MABILIS NA BUMULUSOK paitaas si Pane dahil sa matinding lava stream na tumutulak sa kanila nang mabilis.
Hanggang ngayon ay abala pa rin ang grupo dahil sa biglaang kaganapan na hindi nila inaasahan. Magulo ang loob ng ship, maging ang kanilang mga isipan. Wala na silang panahon upang makapag-isip nang kung ano.
"Guys, susubukan kong iliko ang ship. Kumapit kayo!" sigaw ni Noam sa speaker. Agad naman nila itong sinunod.
Mas hinigpitan nila ang shipbelt. Sina Antara at Ashton ay kasalukuyan pa ring natutulog, dala nang biglaan nilang pagshift.
Mabuti na lang ay unti-unting nang bumabalalik ang kanilang kakayahan nang medyo nakalayo na sila sa kailaliman ng San Maria.
"There!"
Puwersahan na lumiko ang kanilang ship kaya tumalsik ito nang may kalayuan. Samantala ang lava stream naman ay deritso lang sa pagbulusok paitaas.
Napakapit sila at hinigit ang hininga.
Napahinga lang sila nang maluwag nang tumigil na ang ship at unti-unti nang kumalma ang loob. Ilang segundong katahimikan ang namutawi.
"Buhay pa ba tayo?!" bulyaw ni Austrid na halatang gulat pa rin.
Napatawa si Samer. "Of course!"
"Marami na kaming naranasan na mas malala pa rito," pag-iimporma naman ni Eurice, "kaya masanay ka na, Austrid. Agapane is a chaser of dangerous adventures."
"And a chaser of death also?" Austrid rolled her eyes.
Napatikhim si Afnir. "Ano na? Babalik pa ba tayo?"
Naging seryoso ang lahat. Si Samer ay mabilisang dinala ang dalawang natutulog sa quarter.
"Mas mabuti siguro na hindi muna natin ito ituloy," suhestiyon ni Austrid. "And no offense, masyado tayong nagmadali na pumunta rito, agree?"
Napabuntong-hininga sila. Tama si Austrid. Minadali nila ang pagpunta rito. Masyado silang nadala nang makakuha sila ng mapa.
"Okay, since ito rin naman ang utos ni captain, magpapahinga muna tayo. We can't continue this mission with the two of them sleeping still," pahayag ni Noam at minaobra na ang ship.
Unti-unti na silang naglayag paitaas.
It just took them several minutes to finally reached the surface. But, upon seeing the whole place, they were horrified.
They gasped. They cussed.
Two mother ships were floating above them right now, while mini ships were scattered in almost all directions they could see. All of them were pointing their weaponry to the ship that just surfaced, Pane.
"AT SINO NAMAN ANG MGA ITO?!" sigaw ni Austrid.
Napahilot ng sintido si Samer. "Grabe talaga, oh! Ngayon pa talaga sila sumulpot? Really?" reklamo niya.
"Well done, Agapane!" sigaw ng kung sino ang umalingawngaw sa paligid.
"Kendrick," bulong ni Eurice nang makilala ang boses nito.
"Isuko niyo na sa amin ang nakuha ninyo sa kaibuturan ng trench, bago pa namin maisipang gamitan kayo ng dahas."
Nagpaputok ang isang mini-ship bilang babala sa kanila. Tumama ito sa tubig na nasa harapan mismo ni Pane.
"Kahit napakabilis ng inyong ship, wala na itong kawala ngayon. You were like an insect being trapped in a spider's web." Humalakhak ang panibagong nagsalita.
"That was Dorum, the captain of Xpunisher. And the one who spoke earlier was Kendrick, the captain of Dark Saga," pag-iimporma ni Samer. "Hindi ko akalain na magsasama ang dalawang ito!"
BINABASA MO ANG
Reversal Page Drift
Science FictionA group of seven mutants is about to change the pages of time. It was year 2020 in Erath's (Earth) history when the major shift of reality happened. Humans were infected by the so called Lucuxt Virus brought by the Lucuxt Meteorites that rained towa...