9

1K 99 7
                                    

"BATI NA tayo."

Hinampas ni Jay Ann ang mukha ni Zane ng unan bago tinalikuran. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling magbingi-bingihan. Hindi pa sila maaaring magbati dahil masamang-masama pa ang kanyang loob. Mas nag-apoy yata ang galit na nararamdaman nang nalaman niya mula sa isang kaibigan na nakipag-date si Zane kagabi kay Margie, ang nanalo sa isang beauty pageant noong nakaraang taon. Hindi siya naihatid ni Zane sa kanyang condo unit dahil kasama nito si Margie. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kanya, basta na lang sinabing may lakad ito kaya bahala na siyang umuwi nang mag-isa.

Hindi na siya mahal ni Zane. Nais niyang maiyak sa realisasyong iyon.

Kinalabit ni Zane ang kanyang balikat. "Hoy, bati na tayo. May ibibigay ako sa 'yo."

Hindi sana papansinin ni Jay Ann ang binata ngunit may inilagay itong kung anong papel sa kanyang mukha. Marahas niya iyong inalis, nilukot, at basta na lang itinapon. "Ibalik mo sa 'kin ang susi mo. Ayokong basta-basta ka na lang pumapasok dito."

"'Buti na lang alam kong gagawin mo 'yon kaya may back up copy ako." May inilagay na naman itong papel sa kanyang mukha. Bago pa man niya iyon mahablot at mapunit ay nailayo na iyon ni Zane. Pagkalipas ng ilang sandali ay ipinaypay na naman nito iyon sa kanyang mukha.

Naiinis na nilingon ni Jay Ann si Zane at saka itinulak. Wala siyang pakialam kahit na nahulog ito sa kama. Makapal naman ang carpet kaya alam niyang hindi nasaktan ang binata.

Itinaas ni Zane ang isang coupon bond at iwinagayway habang nasa sahig pa rin.

"Ano ba kasi 'yan?" iritadong tanong niya. "Love letter ni Margie? Gusto mong ipabasa sa 'kin? I-flush ko pa 'yan sa toilet." Grade five sila nang unang beses makatanggap ng love letter si Zane. Inipit ni Marjorie ang sulat sa libro nila sa Science. Siya ang unang nakakita niyon. Likas siyang pakialamera pagdating kay Zane kaya siya muna ang nakabasa. Natatandaan niya na nainis siya nang husto sa kaklase nilang iyon. Hanggang sa makatapos sila ng elementary ay hindi na niya kinausap o pinansin si Marjorie. Come to think of it, hanggang ngayon ay hindi pa niya ito pinapansin kahit na minsan ay nagkikita sila sa university.

"Nope," sagot ni Zane mula sa sahig.

"Love letter mo para kay Margie? Gusto mong i-proofread ko?" Second year high school sila nang unang nagkaroon ng crush na hindi celebrity si Zane. Tandang-tanda pa ni Jay Ann ang pangalan ng babae... Thunderella. Muse ng klase nila ang babae. Ang ganda-ganda nito, ang puti-puti. Transferee si Thunderella at halos lahat ng lalaki ay nahibang sa babae. Thunderella was a very nice girl. Parang hindi pa nga ito aware sa sariling ganda. Hindi maarte at vain. Noong una lang nainis ang mga babae kay Thunderella dahil masyado itong maganda, kalaunan ay naging kaibigan na ni Thunderella ang lahat—maliban sa kanya.

Jay Ann just hated Thunderella. Mas kinamuhian niya si Thunderella nang mabasa ang isang kantang ginawa ni Zane para dito. The song was about a guy who constantly watched the girl of her dreams from a distance. It was about unrequited young love. Zane poured his heart out for the girl. Pilit na iginiit ni Zane sa kanya na hindi iyon para kay Thunderella ngunit si Thunderella lang naman ang kinahuhumalingan ng binata nang mga panahong iyon.

Anong tuwa ni Jay Ann nang sagutin ni Thunderella ang isang senior student na manliligaw nito. Zane moved on. Sa palagay niya, magkaibigan pa rin ang dalawa hanggang sa ngayon kahit na nakabase na sa Singapore si Thunderella.

Napapabuntong-hiningang naupo sa sahig si Zane. "Kung gagawa ako ng love letter para sa ibang babae, hindi ko na ipapabasa sa 'yo."

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon