MARAHAS NA HINAMPAS ni Admiral Burgan ang bakal na mesa sa kanyang harapan. Namumutok na ito sa galit pero ang kaharap nito ay wala man lang emosyon ang mukha.
"Naiintindihan mo ba ako, Galaktus?" asik nito.
"Yeah," sagot ni Admiral Galaktus, "but I can't let you perform the mission on your own. Malinaw ang pagkasabi sa atin ni President Vigos na tayong dalawa ang pupuksa sa Sphinx."
Gusto kasi ni Burgan na siya lang mag-isa ang lumaban sa Sphinx. Bukod sa hindi sila magkasundo ni Galaktus, ay kampante siyang mapupuksa niya ang grupo nang mag-isa lang.
"Talaga? At kailan ka pa naging masunurin sa presidente?" nakangising tanong ni Burgan. "Hindi ba't noon pa man ay magkalaban na kayo?"
Galaktus grinned. "Your mouth is the worst part of your body. Useless things keep on coming out from there."
Biglang nag-init ang ulo ni Burgan. Napatayo na ito at tinadyakan ang upuan. Pero tulad nang dati, wala lang ito sa kanyang kaharap.
Magsasalita na sana si Burgan nang unahan siya ni Galaktus.
"I'll be honest with you." He smiled. "Ang rason kung bakit hindi pwedeng ikaw lang ang makipaglaban ay dahil mahina ka."
"WHAT?!" Nagsilabasan ang ugat sa nakakuyom na kamao ni Burgan.
"You're weak, Burgan. Have you already forgotten that you nearly experience same fate with Amanda because of your recklessness back then? Ako lang naman ang pumigil kay Vigos sa balak niyang iyon."
Sinuntok ni Burgan ang makapal na mesa dahilan upang masira ito nang tuluyan.
"NO! I AM NOT WEAK!" sigaw nito. "And I will prove it by smashing Sphinx on my own!"
Napailing si Galaktus. Napatayo na ito at napabuntong-hininga.
"I respect your free will though, so, I will let you. Ikaw na ang bahala sa Sphinx. Hindi na ako makikialam pa."
Biglang kumalma si Burgan at sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi.
"You'll see. You will eat what you said earlier," singhal nito at tuluyan nang lumabas sa silid.
Pinasadahan lang siya nang tingin ni Galaktus.
"Admiral Galaktus, hahayaan na lang ba talaga natin si Admiral Burgan?" tanong sa kanya ng kanyang tauhan.
He grinned wickedly.
"Let him be. We will be doing our own business anyway."
Napatango lang ang tauhan niya.
MATIKAS ANG TINDIG ni Burgan habang nakatanaw siya sa malawak na disyerto.
"May nakita na ba kayong ship?!" sigaw nito.
"Wala pa, Admiral Burgan."
"Kung may makita kayo, pasabugin niyo agad."
Napatawa ito na parang baliw. Hindi na siya makapaghintay na makaharap ang pakay nila.
Kailangan niyang pabanguhin ang kanyang pangalan kay President Vigos. Hindi niya hahayaang mawalan ito ng tiwala sa kanya. Dahil kung tutuosin, siya ang unang hinirang na Admiral.
Siya ang orihinal.
"Hindi ba tayo sinundan ni Galaktus?"
"Hindi po, Admiral Burgan. Ayon sa AGPS system ay nasa basement pa rin ito ng palasyo."
Bigla silang naalerto nang tumunog ang alarm ng kanilang ship.
"Our ship detected a strong magnetic field beneath the ground," pag-iimporma sa kanya ng kanilang ship pilot.
BINABASA MO ANG
Reversal Page Drift
Science FictionA group of seven mutants is about to change the pages of time. It was year 2020 in Erath's (Earth) history when the major shift of reality happened. Humans were infected by the so called Lucuxt Virus brought by the Lucuxt Meteorites that rained towa...