay kumuha ng pagkain na nasa likod. Ng makarating ay nakita ko ka agad ang kotse ni A. I guess nasa harap na sila ng Enchanted Kingdom at hinihintay na kaming dalawa ni Leo.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
RomanceIn a family of Lawyers, Celestine decide to take the same path and found herself keep on eye in a very well-known University. Until she found herself loving her best friend Adnan a Medical Student.