Page 21 : THE PRESIDENT

319 32 6
                                    

TAHIMIK ANG BUONG paligid. Maraming mga armadong tauhan ang makikita sa pasilidad, pero wala sa kanila ang may nais na lumikha ng ingay.

Kumikinang ang bawat sulok ng lugar dahil sa mga di-kalibreng materyales na ginamit. Ang karangyaan nito ay matayog na nakatayo sa gitna ng salat na lupain.

Pero kahit gaano man karangya at kapayapa ang paligid, napakabigat ng atmospera rito na tila ba isang delubyo ang nagaganap sa bawat pagkilos ng orasan.

At ang delubyo na ito ay kasalukuyan nang binabaybay ang pasilyo.

Mabigat ang kanyang bawat yapak. Diretso ang kanyang mga matatalim na tingin. Walang mantsa ng emosyon ang kanyang mukha.

He walked like he owned everything he could see and even beyond. He moved with dominance and attention.

"President Vigos," pagsalubong sa kanya ng isang tauhan.

Hindi man lang niya ito nilingon, bagkus ay dumiritso lang ito sa silid.

Doon ay sinalubong siya ng apat na tao. Sa mga tindig pa lang nito ay masasabi nang hindi sila ordinaryo. Ramdam ang lakas na nanggagaling sa kanila.

"Kamusta na si Admiral Amanda?" tanong ng presidente.

Napangisi ang lalaking nasa sulok.

"Nauubos na ang kanyang lakas. Nangangayat na siya dahil sa formula. Sa loob lamang ng ilang minuto ay mamamatay na siya."

"Magaling, Galaktus." Napangisi ito. "Walang lugar sa atin ang tulad niyang mahina at pipitsugin."

Napatikhim ang nag-iisang babae sa silid. "The Xpunisher and Dark Saga...just died."

Napatawa ang presidente. Boses lang niya ang umalingawngaw sa buong silid.

"Perfect!" He grinned. "Let's end this shitty era at once. It's just a matter of time before we can finally commence to our final step."

Napatango ang mga kaharap niya.

"How about the Sphinx? Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin sila mahuli-huli," pahayag ng lalaking katabi ni Admiral Galaktus.

"Sphinx..." He nodded. "That group has been creating quite turmoil already, maybe it's time for them to finally meet their end."

Walang kumibo sa kanila. Nakatingin lang sila kay President Vigos na sobrang aliwalas ng mukha. Halos kumislap na ang mga mata nito.

"Burgan...Galaktus...I want you to erase those brats. Bring me the head of their leader."

"Masusunod, President Vigos."

Agad ding umalis ang dalawa upang trabahuin na ang inutos sa kanila.

Napatingin ang presidente sa dalawang naiwan.

"The two of you, follow me."

Muli nilang binaktas ang mahabang pasilyo.

Sa taas ng kanilang kinaroroonan ay malaya nilang natatanaw ang buong kapatagan sa labas na tila ba nahagip ng isang mapinsalang delubyo.

Sinong mag-aakala na ang napakagandang lupain ng Cameria ay magiging isang wasak na tanawin?

Bago pa man manalasa ang Lucuxt, tanyag na ang bansang Cameria dahil sa lakas ng kanilang hukbong-militar. Tinitingala ang bansang ito ng lahat.

Sa katunayan nga ay katunggali ito ng bansang Sairus na nangunguna rin sa anumang larangan.

Pero bigla itong nagbago, naglaho. Ang sentro ng Cameria ay ginawang tirahan ni President Vigos at pinangalanan itong Centralium.

"I can't wait," the woman exclaimed, "for this time to end."

"We will go there, Leandra. Don't worry," sagot ni President Vigos na prenteng naglalakad sa kanilang unahan.

"How about you, Ander? How are you feeling?"

Biglang kinabahan ang lalaki. Dalawang taon pa lang simula nang manungkulan siya sa presidente. Kaya kaunti pa lang ang alam niya tungkol sa ikot ng utak ng kanyang panginoon.

"I...I...am feeling great," nauutal nitong sagot. "I feel like...I'm great and powerful and mighty."

Napatawa ang dalawa pa niyang kasama.

"You really are a kid, Ander," komento ng babae at napakagat-labi. Pinukulan siya nito ng kakaibang tingin. "And I want to see that kid in you becoming a man."

Napalunok ng laway si Ander.

"Stop blabbering nonsense, Leandra."

"I'm just kidding, President Vigos."

Napatigil sila sa may kalakihang metallic door. Agad naman itong binuksan ng dalawang tauhan na nasa gilid.

"Hindi ba nag-iingay?"

"Hindi po, President Vigos."

Pumasok na sila. Nakakasilaw na silid ang tumambad sa kanila. Lahat nang makikita roon ay kulay puti.

Napadako sila sa gitnang bahagi ng silid kung saan naroroon ang isang napakakapal na glass tube.

Napako ang tingin nila sa nilalang na nakakulong doon. Nakahandusay ito sa sahig, mahimbing na natutulog.

Kapansin-pansin ang porselana nitong kutis na may mga malilit na tuldok na kulay itim at abo. May mga bitak din ang balat nito sa bandang likuran at noo.

Nang mukhang naramdaman nito ang presensiya ng mga bagong dating ay unti-unti itong napamulat. Mula sa pagkakahiga ay tumayo ito kahit na nanghihina ang kanyang mga binti.

Napasinghap si Ander. Ngayon pa lang niya nakita ang nilalang na ito sa malapitan. Napako ang tingin niya sa mga mata nitong maihahalintulad sa kalangitan tuwing gabi na puno ng mga bituin. Nakabibighani ito na tila ba hinihigop ka nito patungo sa kalawakan.

"I-ilabas n-niyo ako...," nauutal nitong pagmakaawa. Bakas sa mukha nito ang hirap na dinanas sa kamay ng mga humuli sa kanya.

Napahalakhak lang si President Vigos.

"Don't worry, makakasama mo na ang mga kapatid mo."

Napakurap ang nilalang. Rumihistro ang pagtataka sa kanyang mukha. Ngunit kalaunan ay napalitan ito ng pangamba at takot.

"No," matigas nitong sambit. "Not them, please."

Muli na namang humalakak si President Vigos at talagang nagagalak sa pagmamakaawa ng nilalang na nasa harapan niya.

May pinindot ito sa dala nitong controller. Agad na natabunan ng metallic frame ang glass tube, at kasunod 'non ay ang walang humpay na sigaw ng nilalang na nasa loob.

"Such a pitiful creature," sambit ng presidente.

Hinarap nito ang dalawang kasama.

Gulat pa rin ang mukha ni Admiral Ander samantalang galak naman ang nakapaskil sa mukha ni Admiral Leandra.

"You're really not fond of pets," komento ni Leandra at napatawa. "Likewise."

"Maghanda kayong dalawa. May pupuntahan tayo."

"Tayo?" gulat na tanong ni Leandra. "Ibig sabihin kasama ka?"

Si President Vigos ay napakabihira lang lumabas ng Centralium. Ayaw nitong makihalubilo sa wasak nang mundo. Tanging ang mga tauhan lang niya ang pinapakilos niya.

Kaya naman ay laking gulat na lang ni Leandra sa narinig.

"Yes." Napangisi ito. "I have to fetch a family."

"Saan tayo pupunta?" tanong naman ni Ander.

Napaturo si President sa itaas.

"Up there," sagot nito. "At the top of the Peak of Estever."

Reversal Page DriftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon