Page 13 : THE BLACK DEMON

352 39 1
                                    

WALANG MAY NAKAPAGSALITA agad sa kanila. Parang huminto rin ang oras kasabay nang paghinto ng pagsalita ng babaeng nagpakilalang Admiral Amanda.

"Grabe talaga, oh!" reklamo ni Samer at napahilot sa kanyang sentido. "Give us a break!"

Napatingin sila kay Afnir nang sumulpot ito bigla. Napangisi sila nang makitang ginto na ngayon ang katawan nito.

"Captain? I'm waiting for your signal," walang emosyon na pahayag ni Antara.

Ashton grinned.

"Show them what we got!"

Sa isang iglap ay sunod-sunod na sumabog ang ship ng mga kalaban. Hindi na kasi nagpatumpiktumpik pa si Antara at agad silang pinagtitira gamit ang kanilang combat weapons.

Napaismid si Austrid. "At least give a signal that you're about to attack!" reklamo niya at agad ding napakapit nang biglang umuga ang ship.

Napatawa lang sina Samer at Eurice.

"She is Antara for a reason."

"Guys, just to remind you, napalilibutan na tayo ngayon," pahayag ni Noam. "Huwag kayong magpakampante, isang Admiral ang kaharap natin ngayon."

"Team Alpha will step outside. Prepare the transpo."

Agad na napatango si Eurice at hinanda na ang sasakyan ng Team Alpha.

"The transpo's are ready, captain."

SUNOD-SUNOD NA LUMABAS ng ship ang Team Alpha. Nakasakay sila ngayon sa AirMot na si Noam mismo ang nagdesinyo.

Agad naman silang pinagtitira ng mga kalaban, ngunit mabilis nila itong iniilagan.

"This is freakin' hella awesome!" bulyaw ni Austrid.

Gamit ang kanyang clairvoyance, madali niyang napatatamaan ang umaatake sa kanya.

She can literally see the whole place.

Walang humpay niyang pinatamaan lahat nang madadaanan niya. Para lang siyang naglalaro sa ere.

"Shit!"

Hindi niya nailagan ang isang matulis na bagay na mabilis na tumama sa kanyang AirMot. Agad din siyang tumalon pababa bago pa siya sumabay sa pagsabog nito.

Napaluhod siya sa lupa. Hinihingal na siya at naliligo na sa pawis. Kitang-kita niya ang labanan na nagaganap ngayon.

Pinagtutulungan si Pane ng dalawang malalaking ship. Sina Samer at Afnir naman ay nasa lupa na rin at nakikipagbakbakan.

Napaayos agad nang tayo si Austrid nang may babaeng lumapag sa harapan niya.

Pinasadahan niya ito ng tingin. May kataasan ang babae. Maputi ang balat nito, at kapansin-pansin ang napakahaba nitong buhok.

"Austrid!" Halos mapahiyaw siya sa lakas ng boses ni Eurice sa kanyang earpiece.

"Lumayo ka na! Ang kaharap mo ngayon ay si...Admiral Amanda."

Natuod siya bigla at namutla.

Napangisi sa kanya ang kanyang kaharap.

Napaatras si Austrid nang makita niyang lumutang sa ere ang mahaba nitong buhok na ngayon ay mas humahaba pa.

Anong meron sa buhok ng babaeng ito?

Mabilis na bumulusok papunta sa kanya ang lubid ng buhok ng Admiral. At ang akala ni Austrid na normal lang itong buhok, hindi pala.

Napahiyaw siya nang masugatan siya nito sa balikat. Napakatigas ng buhok nito na maihahalintulad sa bakal.

Muling umatake si Admiral Amanda, pero hindi na nagpakampante si Austrid.

Reversal Page DriftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon