Page 3 : THE AGAPANE

534 48 2
                                    

PABALIK-BALIK NA NAGLAKAD si Austrid, napasuklay sa buhok, at napabuntong-hininga. Her mind couldn't process all the information she just discovered.

It's already year 2035. All the governments, factions, and systems before were eradicated, and replaced by a central force they called Central Army. 

The entire population was decreased by 2/3 because of the Lucuxt Asteroid that spreaded the Lucuxt Virus in the entire land. It was termed Lucuxt comparing it to locusts that eat crops, but in this event, the humanity was their vegetation.

Most of the survivors continued living normally, but few became like them - mutated individuals with biological enhancement.

Simula noon ay wala nang naitalang namatay dulot ng sakit tulad ng cancer, diabetes, heart failure at marami pang iba.

All of the survivors developed natural immunity from any sickness. Their deaths were mostly caused by the war that has not subsided since then. Killings were made every tick of the clock. Life became irrelevant to the ruling classes.

After all, people didn't live after that incident, they just tried their best not to die. They only looked for surviving, and not for living at all.

"Nakahihilo ka tignan," komento ni Samer na ngayon ay kumakain na ng cup noodles. Nalaman ni Austrid na runner pala si Samer noon. At tumatakbo siya nang matamaan siya ng Lucuxt, na nagbigay ng kakaibang bilis sa kanyang mga paa.

Napatigil si Austrid at napatingin sa kanila isa-isa. "I...I can't absorb this. I was freakin' asleep for almost fifteen years! My mind is still in 2020 track!" singhal niya na ikinatawa ng iilan, samantala ang iba naman ay seryoso lang na nakatingin sa kanya.

Fifteen years had passed, but she didn't age at all. Same physique, same stamina. Same with every mutant. Because of the virus, their aging process slowed down.

"Mabuti pa ay magpahinga ka muna. That would help," suhestiyon ni Noam, ang kanilang ship pilot. Noong matamaan siya ng Lucuxt ay nag-aayos siya ng sirang computer, kaya ang mga kamay niya ang na-enhanced. Simpleng kilos lang nito ay nakokontrol na niya lahat ng klase ng teknolohiya.

"Drink this tea, Austrid," pag-alok sa kanya ni Eurice. Magara ang kasuotan nito at pulido kung kumilos. Mayroon siyang advanced hearing, na madalas ay hiniling niya na sana ay hindi na lang nangyari. Dahil sa ayaw at sa gusto niya, naririnig niya lahat sa loob ng saklaw niyang perimeter.

Napangiti ng alanganin si Austrid. "I don't drink tea," komento nito kaya nailapag na lang ni Eurice ang tsaa.

"Don't be demanding as hell. You're just a new member," pagpuna naman sa kanya ng babaeng nakaupo sa pinakasulok ng silid. Ang boses niya ay mas malamig pa sa yelo. Salat sa emosyon ang kanyang mukha. Siya si Antara, ang babaeng minsan lang kung magsalita. Sabi niya ay isa siyang swimmer noon at eksaktong sumisisid siya sa pool nang tamaan siya ng Lucuxt. Ngayon ay enhanced na ang kanyang lungs at kaya na nitong huminga sa ilalim ng tubig.

Napakagat-labi na lang si Austrid dahil sa malamig nitong pakikitungo sa kanya.

Napatingin siya kay Afnir na biglang tumayo mula sa pagkakaupo. Sa kanilang lahat ay siya ang pinakamatanda. Kapansin-pansin din ang may kaitiman nitong balat, kabaliktaran sa napakaputing kutis ng katabi niyang si Antara. Walang sabi-sabi ay lumabas na ito sa silid. Sabi ni Samer kay Austrid, ito ay nagmimina noong manalasa ang Lucuxt, at natabunan siya ng gumuhong minahan, kaya naman ngayon ay enhanced na ang kanyang balat. His skin can turn to any material he touches.

Napatayo silang lahat nang biglang umilaw ng pula ang loob ng ship. Naglikha rin ito ng tunog ng alarma.

Eurice suddenly covered her ears. She is so sensitive to sound. "Ano na naman ba ito?" she shrieked.

"Pane detected some enemies," komento ni Noam, at agad na may pinindot sa kanyang kamay.

May biglang lumabas na hologram sa kanilang harapan. Isang radar screen na puno na ng mga pulang tuldok.

"Sino si Pane?" nagtatakang tanong ni Austrid sa gitna ng kanyang kabadong sestima. And it's not the only thing she wanted to ask now. She wanted to ask...everything.

Napakahirap ng sitwasyon niya ngayon. Para siyang nangangapa sa dilim.

Napangiti si Noam sa kanya. "He's our home. This ship. We called him Pane," pagpapakilala niya sa ship na siya mismo ang may gawa.

"Magsihanda kayo. Mukhang galing sa Central Army ang paparating," pahayag ni Ashton na kanina pa tahimik sa sulok. His voice was full of authority. His presence radiated dominance. Just fitting, because he is their captain, their leader.

"Can't we just outrun them?" takang tanong ni Samer.

Napailing si Noam. "Napapalibutan na tayo. We need to clear path first."

"Get ready. Mapapasabak na naman tayo sa laban." Napatango silang lahat sa utos ni Ashton, maliban kay Austrid.

"Sigurado kayo? Napakarami ng kalaban, oh!" komento niya.

Napatitig sa kanya si Ashton. Hindi ito sanay na may sumusuway ng utos niya. At nanggaling pa talaga ito sa bago nilang miyembro. Sa babaeng walang kaalam-alam sa bagong mundo.

"We do not know how to falter. We are the AGAPANE, and we are unstoppable."

Reversal Page DriftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon