17

1.3K 109 7
                                    

TINAWAGAN na sa wakas ni Jay Ann si Henry. Aminado siyang dahil iyon sa pagseselos kay Thunderella. Nainis siya dahil nalaman niya mula kay Paolo na kasama ni Zane si Thunderella sa isang hotel. Tinawagan kasi ni Paolo si Zane upang iparating ang mensahe ni Thunderella kahit na paulit-ulit niyang sinabi kay Paolo na hindi na kailangan. Nalaman ni Paolo na hindi na nga talaga kailangan dahil magkasama na ang dalawa. Naiinis siya dahil nagkumahog si Zane na puntahan ang babae.

Panay ang kantiyaw ng The Charmings kay Jay Ann kaya nainis din siya sa mga ito.

"Thank God, Jay," ani Henry nang malamang siya ang caller. Dinig na dinig niya ang relief sa tinig ng dating nobyo. "I thought you were gonna hide from me forever."

"We have to talk," seryosong sabi ni Jay Ann. Nagkasundo silang magkita sa isang restaurant kung saan may mga pribadong silid upang makapag-usap sila nang maayos.

She needed to get him off her back. Sinubukan niyang linawin kay Henry ang lahat bago siya umalis ngunit matigas ang ulo ng lalaki. Ayaw nitong tanggapin ang desisyon niyang pakikipaghiwalay. Hindi raw nito maintindihan ang dahilan.

"It doesn't make sense," ani Henry nang magkita sila sa isang restaurant dalawang araw pagkatapos nitong mag-propose sa kanya.

"What doesn't make sense?"

"Us not being together. We're destined to be together, Jay Ann. You're my soul mate, the love of my life, my princess. We can't break up."

Imbes na matunaw ang kanyang puso ay nainis siya kay Henry. Ganoon ang in-expect niya nang sagutin ito. She had expected a happy ever after life full of romance. Her mind told her he was the right man for her. Ang akala pa nga niya, umaayon ang kanyang puso. Ngunit bakit palaging may kulang tuwing magkasama sila? Bakit hindi maging lubos ang kanyang kaligayahan? Bakit pakiramdam niya ay nagkamali siya sa pagpili?

Dati, sinisisi ni Jay Ann si Henry. Wala itong oras para sa kanya. Wala na itong bukambibig kundi ang trabaho at pagpapayaman. Pulos ambisyon na lang ni Henry ang pinag-uusapan nila. Pakiramdam niya, wala itong pakialam sa kanyang mga gusto, sa itinatakbo ng kanyang career, o sa simpleng iniisip niya. He was not the prince she wanted him to be.

His proposal had been grand and perfect. Sinorpresa siya ni Henry pag-uwi niya sa kanyang apartment. Galing siya ng Milan. Punong-puno ng mga bulaklak at kandila ang paligid. May mga tumutugtog ng violin. Si Henry ang nagluto ng mga pagkaing nakahain sa bilog na mesa. May mga bulaklak at kandila rin doon.

Alam na ni Jay Ann ang planong gawin ni Henry bago pa man ito talaga magsabi. Iyon ang unang pagkakataon na may ginawang romantiko ang lalaki para sa kanya at dapat ay kinikilig siya. Ngunit ang tanging nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay ang kagustuhang ibagsak ang sarili sa kama at matulog hanggang sa susunod na araw. Pagod na pagod siya mula sa tatlong magkakasunod na fashion show.

Pinilit niya ang sarili na ngumiti sa kabila ng lahat. Habang kumakain, iniisip niya kung saan na napunta ang kilig na dating nararamdaman para sa lalaki. Ano ang nangyari sa kanya? Habang nagsasayaw sila ay iniisip niya kung magpapakasal ba siya sa lalaki.

"Will you marry me?" tanong ni Henry habang nakaluhod sa kanyang harap at may hawak na kumikinang na diamond ring.

Tumingin si Jay Ann sa lalaki. He wore a confident smile on his face. She hated that smile. Tila hindi man lang sumagi sa isip ng lalaki na maaari siyang tumanggi. Iniisip marahil ni Henry na ito na ang katuparan ng kanyang mga pangarap.

"Let me think about it." Nabura ang ngiti sa mga labi ni Henry. Halatang ginulat niya nang husto sa desisyon niya. She felt a great satisfaction.

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon