6

1.2K 116 7
                                    

NATAWA si Zane sa tanong ni Jay Ann. Ano ang kailangang gawin ng dalaga upang mapatawad niya? Mahalin mo 'ko, 'yon ang kailangan mong gawin. Iyong klase ng pagmamahal na ibinibigay ng isang babae sa isang lalaki. Hindi pagmamahal sa isang kaibigan o kapatid. Kaya mo?

"Wala kang kailangang gawin. Wala kang kailangang ihingi ng tawad." Hindi mo naman kasalanan na hindi mo 'ko kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa 'yo. Wala kang kasalanan sa 'kin.

Naiintindihan niya na masyadong pinapahalagahan ni Jay Ann ang naging nakaraan nila, ang napakahabang panahon na pinagsamahan nila. Kahit na siya naman ay hindi maaaring basta na lang itapon ang lahat.

"Kailangan ko lang ng panahon, Jay." Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ganoon na lang katindi ang epekto ng dalaga sa kanya. Pakiramdam niya, mawawala siya sa katinuan. Mabilis na nagbabalik sa kanya ang mga alaala—mga alaalang sinikap niyang kalimutan sa nakalipas na dalawang taon. Nahihirapan siyang huminga tuwing nakikita ang dalaga.

Ang akala ni Zane ay natakasan na niya si Jay Ann kaninang umaga. Ang akala niya, may pagkakataon siyang makahinga habang nagtatrabaho. He did not need any distraction at this point in his life. But she was there, making it hard for him to breathe.

"Kailangan mo ng panahon para masanay na nakikita ako. Nahihirapan ka dahil hindi mo naihanda ang sarili mo. Hindi kita binigyan ng pagkakataon para makapaghanda. Kapag nasanay ka nang nakikita ako, nakakasama ako, magiging maayos na ang lahat."

Makakahinga na ako nang maayos pagkatapos? Kapag palagi kitang nakikita at nakakasama, makakalimutan ko na ba ang lahat o babalik lang ang lahat ng damdaming pinagsumikapan kong burahin sa sistema ko sa loob ng dalawang taon?

Umiling si Zane. Hindi siya sigurado kung ano ang dahilan ng pag-iling.

"One week, Zane. Bigyan mo 'ko ng pitong araw. Everything will be all right, you'll see. Everything will go back to the way it used to be."

"Hindi na maibabalik sa dati ang lahat, Jay. Hindi ka ba nakikinig sa 'kin? Bakit hindi mo na lang tanggapin 'yon? Bakit hindi ka na lang makontento sa mayroon ka ngayon? I'm sure Henry is more than enough. He's the love of your life. He's your Prince Charming, your once upon a time, and happy ever after. Ano lang ba ako sa buhay mo?"

"Hindi na ba talaga ako importante sa 'yo kaya nasasabi mo ang mga bagay na 'yan ngayon?" Puno ng hinanakit ang gumagaralgal na tinig ni Jay Ann. Tila mariing piniga ang kanyang puso nang makita ang namamasang mata ng dalaga.

Marahas siyang napabuntong-hininga. Siyempre, importante pa rin si Jay Ann sa kanyang buhay. Mananatiling importante magpakailanman. Mananatiling mahal ng kanyang puso. Except that it was still so hard to be with her. Mas nahihirapan siya ngayon dahil sa kaalamang ikakasal na ito.

Bahagyang natigilan si Zane. Iyon ba ang tunay na dahilan kung bakit nagalit siya kanina? Dahil ikakasal na si Jay Ann kay Henry? Sa kabila ba ng lahat ng pagsusumikap niya ay may nakatago pa ring pag-asa sa kanyang puso? Hindi pa rin ba siya nakakawala sa pag-ibig niya kay Jay Ann?

Zane mentally shook his head. Kung ganoon nga, para na rin niyang sinabi na wala siyang ginawa sa loob ng dalawang taon. Alam ng Diyos na ginawa niya ang lahat upang baguhin ang tibok ng kanyang puso.

Kung gayon, bakit ganyan ka makaakto ngayon?

"Ikaw ang hindi nakikinig sa 'kin, Zane. You don't get how important this is to me, how important you are."

"I know, okay? I know. I just need more time to be away from you."

"I'm not giving that to you. Susundan kita kahit na saan ka magpunta. Didikit ako sa 'yo. Kung kailangan kong mag-disguise araw-araw, gagawin ko. You don't need to be away from me. You need to be with me."

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon