Page 4 : SECOND GENERATION

525 46 5
                                    

HINDI NAGTAGAL AY walang tigil nang inatake ng mga nagsidatingan ang ship ng grupong Agapane, si Pane.

Rinig sa paligid ang samu't saring pagsabog, at tanaw ang pinsala nito. Napalibutan sila ng mga kalaban sa loob lamang ng segundo.

Samu't saring makabagong sasakyang panghangin ang nakalutang sa ere, naghihintay ng tamang hudyat sa muling pag-atake.

"Shit! Bakit kasama nila si Admiral Burgan?!" gulantang na pahayag ni Noam. Hindi siya kumukurap at nakaharap lang sa wide screen.

"Team Alpha is ready to engage," seryosong komento ni Ashton.

Hindi naiwasang mapalingon ni Austrid sa kanya. Hindi man niya masabi, ay pasekreto siyang namangha sa kakisigan at tikas nito.

Nakasuot na ito ng combat gears at halatang handa na makipagbakbakan. Dinaluhan siya nina Afnir at Samer na ganoon din ang suot.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kay Aistrid kung bakit hindi niya nakikita ang nasa loob ng kasuotan ng mga kasama niya. Pati na rin ang kalooblooban ng mga katawan nila.

Something so unthinkable because she can see through walls.

"Then, engage!" seryosong bulyaw ni Eurice na nakatayo ng prente sa gitna ng elevated portion ng silid. "I heard them. They purposely sent Admiral Burgan to catch us," dugtong niya pa.

Napasinghap ang karamihan sa kanila. Tatlo lang ang walang emosyon : sina Ashton, Afnir, at Antara.

Wala nang sinayang na oras sina Ashton at sumakay na sa kanilang sasakyang tinatawag na AirMot. Isang makabagong motor na nakalilipad sa ere.

Bumukas ng bahagya ang isang parte ng ship na naging daan palabas ng tatlo, ang Team Alpha ng Agapane.

"Holy shit!" namamanghang bulyaw ni Austrid. "Those things are so cool! Saan niyo nakuha yon?" Pakiramdam niya ay talagang napakalayo na ng panahon na inabot niya.

Napangisi si Samer, "Welcome to 2035, Austrid."

"Stop talking nonsense!" pagsuway sa kanila ni Antara na ngayon ay may hawak nang controller. "Burgan is already on the field!"

"Sino ba si Burgan?" naguguluhang tanong ni Austrid. Kanina niya pa napapansin ang pagkabahala nila sa taong ito pero hindi niya pa ito kilala.

"One of the admirals," sagot ni Eurice. Napatingin na lang si Austrid sa wide screen kung saan kitang-kita ang kaganapan sa labas.

AGAD NA HINAWAKAN ni Afnir ang kanyang gintong singsing kaya naging ginto din ang kanyang katawan. Patuloy siyang pinagbabaril ng mga kalaban ngunit parang wala lang ito sa kanya.

Walang kahirap-hirap niyang nilabanan ang mga ito. Marunong siya ng iba't ibang uri ng combat style at idagdag pa ang angkin niyang laki. He's just silent, but deadly.

Sa kabilang dako naman ng kapatagan ay singbilis ng kidlat kung kumilos si Samer gamit ang anking bilis ng kanyang mga paa. Pinaghihiwa niya ang kalaban dahil espada talaga ang hilig niyang sandata.

Tama nga ang hinala nila. Hindi mga mutants ang pinadala sa kanila, kundi mga normal na taong piniling paglingkuran ang Central Army.

Dahil kaunti lang ang populasyon ng mga tulad nilang mutants, the Cenralium is preserving their mutant allies for bigger purpose. That's why, they're also hunting down mutants to keep in captivity.

"The mongrels are playing. What a lovely scene." Napatigil silang lahat nang magsalita ang isang lalaki na sakay pa rin ng disk ship. Kahit medyo malayo ito ay pansin na ang malaki nitong katawan.

Reversal Page DriftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon