"WALA KA BA talagang alam?"
Napailing ulit si Time sa panglimang pagkakataon.
"I told you," wika nito, "alam ko lang talaga na may dalawa pa akong kapatid, pero wala na akong alam tungkol sa kanila. Hindi ko na nga alam ang pangalan at mukha nila."
Ashton sighed. "Don't force him. Mukhang wala naman talaga siyang alam."
Napatango nang mabilis si Time.
Tinatanong kasi siya ngayon tungkol sa dalawa pa niyang mga kapatid.
Kailangan nilang maunahan ang Central Army na mahanap sila. Alam kasi nilang nais na nitong mapasakamay ang tatlong Ultimate Weapons. Hindi pa man nila alam ang detalye nang gagawin nila, sigurado silang hindi maganda ang paggagamitan nila nito.
Anim na taon na ang nakalipas nang makuha nila ang isang Blueprint ng Central Army na naglalaman ng kanilang proyekto na nais na nilang maisakatuparan.
The Project Venom.
Sa pangalan pa lang ay mukhang hindi na ito maganda.
Kaya naman ay hindi rin nila maiwasang mangamba sa kalagayan ni Time sa kanilang puder. Anumang oras ay maaari silang sugurin ng Central Army upang bawiin ito mula sa kanila.
"Wala man lang ba tayong clue kung saan mahahanap ang perlas na sinabi sa atin ng Crucifix?" tanong ni Samer.
"How about you, Antara? Diba sa Pina Plisi ka lumaki?" pagpuna ni Eurice sa kanya.
Antara sighed. "Actually, I've been thinking about it already. But, I also have no idea at all."
"Wala na ba tayong ibang matatanungan?"
"There's no hope. Kahit nga ang Central Army ay mukhang nahihirapang mahanap ito," singit ni Ashton sabay tayo. "Maybe we just have to depend this on Mr. Luck."
"Who is Mr. Luck?" inosenting tanong ni Time.
Napatawa na lang sila.
"Guys," rinig nilang wika ni Noam sa speaker, "Pane detected a strong magnetic field around the area. Should we check it?"
"That's Mr. Luck," pahayag ni Samer kay Time.
"Check the perimeter first for any eminent danger," said Ashton.
Pinagana ni Austrid ang kanyang clairvoyance at sinuyod ang bawat sulok ng paligid. Kahit sirang-sira na ang kapaligiran dito, halata pa rin ang dati nitong ganda.
Ang tubig nito na nag-aagaw na kulay asul at berde ay marahang humahampas sa mga batong nasa paligid. Sa kabila nang pagkasira nito, hindi pa rin nawala ang buhay sa paligid.
Nakapanghihinayang lang dahil ang dating paraiso ay naging wasak na tanawin na lang ngayon.
"Walang na-detect si Pane na maaaring maging panganib."
"I didn't see anything wrong as well."
"Wala rin akong narinig na kung ano. Tahimik lang ang lugar."
Napatango si Ashton. "Let's check the vicinity then."
PULIDO ANG BAWAT kilos nila. Nagsimula na silang suyurin ang lugar. Pumasok sila sa isang gumuhong kuweba, at ayon kay Noam, papasok ito sa isang underwater cave.
Halos walang maayos na daanan dahil natatabunan ito ng mga tipak ng bato. Mukhang pinasabog nang husto ang kuweba.
"Sa tingin niyo, nanggaling na kaya rito ang Central Army?" takang tanong ni Samer.
"Maybe," sagot ni Afnir. "Their ship can also detect the magnetic field for sure."
"Pero mukhang wala silang napala," komento naman ni Eurice.
BINABASA MO ANG
Reversal Page Drift
Science FictionA group of seven mutants is about to change the pages of time. It was year 2020 in Erath's (Earth) history when the major shift of reality happened. Humans were infected by the so called Lucuxt Virus brought by the Lucuxt Meteorites that rained towa...