Page 23 : THE BETRAYAL

291 34 3
                                    

"MAY MALI BA sa system natin?" takang tanong ni Eurice.

She's been trying to connect with the others, but there seemed to be a problem with the connection.

"Noam?"

Napakunot siya ng noo nang walang sumagot sa kanya.

Narinig niya kasing may pumasok sa ship. At alam niyang hindi iyon sina Ashton.

Is there something wrong?

Kumabog ang kanyang dibdib. Sa hindi malamang dahilan, nagsitaasan ang kanyang balahibo.

Tumayo na siya at kinuha ang automatic explosion gun na nasa loob ng drawer.

Dahan-dahan niyang binaybay ang palabas ng silid. Pero bigla siyang napatigil nang marinig niya si Noam.

"Don't be too noisy, she can hear you."

Sinong kausap nito?

"I hella don't care."

Boses ng babae ang sumagot sa kanya. Mas umalab ang pagtataka sa kanyang utak sa narinig.

"Noam? Bakit mo ako ipinasok sa tube?"

Napabilog ang mga mata ni Eurice nang marinig niya si Time.

"It's because, we will torture you like what we did to your another brother. Surprise!"

Napasinghap si Eurice. Biglang nanginig ang kanyang kamay. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari. At para malaman, tahimik niyang binaybay ang patungo sa main hall.

Siniguro niyang hindi siya makalilikha ng ingay.

Sumilip siya mula sa peephole ng metallic door. Pero laking gulat niya nang marahas itong bumukas, dahilan upang mapatumba siya sa sahig.

Agad siyang tumayo at tinutukan ng baril ang kaharap niya.

Isang babae. Nakangisi ito habang pinaglalaruan ang dulo ng kulot niyang buhok.

"Is this the girl who can hear me?"

"Sino ka?"

"For real? Hindi mo ako kilala? I understand, I seldomly went out of the palace. My bad."

"Don't take another step, or I'll shoot you!" singhal ni Eurice nang umamba ito nang hakbang papunta sa kanya.

"I'm Admiral Leandra."

She held her breath. Her hands trembled even faster. Her feet turned ice that she couldn't find the firm to even step backwards.

"P-paano ka nakapasok dito?"

Nagulat siya nang napaputok na pala niya ang hawak na baril dulot ng kaba. Tumagos ito sa katawan ng admiral at sumabog ang bahagi ng ship sa likuran nito.

The admiral just licked her lip.

"Stubborn girl."

Napaawang ang bibig ni Eurice nang agawin ni Noam mula sa kanya ang hawak niyang baril.

Walang emosyon ang mukha nito.

"I can't let you damage Pane any longer."

Napaatras si Eurice. Gulong-gulo na ang kanyang utak.

"B-bakit?" Sa dinami-rami ng katanungan sa kanyang isip, iyon na lang ang naisatinig niya.

Hindi sumagot si Noam at tumalikod lang ito sa kanya.

Napailing si Eurice.

"Si Noam ka ba talaga?"

Nang wala na naman siyang nakuhang sagot ay mabilis siyang napaatras. Agad siyang tumalikod sa kanila at tinakbo ang kinaroroonan ni Time.

Reversal Page DriftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon