15

1.3K 115 15
                                    

KINABUKASAN, ginising ng isang ingay si Jay Ann. Parang may nabasag na kung ano sa malapit sa kanya.

"Damn it!"

Iminulat niya ang mga mata at natagpuan si Zane na nakayuko at may pinupulot na kung ano sa sahig. "Hey," nakangiting bati niya. "'Morning. Ba't gising ka na?" Madaling-araw na sila nakauwi mula sa shooting. Pagtingin niya sa digital alarm clock ay nalamang halos apat na oras pa lang ang kanyang tulog.

Apologetic na napatingin sa kanya si Zane. Nabasag pala nito ang isang figurine na nasa night table. "I'm sorry to wake you up. Kailangang ko lang kumuha ng mga damit at rubber shoes. Nasagi ko nang 'di sinasadya 'tong figurine. Matulog ka na uli, kukunin ko lang ang mga kailangan ko at lalabas na ako."

Naghihikab na naupo si Jay Ann sa kama habang yakap-yakap ang unan. "It's okay. Hindi mo din kailangang mag-sorry. Kuwarto mo naman 'to kaya makakapasok ka anumang oras mo gustuhin." Tinapik niya ang espasyo sa kama. "Nagmamadali ka ba? Kuwentuhan mo muna ako."

Imbes na maupo sa kanyang tabi ay naghalungkat si Zane sa closet. "Wala naman na akong ikukuwento sa 'yo. Gusto ko sanang mag-jogging."

"Puyat ka."

"Kahit na. I have to burn some irritating calories."

"Zane—"

"Henry called. Ang tawag niya ang dahilan kung bakit ako nagising. Pinapasabi niya na kailangan mong makipagkita sa kanya. Alam daw niya na magkasama tayong dalawa ngayon."

Nakagat ni Jay Ann ang ibabang labi. Gusto niyang mapamura ngunit pinigilan niya ang bibig. Bakit ba hindi na lang siya ang tawagan ni Henry? Kung nakuha nito ang numero ni Zane, gaano kahirap na makuha ang numerong ginagamit niya ngayon? Ano ang gusto nitong mangyari?

"Zane, I'm sorry—"

"No, it's okay. Why are you sorry? Hindi ko alam kung bakit hindi ikaw ang direktang tinawagan niya pero... okay lang talaga." Nakangiti si Zane ngunit hindi iyon umabot sa mga mata. Iritado ito, alam niya.

"Sorry, naabala niya ang tulog mo. Puwedeng sumama sa pagdya-jogging?" Bumaba siya ng kama at nag-inat. "Matagal na rin akong walang exercise." Mas maigi siguro kung hindi na muna nila pag-uusapan si Henry.

Alam niyang kailangan niyang harapin at kausapin si Henry, kailangan niyang ayusin ang kanilang magulong sitwasyon, ngunit makakapaghintay naman siguro ang nobyo kahit na sandali lang. Nais sana niyang ilaan ang umagang iyon kay Zane.

"Huwag na, matulog ka na lang uli."

"Please? Ayaw mo ba akong makasama? Naiilang ka ba pagkatapos ng—"

"Please don't say it," ani Zane sa nakikiusap na tinig. "Alam ko na wala ka sa sarili mo nang gabing 'yon at hindi mo alam ang ginagawa—"

"Alam na alam ko ang ginagawa ko nang gabing 'yon." Nginitian nang matamis ni Jay Ann si Zane.

"Puwedeng hayaan mo muna ako?"

Umiling siya. "You promised to give me a week. Alam mo din naman na hindi ka mananalo sa 'kin, Zane. Hindi mo 'ko maiiwasan nang matagal. Kaya sasamahan kitang mag-jogging ngayon, okay?"

He sighed in resignation. Paglabas ni Zane ng silid ay dali-dali siyang nagpalit ng jogging pants, kumportableng T-shirt, at nagsuot ng rubber shoes. Itinatali niya ang buhok habang palabas ng silid. Natagpuan niya si Zane sa kusina. Naglabas ito ng dalawang bottled water mula sa pantry.

"Tara na?" pagyayaya ni Zane.

Parang may bombilyang nagliwanag sa kanyang isip. "Tahimik ang mga tao dito, 'di ba?" Walang gaanong bahay sa paligid sa tinitirhan ng The Charmings. Eksklusibo ang lugar para sa mayayamang nais ng tahimik at pribadong buhay. Napakaraming puno at napakaganda ng kapaligiran. Minsan nga nakakalimutan ni Jay Ann na nasa siyudad sila. "Walang magtu-tweet kung sakaling may makakita sa 'tin na magkasama?"

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon