"YOU MEAN, NAG-IISA lang ako?" gulat na tanong ni Austrid kay Eurice. "Ako lang ang may clairvoyance na ganito?" Napatango lang si Eurice.
The abilities of mutants are extremely unique that there's no exact copy of each.
Iyan ang rason kung bakit noon pa man ay nais nang makuha ng Central Army si Noam. Alam kasi nilang mapapanginabangan ito lalo pa't narating na rin nito ang second generation level.
Napakamot sa kanyang noo si Austrid at pilit isinaisip lahat ng impormasyong sinabi sa kanya ni Eurice. Sila lang ang magkasama ngayon sa main hall ng ship. Ang Team Alpha ay kasalukuyang nagpapagaling. Si Noam ay abala sa pag-aayos ng system. At si Antara naman ay nagmumokmok sa loob ng silid niya.
"Kukuha lang ako ng makakain." Napatango lang si Austrid at hinayaan na si Eurice.
Ngayong mag-isa na lang siya, hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid. Everything was new to her. She was like a new born child, always wondering of things from here to there. Indeed, the new age created a new era of technological advancement.
After the death of three-quarter of the human population, the survivors had gained more access to any resource. There were no longer business giants, or stock market, or even money prioritization; just pure survival and thriving. With that, the folks with incredible technical and mechanical intelligence created new generation computers. They revolutionized the industry and paved way to a whole new technological era, and world, in general.
Aero-transportation was the new trend, thus placing cars as arcane. The weapons being developed are incredibly destructive and massive. Those were just what she saw, and she knew that greater things were still out there waiting to be seen.
PULIDO NA KUMUHA ng pagkain si Eurice. Noon pa man ay hilig na niya ang iba't ibang uri ng pagkain. Sa kabila ng lahat, mabuti na lang at ang Erath ngayon ay masagana pa rin sa natural na yaman.
In fact, sa pagkawala ng malaking bilang ng mga tao, unti-unting naging mas malusog ang mga masukal na gubat. Bumalik ang natural na daloy ng kapaligiran, lalo pa't marami nang nature-friendly inventions ang nalikha na humalili sa mga kagamitan noon.
Kung hindi lang laganap ang patayan, giyera, at kasakiman, ay maiituturing na sanang paraiso ang mundo matapos ang Lucuxt incident.
Isang nakakabinging ingay ang biglang narinig ni Eurice, dahilan upang mabitawan niya ang tasang naglalaman ng tsaa. Napatakip siya sa kanyang taenga. Naguguluhan. Kinakabahan.
Napasigaw siya nang maramdaman niyang parang tinutusok ng kutsilyo ang kanyang tainga. Her brain became chaotic, injecting immeasurable pain all throughout her body.
Napaluhod siya habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa tainga.
What the hell is happening? Tanong niya sa kanyang sarili.
Biglang napatayo si Austrid dahil sa ingay na kanyang narinig mula sa dining space. Pinagana niya ang kanyang clairvoyance, at laking gulat niya nang makita niyang namimilipit si Eurice sa sahig.
"NOAM! ANTARA!" pagsusumigaw niya habang tumatakbo papunta kay Eurice. Nakasalubong niya si Antara na medyo magulo pa ang buhok, halatang bagong gising lang. Ngunit, base sa kanyang ekspresyon, hindi niya pa alam ang nangyayari.
Napaismid ito nang hilahin siya ni Austrid. Nagpumiglas pa ito, ngunit napatigil din nang marating nila ang kinaroroonan ni Eurice. Nanginginig ito sa sahig habang nakatakip ang mga kamay sa tainga.
"Holy shit!" Agad nilang dinaluhan si Eurice. "Eurice! What's happening? Can you hear me?" aligagang tanong ni Austrid ngunit namimilipit lang si Eurice.
BINABASA MO ANG
Reversal Page Drift
Science FictionA group of seven mutants is about to change the pages of time. It was year 2020 in Erath's (Earth) history when the major shift of reality happened. Humans were infected by the so called Lucuxt Virus brought by the Lucuxt Meteorites that rained towa...