19

1.6K 117 11
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Jay Ann nang marinig ang tili ni Anika. Nagpupumiglas ang kanyang ate habang kinakaladkad ng lalaking mukhang goons.

"I knew it!" tili ni Anika nang makita ang kanilang ina at si Henry. "I knew you'd do something horrible like this, Mom. Napakasama mo!" Kitang-kita ni Jay Ann ang takot sa mukha ng kapatid. Nagagalit at namumuhi rin ito sa sariling ina. Pinipigilan ni Anika ang sariling maiyak ngunit tila dahil sa tindi ng mga emosyong nararamdaman ay kusang naglandas ang mga luha sa mga pisngi nito. "I hate you! I hate you so much! You're gonna pay for this, I swear."

Napasinghap si Jay Ann nang bigla na lang sampalin ni Isabella ang kanyang ate. "Shut up! You shut up!" Muli nitong sinampal si Anika. Hindi pa nakontento dahil sinabunutan pa ni Isabella si Anika. "You're ugly. Do you think you're prettier than me? Do you?"

"Stop," tili ni Jay Ann. "Tumigil ka!" Hindi siya pinakinggan ni Isabella, patuloy lang sa pananakit kay Anika. Isabella looked mad with hate. Hindi makalaban ang kanyang ate dahil hawak-hawak pa rin ng goons.

Inilapit sa kanya ni Henry ang isang papel at ball pen. "Sign it. Your mother won't stop until you sign it."

Sinulyapan ni Jay Ann ang papel. It was a marriage license. Mariin siyang umiling. Tila hindi nakita ni Henry ang kanyang pag-iling. May ipinakita na naman itong papeles. Nakatutok ang kanyang mga mata sa inang ginugulpi pa rin ang kanyang ate, ngunit sa palagay niya ay dokumento iyon na nagsasabing iniiwan niya kay Henry ang lahat bilang asawa kung sakaling may nangyaring hindi maganda sa kanya.

Hindi alam ni Jay Ann kung paano mapapatunayan ni Henry na ikinasal sila kung sakali. Sa palagay ba nito ay ganoon na lang kasimple ang lahat?

"I'm serious, Jay. You're mother won't stop. She'll kill your sister. You love her, don't you?"

Umiling si Jay Ann. "No! She won't kill her. She's her daughter. She loves her."

"S-she... d-does not," ani Anika habang tinatanggap ang atake ng ina. "Bata pa lang ako, ginagawa na niya 'to sa 'kin, Jay. She hates me because I'm prettier and younger."

Hindi na napigilan ni Jay Ann ang kanyang mga luha. Gusto niyang tulungan ang kanyang ate ngunit hindi naman siya makawala.

"She really thinks she's prettier than me," ani Isabella habang hinihingal. "Everyone thinks she's prettier than me. Hindi ko 'yon matatanggap! No one is prettier than me. No one!"

"Oh, my God, you're crazy!" hiyaw ni Jay Ann. "Anak mo siya! Anak mo siya! Anak mo kami!"

Si Jay Ann naman ang pinagbalingan ni Isabella. Sinabunutan ng ina ang kanyang buhok. "Iyon na nga! Anak ko lang kayo! I'm supposed to be the fairest one of all. I'm supposed to be that forever. I need your money to buy beauty. I need all of it, do you hear me!" Pinakawalan ni Isabella ang kanyang buhok at binuksan ang isang drawer sa malapit. Mula roon ay inilabas ni Isabella ang isang scalpel. Binalikan nito si Anika at iniumang sa pisngi ng ate niya ang matalim na bagay. "I've always wanted to do this, Anika."

"Ibibigay ko na!" tili ni Jay Ann. "Pipirma na 'ko! Ibibigay ko na sa 'yo ang lahat. Just let her go." Hindi niya kailangan ng mga kayamanan. Mas kailangan niya ang kanyang ate, ang mga mahal niya sa buhay. Nakangiting inilayo ni Isabella ang scalpel mula sa pisngi ni Anika. "Madali ka naman palang ka—" Hindi na naituloy ni Isabella ang sinasabi dahil bigla na lang silang nakarinig ng lagabog.

Nang makarinig si Jay Ann ng putok ng baril ay nakadama siya nang kaunting relief. Zane and his brothers came to rescue her. Sigurado siya roon bago pa man nakapasok ang magkakapatid sa silid. Hindi siya nagduda na kaagad siyang mahahanap ng mga lalaki.

Naging mabilis ang mga pangyayari, ni hindi nakapag-react sina Henry at Isabella. Pitong naglalakihang lalaki ang pumasok at dinisarmahan ang mga kalaban. Isa sa kambal ang nagpatulog sa goons at niyakap si Anika na napahagulhol. Si Lucas ang humablot ng scalpel sa kamay ni Isabella. Kaagad na sinugod ni Zane si Henry. Ang maamong tupa ay naging mabangis na leon.

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon