Chapter 13
"Uy, Tine wag na naman dito sa sasakyan ko mag vomit." Pagmamaktol nya habang ako ay naka hilig ang aking ulo sa bintana ng kanyang kotse. "Tol, pag ikaw nag vomit sisipain talaga kita palabas ng sasakyan ko." Paulit-ulit nyang sinasabi habang nasa kalagitnaan kami ng traffic.
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko gusto ko umiyak sa nakita ko kay daddy at ang isa pa ay kahawak ni A si Maxine kanina habang ako naman ay inom lang ng inom. Habang nasa traffic ay nagpipigil Lang ako ng ihi at pagsusuka. Si Leo naman ay parang walang tama at nasasabayan nya pa ang kanta sa radio.
You're the sun to the moon
You're my ocean painted blue
You, I'm nothing without you
(Without you, without you)
"Ang ingay mo!" Pagsigaw ko kay Leo. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa onting galaw na aking ginawa.
"Asa sasakyan kita kaya wag ka mag reklamo jan,tol." Pabiro nyang sabi. Ilang minuto kami binalot ng katahimikan ng biglang sirain ito no Leo, "Namiss ko na yung tao na nag turo sa akin kung paano kumanta." Nagkatinginan kaming dalawa saka tumahik ulit.
Iniwan ko ang aking sasakyan sa The Sixth Street dahil sobra na aking kalasingan. Inutos ni A na balikan ni Leo ang aking sasakyan pagtapos akong ihatid. Nakailang tubig ako bago nakapagsalita ng medyo maayos habang nasa sasakyan.
"Asan sya, L-Leo?" Nauutal kong saad.
"Huh? Si A? Hinatid si Maxine. Okay pa naman yung tao kaso nga lang babae at kailangan ihatid. Dahil rin walang driver na kasama." Sabi nya. Parang mas lalong bumigat ang aking dibdib at wala ng maitanong pa.
"Par, my boyfriend ba yung Maxine?" Tanong nya na aking sinagot.
"Wala. Par, sabi sa akin ni A liligawan nya yon. Kaya wag kang basag trip jan." Sabi ko na pinipigilan ang aking iyak.
"Ganda nya. For a MD student walang ka pimple-pimple marks. Well, Sabi nga nila sanayan lang ang di matulog," Sabi nya na dinugtungan pa, "pero baka sa make up na nilalagay, siguro? Ano, Tine?" Ni Hindi ko alam ang aking isasagot dahil alam naman nilang tatlo na di ako marunong mag ayos ng aking sarili.
"H-hindi ko alam." Sabi ko sa kanya dahil yun ang totoo.
"Tss. Oo nga pala. Alam mo bilib ako sayo every month meron lalake ka kasama sa mall tas wala ka ayos ayos mukha mo." Aniya.
Nakatulog nalang ako ng ilang sandali at napagising dahil naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan no Leo.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
RomansaIn a family of Lawyers, Celestine decide to take the same path and found herself keep on eye in a very well-known University. Until she found herself loving her best friend Adnan a Medical Student.