Page 33 : THE YEAR 2055

295 36 0
                                    

"NGAYON NA BA talaga natin gagawin 'to?" gulat na tanong ni Admiral Ander. "Sigurado na ba?"

Napataas ng kilay si Leandra. "You're not in the position to question the decision of President Vigos."

Napalunok ng hangin si Ander bago bahagyang napatango. Nagulat siya nang sabihin ni President Vigos na uumpisahan na nila ang kanilang Project Clearing.

It's a project with a sole mission of cleaning the world's residuals by mass destruction. And by that, living things were not an exception, not even the mutants.

"Where's Admiral Galaktus by the way?"

Biglang dumilim ang mukha ni Vigos nang marinig niya ang pangalang nabanggit.

"He's no longer needed here. He took me for a fool, and that's his biggest mistake. Akala niya siguro hindi ko alam ang pinaggagawa niya. I never trusted that man. Noon pa man ay magkalaban na ang bansa namin."

Si Vigos at Galaktus ay kapwa aktibo noon sa lakas-militar ng kaninilang bansa. In fact, Cameria and Sarius were the leading nations. That's where their competition for world domination came into existence.

Napatango ang dalawang kaharap niya.

Sabay-sabay silang lumabas ng silid at agad naman silang sinalubong ng hukbo ng Central Army na ngayon ay nakahilira na nang maayos.

Mas tumingkad ang kabuoan ng Centralium. Napuno ang bawat sulok ng mga armadong sundalo. Nakalutang sa ere ang mga naglalaking mother ship, gayundin ang mga combat spacecraft sa paligid nito.

Handa na sila.

Tumuntong si Vigos sa stadium ng palasyo kaharap ang hukbo niya.

"Children," panimula niya kaya tumahimik ang paligid, "the time has come for us to eradicate the impurity of this dystopic world. Let us build a stronger and better society, a society that will further become the cradle of the world's future great civilizations. But...in order for us to achieve that goal...of course we have to eliminate those who are in one way or another...against our vision. Now, that we're all set, I have one final question to each one of you," Vigos smiled and even inched his mouth closer to the mic. "Will you fight with me?"

Ang katahimikan ay biglang naguho ng nagdadagundong na ingay. Ang mga walang kamalay-malay na sundalo ay nagsasaya, sa pag-aakalang nasa tamang landas sila tumatahak.

Napangisi si Vigos. Kahit kailan talaga ay madali niya lang mauto ang mga ito. Noon pa man ay puno ng karisma ang kanyang mga salita.

"LET THE CLEARING...BEGIN!"

Sa isang iglap ay mabilis na nagsiliparanan ang mga sasakyan panghimpapawid. Ang mga sundalo ay agad ding nagsialisan.

Lilinisin nila ang karatig-nasyon. At sa susunod na araw naman ay ang sunod na nasyon, hanggang sa maubos nilang mawasak ang tatlong rehiyon ng buong Erath : ang Upper, Middle, Lower Regions.

"Those pitiful soldiers," napapailing na wika ni Vigos, "...never learn."

Bumaba na si Vigos sa stadium. Hindi mabura ang ngisi sa kanyang mukha. Sa wakas ay unti-unti na niyang nakakamit ang kanyang mithiin noon pa man.

"Hindi ba tayo tutulong sa kanila?" takang tanong ni Ander.

Leandra chuckled. "Of course not! Why would we? Kung pati naman sila ay kasamang mabubura sa ating Project Clearing?"

Napatigil si Ander. "What do you mean by that?"

Bigla silang kinabahan nang yumanig ang paligid. Napatingin sila kay Vigos nang pumalakpak ito.

Reversal Page DriftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon